Chapter 3-Zeke's POV

111 4 1
                                    

Naiintindihan mo ba Ako?

keizke

____________________________________________________________

Natulala ako bigla…

Hindi ko akalain…

Nakapikit siya habang kinakalabit ang kanyang gitara kasabay ng pag awit ng buong puso. Ramdam ko ang kanyang damdamin habang nakanta.

Hindi ko talaga akalain, siya nga, ang babaeng nasa harapan ko ngayon ang babaeng nagpaniwala sa akin na totoo ang tadhana. Ito, itong nangyayari ngayon ang nagpatotoo sa paniniwalang ‘yon.

*Flashback*

Busy ang lahat dahil sa gaganaping Bernal-Stylus Academy Camping sa aming school. Magsasama kaming mga 6th Grade students sa 6th Grade students ng kapitbahay naming paaralan. Mamaya pang hapon ang simula ng programa kaya kami ay naghahanda para sa kani-kanilang contest na sasalihan. Kasali ako sa contest ng mga audience, ang manuod. Haha!

Dumating na ang hinihintay namin, ang mga students ng Stylus Academy. Marami sila, mga fifty ata, hehe. Iba’t ibang klase. Mayaman, mahirap, panget, pogi, maganda, matalino, palatawa, mahiyain at mga mukhang isasabak sa giyera. Kasama ko sa paglalakad si Ram. Oo, may kaibigan ako dati, hindi pa naman ako weird (tulad ng sinasabi nila ngayon). Naghahanap ata ito ng chicks mula sa ibang school. Chickboy talaga ang mokong!

Ram: Zeke, Tingnan mo yun o! Chicks!

Ako: Saan?

Ram: Ayun, sa may pinto, bandang kaliwa, kasama ng mga bakla.

Ako: Nasaan?

Ram: Ewan ko sa’yo, bulag ka!

Pero sa paghahanap ng babaeng tinutukoy ni Ram, iba ang pumukaw sa sarili ko. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya, napako sa babaeng may hiwagang taglay. Naka bonet siya, mahaba ang buhok, maputi, matangos ang ilong, medyo singkit, naka skinny jeans at converse, may hawak na gitara habang nakikipag usap sa kasama  niya. Oo, kakaiba talaga siya. Animo’y siya lang ang tao sa paligid, walang ibang kasama sa anumang gilid, ibang pag ibig ang hatid.

“You are sitting at one place,

I was walking and mesmerized by your lure and grace.

I sat adjacent to you, looking for a chance.

Is this what we call love at first glance?”

-PartofMyPoem

Nawala ang paru-paro sa aking tiyan ng umextra si Ram. (kung hindi ko lang kaibigan, nilubog ko na sa lupa ang ulupong na ito.)

Ram: O boy? Ano nangyari sa’yo?

Ako: Pre, nakikita mo ‘yung babaeng yun? Yung may hawak na gitara?

Ram: San? Ah ayun?

Ako: Oo, yun nga! Tandaan mo ‘tong araw na to pare, kapag nakita ko ang babaeng yan ulit, liligawan ko siya!

*End of Flashback*

Pumutok ang bula ng nakaraan ko ng mapansin kong nasa harapan ko na pala siya. May pagtataka sa mukha niya, animo’y nakakita ng walang reaksyong mukha. Hindi ako makakilos. Wala akong masabi. Nakatitig lang ako sa mukha niya.

Ganon pa rin ang itsura niya. Walang pinagbago, oo tumaas siya ng konti at medyo lumaki, sapat para sa isang normal na babae. Maganda pa rin siya. Agad akong bumalik sa pwesto ko. Hinuli ako ng hiya, binalot ako ng pagkatorpe ko, nagkunwari na lang ako na nagbabasa.

Pero mas nagulat ako sa ginawa niya. Lumapit siya sa akin at umupo. May kinukuha ata siya sa bag niya. Ayokong direktang tumingin sa kanya. Pero halos lumuwa ang mata ko ng iabot niya sa akin ang notebook ko. Oo, ang notebook ko nga! Hindi ako makapaniwalang siya ang nakakuha ng notebook ko. Ibig sabihin, siya rin ang katext ko kagabi!

Dahil sa hiya, takot, pangamba at pagkalito, nakabuo ako ng susunod kong gagawin:

a.     Play cool and say “Thanks, Bye” sabay alis.

b.     Tumakbo agad at maghanap ng panibagong tambayang hindi niya malalaman. (Sa ilalim ng lupa.) 

c.     Kunin ang notebook at mag thank you sabay mag ninja moves at mag disappear.

d.     Sabihing “thank you and sorry kagabi” sabay kuha ng notebook.

e.     Hintaying bumuka ang lupa at kainin ako dahil sa ginawa ko kagabi.

Pero sa lahat ng mga nabuo kong mga styles. Iba ang nagawa ko.

Ako: Salamat, Gail right?

Kinuha ko ang notebook at binuklat buklat ito. (mahirap na, baka may sinulat ito) haha!

Gail: wala yun, yes Gail Xyril Zuestre, Zeke ‘di ba?

Ang ganda ng boses niya, sarap pakinggan, haha! Ambading ko! Pero hindi, sa loob loob ko pagkatuwa. Sa labas labas ko pagkahiya. Kausap ko ngayon ang babaeng sinabihan ko noon na liligawan ko ngayon.

Inabot ko ang kamay ko sa kanya at…

Ako: Oo, Zeke Tristan Villaroza. It’s Nice to meet you.

_____________________________________________________________

NEXT --> CHAPTER 4 - GAIL'S POV

LEAVE A COMMENT BELOW :)))

Naiintindihan mo ba Ako? -Completed-Where stories live. Discover now