Chapter 7: Anong meron?
[Kenneth]
"Oy, Venice! Bakit ang tahimik mo at parang iniiwasan mo ako ngayon?" tanong ko sa kaniya habang sinusundan siyang papuntang cafeteria.
"Baka meron siya ngayon." sabi naman ni Wency na katabi niyang naglalakad.
"Sa tingin mo?" tanong ko.
"Hoy! Kung ano-ano pinagsasabi niyo." Napatangin ako kay Venice na nakangiti. "Sa wakas. Nagsalita ka na rin."
"Is that a big deal for you?" taas kilay niyang tanong. "Oo naman. Kanina ka pa kaya hindi umiimik. Iniisip ko lang naman kapakanan mo. Baka kasi wala ka ng magamit na saliva kaya hindi ka na nagsasalita. Okaya naman, naputol na ang dila mo."
Napatigil siya sa paglalakad at humarap sa akin.
"Baliw!" singhal niya sa akin at binilisan ang paglalakad.
"SA'YO!" Sigaw ko at hinabol silang dalawang naglalakad. Napatigil ulit siya at napaharap sa akin.
Bakit siya namumula?
"Wag ka nga! Nakakainis. Lumayo ka nga sa akin. Ayaw kong makita ang pagmumukha mo. Break na tayo!" sabi niya at tumakbo paalis. Sinundan naman siya ni Wency na halatang naguguluhan sa kaniyang narinig.
"Single na ulit si Papa Kenneth!"
"Yes! Sabi sa inyo e, habang may bukas...may-pag-asa!"
Nalilito pa rin ako sa sinabi niya.
'Break na tayo!'
'Break na tayo!'
'Break na tayo!'
Naging kami ba? Hahahaha.
"Bakit parang masaya ba si Papa Kenneth nang magbreak sila ni Venice?"
"Baka kasi hindi niya talaga mahal."
"Well. Wag na nating pansinin 'yon. Ang mahalaga, SINGLE na ulit siya!"
Naaalala ko na. Kaya pala niya sinabi 'yon kasi sinabi kong girlfriend ko siya noong isang araw. Sa may Clinic. Di ko akalain na kalat na ngayon sa buong school. Pfft.
Hanga talaga ako kay Venice. Nakagawa ng paraan para masolve ang problemang 'magbf-gf' kami.
Talagang ayaw niya ha?
BINABASA MO ANG
Panyo Ko, Panyo Mo (Completed)
Short Story"Ang panyo ko, panyo mo. At ang panyo mo, panyo ko." Short story by CrystaBri