Chapter 15

792 19 0
                                    

Chapter 15: Ayoko na talaga...

[Venice]

"Hindi ako manhid. Ikaw ang manhid."

Napasabunot na naman ako ng buhok nang maalala ko na naman ang sinabi niya. Aish! Hanggang dito pa naman sa Library, maalala ko pa rin yun!?

Grabe na talaga ah! Grabeng grabe! Whoo! =__=

Ilang linggo na rin kaya ang nakalipas simula nang sinabi niya yun sa rooftop! Hanggang ngayon pa ba?

Hanggang ngayon pa na nagrereview ako para sa final exam namin sa February 21?!

February 3 na kaya oh! Malapit na! Ilang araw na lang ang nalalabi! At ayaw kong sayangin ang mga araw na yun.

Kasi TIME is GOLD. 

K, walang kwenta pinagsasabi ko. Paano napunta yung ARAW sa ORAS? Psh!

At dahil nga naalala ko yung sinabi niyang yun, naalala ko rin yung paghalik niya sa noo ko!

MYGASH! My first kiss in my forehead T^T

Ninakaw niya, grabe! Nakakainis na talaga siya! He's really getting on my nerves!

"Oh, anyare sa buhok mo?" napaangat ako nang ulo nang narinig kong magsalita si Wency.

Umupo naman siya sa harapan ko.

"Wala," walang gana kong sagot at inayos ang buhok ko.

"Ano ba talaga kasi ang nangyari, Venice?" tanong niya.

Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin niya alam ang nangyari between Kenneth and me.

Wala pa talaga. Kasi hindi pa ako nagkwe-kwento sa kanya. At sa tingin ko, ganun rin si Kenneth.

I'm not yet ready, you know?

Tsaka meron bang nangyari? WALA NAMAN DIBA?!

Ang magsabi ng meron, pangit. -.-

"Wala," sagot kong muli at tinuon ang atensyon sa pagbabasa ng malapad na libro ng Physics.

"Ehhhhh!" napatingin naman ako sa reaksyon niya.

"Oh? Anong binubusangot mo dyan? Magreview ka na lang kaya!" sabi ko at nagbasa muli.

"Okay, Ms. Valedictorian." rinig kong sabi niya.

Napaubo naman ako sa sinabi niya. Tinawag niya kasi akong Ms. Valedictorian.

"Wag mo nga muna akong tawaging Ms. Valedictorian! Di ka pa sigurado 'no!" sabi ko naman sa kanya.

Naiisip ko kasing baka hindi rin lang naman ako. Ayokong umasa. Mahirap kaya! Ikaw rin lang masasaktan sa huli.

Kaya "expect less, hurt less".

Tweet niyo yan sa twitter tapos lagyan niyo ng credits to Venice. -.-

"Heh, anong hindi pa ako sigurado!? Siguradong sigurado na ako 'no!" sabi naman niya nang nakangiti.

"Proud bestfriend here." dagdag pa niya.

Napaiwas naman ako ng tingin at napairap. Hindi pa rin talaga ako sigurado.

"Paano mo naman nasabi na sigurado ka?" di ko maiwasang maitanong. Tsaka gusto ko rin malaman.

"Ikaw kaya Top 1 noong first and third grading." ngiting sabi niya.

Yeah, ako nga. Bilib kayo 'no? Pero...

"Pero si Kenneth naman noong second grading," mahinang sabi ko.

Oo, magaling rin yung mokong na yun! 

Hindi lang sa panyo kami nagtatalo, pati na rin sa rank. Sa academics.

Kinakalaban talaga ako ng lalaking 'yun!

"Ay naku, Venice! Wag ka ngang nega! Stay positive!" sabi niya at pinakita pa niya sa akin yung daliri niyang pinag-cross.

"Tsaka pansin ko lang, wala kang tiwala sa sarili mo! Psh!" sabi niya pa.

"Sige na nga," sabi ko na lang para matigil na siya.

Tsaka may tiwala ako sa sarili ko 'no! Hindi ko lang talaga maiwasang mag-isip ng mga ganun. Hayy!

Ang drama ko ata ngayon? Hahaha! Hindi bagay -.-

Napangiti naman siya at nagbasa na rin ng libro.

Magbabasa na rin sana ako nang may naalala na naman ako...

"Hindi ako manhid. Ikaw ang manhid."

WAHHHHHHHHHH! Ano ba naman! >_<

Ayoko na! T^T

Ayoko na talaga...

Panyo Ko, Panyo Mo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon