(A/N: nasa gilid naman po si Gail Xyril Zuestre --------------------> )
Naiintindihan mo ba Ako?
keizke
Inabot niya ang kamay niya at…
Zeke: Oo, Zeke Tristan Villaroza. It’s Nice to meet you.
__________________________________________________________
Hindi ko malilimutan ang mga sandaling yun. Hanggang ngayon sa pag uwi ko, bakas pa rin sa akin ang saya. Nag e-echo sa isip ko ang pangalan niya. Ayiieeee! Kinikilig ang lola mo! Para akong timang dito sa kwarto ko.
Oo nga pala, hindi niyo pa ako lubos na kilala, dahil dyan, ipapabasa ko sa inyo ang slambook ko! Oo, Edited ko yan : )
Name: Gail Xyril Zuestre
Nick Name: Gail (sa family and relatives ko), Xy (sa friends and classmates ko)
Age: 19
Hobby/Hobbies: Singing, Playing the Guitar.
Oh ‘di ba? Sa sobrang edit, yan lang ang nailagay ko. haha! OFW ang papa ko, engineer siya dun. Si mama naman nasa bahay lang. hindi na siya pinagtrabaho ni papa para mas maalagaan daw ako. Wala naman akong sakit para alagaan ng todo. wala naman akong cancer e. Medyo may kaya sa buhay kaya medyo nabibili ko ang gusto ko at medyo maayos ang sitwasyon ko.
Gitara ang partner ko kapag nagsisimula ng kumanta ang bibig ko. Katulong ko ito sa paglikha ng mga salitang binibigkas ng puso ko. Music feeds my soul \m/ . hindi ako yung tipo ng babae na magdadamit na parang sa babae talaga. Skinny jeans ang paborito kong pambaba, syempre, converse ang sapatos! Magkakamatayan tayo kapag pinagsuot niyo ako ng sapatos na may takong! Hahaha!
Pero wag na pala magkamatayan, sayang ang buhay. Ang buhay ay utang. Hulugan ang bayad, kaya huwag kang matakot na magkamali, pero alalay lang huwag kang masyadong magmadali. Aish. Ano ba yan, nakabukas kasi radio ko, hahaha! Anyway, yeah! Boyish type ako. This is me and I love it!
Bagong transfer lang ako sa bagong school na ito. Nilipat ako ni mama dahil wala raw ako matututunan sa dati kong paaralan. Pang 10 beses ko na atang transfer ito mula ng nag-aral ako. Kaya wala akong permanenteng kaibigan. I mean bestfriend na maituturing, kasi hindi naman ako nagtatagal sa school na pinapasukan ko. Ewan ko kay mama kung bakit ganon ang trip niya. (o trip lang ata ni otor ang palipat lipatin ako ng paaralan). Ang resulta? Delay ang mga pagpasok ko kaya 4th year high school pa lang ako ngayon.
Maganda ang school na nalipatan ko, maganda ang facilities, equipments at maraming maaaring tambayan. Oh tambayan, naalala ko na naman ang nangyari kahapon.
*Flashback*
Habang naglalakad ako sa school kasabay ng pagkain ng candy, kasi bagong transfer nga lang ako dito, napansin ko ‘yung isang lugar na pwedeng tambayan kapag gusto ko mag isa. Gusto ko kasi ‘yung tahimik lang para mas mafeel ko ang ang calmness ng paligid. Para nakakapag gitara at makakanta ako ng mag isa. Nakita ko yung malaking puno, tama lang para sandalan habang nakaupo o pwede ring higaan ang lupa dahil sa mayabong nitong mga damo.
Sisimulan ko na sanang magtipa ng gitara ng may mapansin akong may umupo sa likod ng puno. Siguro may natambay na dito dati pa nung wala pa ako. Ayoko ng may kaagaw sa pwestong ito kaya maghahanap na lang ako ng ibang tambayan. Tumayo na ako at balak kong dumaan talaga sa pwesto ng kung sino mang nagmamay-ari ng tambayang ito para malaman ko kung sino ang nagpalayas sa akin. Nakahiga siya, mukhang ginawa na nyang silid-tulugan ang punong ito, isa na namang puno ang naging payong. Habang naglalakad sa may gilid niya, hindi ko naiwasang tingnan ang mukha niya.

YOU ARE READING
Naiintindihan mo ba Ako? -Completed-
Hài hướcNandito lahat ng kalokohan, katatawanan, emosyon, lungkot, pangamba, hinala, tiwala, pag asa, pagibig, takot. Keep on Reading!