Chapter 4

2.9K 60 12
                                    

Chapter 4: Panyo ko!

[Kenneth]

Hindi naman ako magkakaroon ng napakaraming panyo nang hindi dahil sa kaniya. Pansin ko kasing lagi siyang may dalang panyo.

Sa totoo lang, hindi ako nagpapanyo dati e. Nagpanyo lang naman ako dahil sa kaniya.

FLASHBACK

"Yak ka, Kenneth! Amoy pawis ka!" nandidiring sabi ni Venice sa akin.

Sa totoo lang, magkababata kami niyan. Magkatapat bahay namin. -__-

"Katatapos ko lang maglaro ng basketball edi talagang magkakaroon ako ng pawis." sagot ko naman.

"Edi sana man lang, punasan mo!" bulyaw niya sa akin.

"Nakalimutan kong magdala ng towel e."

"Buti nga sa'yo!"

"Tsk! May panyo ka naman eh, pahiram." sabi ko sa kaniya.

"YAK! Bakit mo gagamitin itong panyo ko? Yoko nga." pagtanggi niya.

"Edi amoy pawis na lang ako hanggang makauwi sa bahay." sagot ko naman.

"Next time kasi, panyo panyo din pag may time." pang-aasar niya. Dahil na rin sa naasar at pagod na pagod ako sa pagbabasketball, kinuha ko 'yong panyo niya na hawak niya lamang.

"KENNETH!" Sigaw niya sa akin nang ipunas ko ito sa pawis ko.

"YAK!" nandidiring sabi nito. Adik ng babaeng ito. Kung maka-yak.

"Salamat." sabay abot ko sakaniya ng panyo niya.

"SAYO NA 'YAN. May panyo pako sa bahay."

"Sabi mo eh. Edi akin. Nga pala, ang baho ng pabango ng panyo mo." pang-aasar ko sa kaniya pero ang totoo, ang bango.

Hindi ko na ata ipalalaba e.

"MAS MABAHO KA! AMOY PAWIS!" Natawa na lang ako sa reaksyon niya.

Ang cute!

END OF THE FLASHBACK

Kaya simula noon, bumili na ako ng panyo. Nakakahiya naman kasi sa kaniya. -___-

"HOY CASTRO! Ibalik mo sa akin ang panyo ko." inis nitong sabi pagkapasok na pagkapasok niya ng room.

"Ano na muna 'yong indirect kiss?" ngising tanong ko. Hindi ko alam kung namamalikmata ako o malabo na ang mata ko kasi bigla siyang namula.

"GRRR!" Galit na galit na sabi niya pero bigla na lang siyang umupo sa tabi ko at tumahimik.

Anong meron sa kaniya?

"Uy!" sabay sundot ng tagiliran niya pero wa epek.

"Uy!" sabay sundot ng braso niya pero wala pa rin.

"Uy!" sabay sundot ng pisngi niya.

"Uy!" sabay sundot ng ilong niya.

"UY!" sabay sundot ng... O___O

"YAK KA CASTRO!" bulyaw niya at agad na pinunasan ang bibig gamit ang panyo... "Hoy, panyo ko 'yan." ngising sabi ko sa kaniya.

"YAK TALAGA! YAK!" Sigaw niya na siyang dahilan ng biglaang paglingon ng mga kaklase namin sa gawi namin.

"Uy! Anong meron?" tanong ni Wency.

"Naghaharutan 'yong dalawa sa likod oh." sigaw ng isa naming kaklase. Agad naman nagreact ang mga kaklase ko.

"AYIIIIIEEE!" tukso nila.

"NAKAKAINIS KA KENNETH!" bulyaw niya sa akin.

Napatingin ako sa kaniya. Bakit namumula siya?

Kanina pa namumula mukha niya!

"Hoy! May sakit ka ba?" nag-aalalang tanong ko.

"LAKAMPAKE!" sabay tayo at nagtungo sa pintuan.

"HOY VENICE! MAY KLASE!" sigaw ko.

"EDI MAG-E-EXCUSE." sagot niya bago lumabas ng room.

Anong problema nun?

"Papa Kenneth! May gusto ka ba kay Venice?" mangiyak-iyak na tanong ng isa kong 'fans' slash classmate ko rin. Agad namang nagsitanungan 'yong iba.

Gusto ko daw ba si Venice?

"Ang panyo ko." sabi ko sa kanila bago umalis.

Panyo Ko, Panyo Mo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon