Chapter 13

907 22 4
                                    

Chapter 13: He just kissed me...

[Venice]

Aish! Hinding hindi na talaga ako magpapakaladkad kay Kenneth kahit kailan! Kahit na mag-walkout siya at magtampo sa akin! Kahit na makokosensya pa ako, hinding hindi ko talaga siya susundan! Geez! Ayoko ng maulit ang nangyari sa Sweets Café!!

Ang daming nangyari na labag sa aking precious kalooban!

At kung ano man ang mga yun ay ayoko ng maalala! Wag niyong itanong! K?

“Uy, saan nga pala kayo nagpunta ni Kenneth kahapon?” bulong ni Wency.

WAHH! Kasasabi ko lang na ayaw kong maalala pero dahil sa tanong ng babaeng ‘to, nag-flashblack lang ng nangyari!

Napatayo ako at,

“WALA!” malakas kong sabi na halos lahat ng mga kaklase ko…napatingin sa akin.

“Anong wala? Meron!” napataas naman ako ng kilay na napatingin sa asungot na katabi ko. Asungot na sumasali sa usapan!

“WALA NGA SABI!”

“MERON.”

“WALA!”

“MERON.”

“WALA!”

Bigla naman kaming napatingin sa harapan nang…

“YOU TWO! GET OUT!” galit na sabi ni Mrs. Echavarre na nakatingin sa amin.

Napayuko na lamang ako. Meron pala si Mam… Hindi ko naalala na nagkaklase pala kami.

Napatango ako at kinuha ang aking gamit. Pumunta ako sa harapan kung saan naroon si Mam. Huminto ako at napa-bow,

“Sorry, Mam.” Yun na lamang na sabi ko at lumabas na ng room.

Naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko.

Hindi dapat ako nag-ingay.

Hindi dapat ako gumawa ng ikakagalit ni Mam.

Hindi ko na lang sana pinatulan si Kenneth.

Dapat tumahimik na lang ako!

Ang bait ni Mam sa akin…sobrang bait.

At ganun na lamang ang ginawa ko sa klase niya!

I can’t…

“VENICE!” rinig kong tawag niya.

Hindi ako lumingon at tumakbo na lang ng mabilis.

Ayoko muna siyang kausapin!

Tumakbo ako papuntang rooftop.

Hingal na hingal akong napaupo at napasandal sa pader.

“Ayoko na! WAAAAAAAAAAAAHH!”

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pintuan.

“Venice…”

Agad akong tumayo at pinagsusuntok-suntok ko siya sa kanyang dibdib.

“BAKIT!? BAKIT? ANO BANG PROBLEMA MO AT LAGI MO NA LANG AKONG GINAGANITO? BAKIT MO BA AKO PINAGLALARUAN? DI MO BA ALAM NA NAIINIS NA AKO SAYO!? MANHID KA BA PARA DI MO MARAMDAMAN? AYOKO NA! AYOKO NG MAKIPAGTALO SAYO! NAPAPAGOD NA AKO! NAPUPUNO NA AKO SA MGA PANG-AASAR MO! AYOKO NA SA----“

“Hindi ako manhid. Ikaw ang manhid.”

And with that he left me, confused. He just…kissed me in my forehead.

AKALA NIYO SA LIPS ‘NO? ASA!

Pero mabuti na lang sa noo! Kung hindi, siya ang first kiss ko.

Panyo Ko, Panyo Mo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon