Chapter 17

764 24 16
                                    

Chapter 17: Results

[Venice]

Ngayon na pala namin malalaman ang results ng exam namin noong February 21. Wooh! Sana mataas nakuha ko! Sana nga!

Halos buong weekend ko iniisip ang resulta ng exam ko. Hindi ako makatulog at pagulong-gulong ako lagi sa kama ko. Hindi mapakali at makomportable!

E kinakabahan kasi e!

Nagpaalam naman na ako kay Mama na papasok na ako.

Paglabas ko ng gate ay nakakita ako ng halimaw na nakatayo sa harapan ko.

OO ISANG HALIMAW!

Napataas naman ako ng kilay at nilagpasan siya.

Hindi ko na aaksayahin ang oras ko na makipagtalo pa sa halimaw na 'to! Waste of time!

Habang naglalakad ako at pakanta-kanta ng Lalalalalalala~, bigla na lang may humawak sa kamay ko.

Napatingin naman ako sa lapastangan na humawak sa kamay ko at sino pa nga ba?!

SI HALIMAW! >.<

"HOY! BI---" naputol ang sasabihin ko nang pinantakip niya ang kanyang panyo sa bibig ko.

WHAT!? PANYO NIYA!? Yak!

Ano ba naman! Sa lahat ng ipapantakip niya sa bibig ko, yung panyo pa niya!

Pwede naman yung kamay niya na lang. Okay na rin sa akin yun kaysa sa panyo niya! Duh.

Nagulat naman ako nang makita ang kulay ng panyo at kulay pula 'to. At kaparehong-kapareho ‘to ng panyo na natanggap ko noong Hearts Day! Pareho rin ang design!

WAG MONG SABIHING?!!

Nakita ko naman siyang ngumiti sa akin at napatango.

NO! HINDI 'TO MAAARI! 

SIYA ANG NAGBIGAY NG TATLONG ROSAS AT RED NA PANYO!? E DIBA NA-LATE SIYA NOON AT TINANONG NIYA PA KUNG ANO DAW YUN? 

UPPER CASE PARA DAMANG DAMA NA NAGULAT TALAGA AKO!

Paano nangyari?! O__O

"I want to hold your hand. So, let me." sabi niya at di ko namamalayan na nag-umpisa na muli kaming maglakad.

A..anong nangyayari?

Ramdam ko rin ang init ng pisngi ko ngayon at alam ko ng namumula ako. Sobrang pula ng mukha ko!

WAHHH! AYOKONG MALAMAN NIYA NA NAMUMULA AKO! Kaya napaiwas ako ng tingin.

Pilit ko namang inaalis ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko. Ano siya? Siniswerte? Wala pang lalaki ang nakakahawak ng malambot kong kamay at siya lang talaga ang lalaking naunang lumapastangan na gawin yun!

Ughh! First kiss in my forehead. SIYA!

Pati pa naman 'to? First siya sa paghawak ng kamay ko?

WAG MO RING SABIHING SIYA ANG FIRST NGAYON SA EXAM?!

Naiisip ko pa lang yun, asar na asar na ako! Huhuhu.

"ALISIN MO NGA YANG KAMAY MO!" sigaw ko sa kanya. Ngayon ko na lang ulit nakuha ang lakas ko mula sa pagkakagulat ko kanina.

Hindi siya umimik kundi mas hinigpitan niya ang paghawak ng kamay ko.

Napatingin naman ako sa harapan at laking gulat ko na malapit na kami sa school.

AYOKO! AYOKONG MAKITA NILA KAMING GANITO!

Na nakahawak si Kenneth sa kamay ko. >.<

Sabihin pa nila kaming holding hands while walking?! No way!

Panyo Ko, Panyo Mo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon