Naiintindihan mo ba Ako?
keizke
_______________________________________________________
Waaaah! Nakakaasar naman si Sir! Kung bakit kasi ganito ang sinapit ko. Huhu naiiyak na ako. Baka naghihintay na si Zeke sa akin. Hindi ko naman kasi inaasahan na ganito gagawin sa akin ni Sir. Waaaaah!
*flashback*
Maaga akong pumasok ngayon. Syempre naman! Masipag ata ako mag aral kaya dapat agahan ko palagi. Ok din naman pala sa school na ito e. maayos din naman pala magturo ang mga teachers dito.
Nagsimula na ang klase, ok naman yung una pero sa sumunod na pagtuturo, tila dinapuan ako ng kamay ng kaantukan. Hindi ko alam kung bakit parang tinatawag ako ng unan at kumot ko. Haay, nakakarami na ako ng hikab. Mabuti na lang at nasa may likuran ako nakapwesto dahil kung hindi at sa bandang unahan ako, malamang tinahi na ng teacher ko yung bibig ko. Pero loko lang ‘yon, stapler na lang.
Anyway, hindi ko na talaga mapigilang ihiga ang ulo ko sa mesa ng upuan ko. Animo’y kinakantahan ako ng mga nanay na naghehele sa kanilang mga sanggol. Parang tinuturukan ako ng mga duktor ng mga baliw ng pampatulog para hindi na ako umungol. Hindi ko namalayan, sinakluban na ako ng mapang akit na mundo ng katahimikan.
Hindi ko rin namalayan na 30mins. din pala ako nakatulog ng mga sandaling iyon. Ginising ako ng makapangyarihang eraser ni Sir. Kasabay ng mga nakakalokong tawa ng mga kaklase ko. Kahit ako napapangisi sa nangyari.
Sir: Hello Ms. Zuestre! Masarap ba sa mundo ng pantasya? Ehem! (nilinis ang lalamunan kunwari) will you please explain to us the bla bla bla?
Para akong computer na naghihintay makasagap ng wifi. Buffering ang signal.
Ako: Sorry Sir, what is it again?
Tawanan na naman ang buong klase.
Sir: Explain to us the bla bla bla!
Tila bulkang sumabog si Sir sa pagkakasabi niyang 'yon. Ginising niya ang natutulog na burol.
Ako: bla bla bla bla. Bla bla bla!
Nagulantang ang lahat. Hindi nila akalain na mae-explain ko yon. Mismong si Sir tila napahiya sa nangyari. Umupo na ako after ko magpaliwanag. Hindi nila alam na nag aadvance reading ako kaya ready ako sa mga ganitong pagkakataon. Hahaha!
Sir: Ehem (nilinis na naman ang lalamunan kunwari), see you after class Ms. Zuestre.
Hindi ko alam kung anong dahilan at gusto niyang pumunta ako sa office niya. Dami ko naiisip.
#1 Paglilinisin niya ako ng buong office niya dahil natulog ako sa klase niya.
#2 Ipapatawag ang magulang ko dahil sa inasal ko.
#3 Pagsasamantalahan ako.
Waaaaah! Erase yung #3, nakakatakot naman yun. Wag yun. Haaay. Nawala ang antok ko dahil dun kaya natapos ang klase ng active ako. Naalala ko bigla yung date namin ni Zeke. Patay na! pupunta pa ako kay Sir. Bibilisan ko na lang ang mga ipapagawa niya para hindi maghintay yun. Teka, wala nga palang sinabi yung mokong na ‘yon kung saan kami magkikita. Asar naman, sa ilalim na lang ng puno, ‘don lang naman kami nagkikita e.
Nasa office na ako ni Sir at nakaupo siya sa upuan niya. Hinihintay niya talaga ang pagdating ko.
Sir: Ms. Zuestre, akala ko hindi ka na dadating.
Ako: Medyo late po kasi kami pinalabas ng last teacher namin.
Sir: Ah! Oo nga pala, kaya kita pinatawag dito ay para sabihin na napabilib mo ako sa ginawa mo. Nag a-advance reading ka pala. Pero masamang matulog sa klase, lalong lalo na sa klase ko. Kaya bilang parusa. Eto ang mga papel ng lahat ng tinuturuan ko sa school, examinations nila yan. Check-an mo lahat, may answers na akong nilagay diyan. At hindi ka makakauwi hangga’t hindi ka tapos diyan, maliwanag?
YOU ARE READING
Naiintindihan mo ba Ako? -Completed-
HumorNandito lahat ng kalokohan, katatawanan, emosyon, lungkot, pangamba, hinala, tiwala, pag asa, pagibig, takot. Keep on Reading!