Chapter 5

2.8K 60 16
                                    

Chapter 5 : Sine ko to'

[Venice]

"Venice? Anong ginagawa mo rito?" tanong sa akin ni Nurse Lee nang makapasok ako sa loob ng clinic.

"Papacheck up ulit ako, nurse." sagot ko naman. Ewan ko rin ba nangyayari sa akin. Laging namumula pisngi ko pag nandiyan si Kenneth. Tapos sa tuwing tinutukso kami ng mga kaklase namin at sa tuwing mababanggit niya 'yong INDIRECT KISS, namumula pisngi ko!

WAAH! Diko alam kung anong nangyayari sa mukha ko!

Tumatanda na ba ako?

"Ano ba ulit 'yon?" tanong niya sa akin ng makaupo ako sa sofa ng Clinic.

"Nurse, namumula ulit pisngi ko." sabi ko. Huhu!

"Hindi naman mainit ang panahon ngayon ah." sambit niya na nakahawak sa baba niya na tila nag-iisip.

"Oo nga po." sagot ko naman.

"Kailan ba namumula pisngi mo?" tanong niya sa akin. Ganon pa rin ang posisyon niya.

"Tuwing nandiyan si Kenneth na laging---." naputol ang mahaba sanang speech ko nang magsalita siya.

"Alam ko na, Venice." ngiting sambit niya sa akin.

"Ano po?" ngiting tanong ko. Malalaman ko na rin ang sakit ng pisngi ko!

Tumawa siya bago nagsalita, "Dapat sa love expert ka nagpunta,Venice at hindi sa isang katulad ko." ngiting sabi niya. Eh? Ano naman magagawa ng love expert kuno sa sakit ng pisngi ko? I mean, sa pamumula ng pisngi ko?

"Ha?" 'Yon na lamang ang nasabi ko. Naguguluhan kasi ako. Paano napunta sa love expert ang pinag-uusapan namin?

"Namumula ang pisngi mo kasi kini---". naputol ang sasabihin ni Nurse Lee ng biglang nagbukas ang pintuan ng Clinic.

"Hoy Venice! Yung panyo ko!" sigaw niya sa akin. Naguguluhang napatingin ako sa kaniya.

"FYI! At kung hindi mo pa alam ang FYI, ito ang meaning niya...FOR YOUR INFORMATION, wala sa akin 'yong nakakadiring panyo mo!" naaasar kong sambit. Aba! Bakit niya hinahanap sa akin ang panyo niya? Iniisip ko palang na ipinamunas ko sa bibig yung...Argh!

YAK!

"Nasa'yo kaya!" pagpupumilit niya. Naaasar na talaga ako! Pigilan mo ako, Nurse Lee. Baka mapapatay ko na siya gamit ang panyong hawak ko. Masasakal ko na siya!!

"BAKIT HINDI MO TANUNGIN SA MGA KAKLASE NATING FANS MO? BAKA HABANG NAGTATALO TAYO KANINA EH, KINUHA NILA NG PALIHIM YANG PANYO MONG NAKAKA...EWWW!" sigaw ko sa kaniya. Nakakainis.

"May I interrupt you guys? Nasa loob tayo ng Clinic. And look, lahat ng mga nandito ay pinapanood na kayo." rinig naming sabi ni Nurse Lee. Napatingin agad kami sa kaniya at sa mga nasa loob.

"AH! Sorry po!" paghingi ko ng paumanhin. "Kalimutan niyo na po 'yong nangyari. Nagpra-praktis lang kami ng drama para sa project namin. Nurse Lee, sensiya na at nadamay pa kita pero maswerte ka pa rin kasi starring ka. Pasensiya na po talaga ha sa inyo?" sabi ko sa kanilang lahat.

Napansin ko naman na nagpipigil ng tawa si Kenneth. Tiningnan ko naman siya ng sakyan-mo-dali look.

"Ah. Opo. Totoo po 'yong sinabi ng girlfriend ko. Tingnan niyo po 'yon oh, may maliit na camera." ngiting sabi niya sabay turo sa isang cabinet. Nagsitinginan naman silang lahat roon.

"Sige po! Alis na po kami!" sabi niya sabay higit ng braso ko palabas ng Clinic.

"HAHAHAHAHAHA! GRABEH KA, VENICE. ANG GALING MONG UMARTE KANINA! HAHAHAHA!" Pagkalabas na pagkalabas namin, bigla siyang napatawa ng malakas at pinagsasabi mga 'yan.

"-__________-"

"O? Bakit ganiyan mukha mo?" tanong niya.

"BAKIT MO SINABING GIRLFRIEND MOKO? HINDI MO BA ALAM NA MALAKING ISSUE 'TO?" Malakas kong sigaw sa kaniya sabay walkout.

AKO? Girlfriend ng lalaking 'yon? LOOOOOL.

Panyo Ko, Panyo Mo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon