Chapter 9: Saan sila pupunta?
[Venice]
"Hoy Kenneth!" Sigaw ko sa kaniya.
Nakakalayo na kasi siya e. Pero ang lalaki, argh! Di man lang lumingon at tumigil.
"Hoy! Saan ka ba pupunta?" Pasigaw kong tanong pero wala pa rin akong nakuhang sagot.
Enebe!
Nekekeheye ne se mge stedyenteng nekentengen se eken!
"Hoy!" Sigaw ko ulit siya! ABA'T! HINDI PA RIN---
"HOY CASTRO! PAG HINDI KA TUMIGIL, LAGOT KA SA AKIN!" Inis kong sigaw.
Pero walang epekto! Aba't sinusubukan talaga ako nito ah!
"DIYAN KA NA NGA!" Sigaw ko at hindi na siya sinundan.
Ano akala niya? Susundan ko pa rin siya? Nakakainis na kaya! Siya na nga sinundan tapos aarte pa! Kalalaking tao, ANG ARTE-AR---
"ARAY! BITAWAN MO NGA KAMAY KO!" Sigaw ko sa kaniya.
Kinuha niya kasi ang kamay ko(Wag kang mamilosopo!) at kinakaladkad sa kung saang man siya dalhin ng paa niya!
Tsaka actually, hindi naman kasi masakit ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya sinabi kong 'Aray!' Nagulat lang kasi ako at sa sobrang ganda at gulat ko, "ARAY!" ang nasabi ko. Iba rin e 'no?
Pilit kong itinatanggal ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko pero wala eh, malakas siya. -.-
"Hoy! Saan mo ba ako dadalhin? Nasa labas na tayo ng school oh?" Naiinis kong tanong ko sa kaniya.
Naiinis ako kasi...hawak pa rin niya kamay ko. If I know, nananching lang eh! Tsk.
Nakakainis rin 'yong naka-assign na school guard ngayon! Aba't bakla pala 'yon? Kaya ayun, para makalabas kami...nagpicture silang dalawa ni Kenneth. Nakakainis kaya! Nagmukha akong audience sa harap! Di man lang nahiya sa ganda ko!! Tsaka dapat nga ako kasama ni Ken---nevermind. What I am saying? Tss.
At kanina pa ako dadak ng dadak dito pero ayun, tahimik pa rin si Kenneth habang kinakaladkad ako.
"Hay sa wakas! Tumigil na rin!" parinig ko sa kaniya.
Mabuti naman at may balak siyang tumigil. Hello? Halos 30 minuto na kaming naglalakad. Nakakapagod kaya!
"Pwede mo naman na sigurong bitawan ang kamay ko diba?" taas kilay kong sabi sa kaniya.
Hindi pa kasi bitawan. -__-
"Panyo muna." sabi naman niya.
"Wala akong panyo." pagsisinungaling ko!
Luh. Anong akala niya? Ibibigay ko sa kaniya ang panyo ko? Pinagpapawisan rin kaya ako! Ano nalang ang ipangpupunas ko sa pawis ko pag binigay ko sa kaniya? Duh.
Mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. Napairap naman ako!
"Saan ba tayo pupunta?" pag-iiba ko ng usapan.
"Doon." sabay turo niya sa *O*.
BINABASA MO ANG
Panyo Ko, Panyo Mo (Completed)
Povídky"Ang panyo ko, panyo mo. At ang panyo mo, panyo ko." Short story by CrystaBri