Chapter 18: Birthday Party
[Kenneth]
Nariring ko ngayon ang ingay ng tugtog na galing sa bahay nina Venice kahit na nandito pa lang ako sa loob ng bahay, nakaupo sa sofa.
March 7 nga pala ngayon at birthday niya.
Napatingin naman ako sa hawak kong bagay. Matagal ko ng gustong ibigay ‘to sa kanya, noong bata pa kami, pero hindi ko maibigay-bigay.
Pumupunta naman ako sa birthday niya pero wala talaga. Hindi ko maibigay-bigay.
And this would be my first gift for her sana. Wala pa akong naibibigay na regalo sa kanya tuwing birthday niya. Ni-kuting wala. Pwera na lang sa mga panyo na naibigay ko sa kanya.
“Kenneth, di ka ba pupunta sa bahay nila Venice?” tanong ni Mama.
Agad ko namang itinago ang bagay na ‘yun sa aking likuran.
“Tsaka bakit hindi ka nakadamit ng red? Wag mong sabihing hindi ka pupunta?”
Red daw kasi ang motif ng birthday party ni Venice kaya dapat red ang kulay ng damit. Tss. Daming alam. Batang-bata pa rin.
Nga pala, nakadamit ng red blouse si Mama ngayon at may hawak na regalo. Ewan ko na lang kung ano ‘yun. Psh.
“Basta, ma! Pag tinanong ka nila kung bakit wala ako o pupunta ba ako, sumagot ka na lang ng ‘hindi ko po alam’.” sabi ko naman.
“Hindi ako si Napoles.” pokerface niyang sagot.
“Basta, ma!” sabi ko na lang at napahiga sa sofa.
“Sige ka, malulungkot si Venice pag hindi ka pumunta.” rinig ko namang sabi ni Mama bago lumabas ng bahay.
Malulungkot ka nga ba Venice?
[Venice]
Nandito ako sa harap ng gate namin at sinasalubong ang aking mga relatives, friends, classmates at teachers na invited sa birthday party ko ngayon.
“Happy birthday, Venice!” bati sa akin ni Wency na kararating lang.
Napatingin naman ako sa kamay niya kung may hawak siyang regalo. Napangiti naman ako nang mayroon nga.
“Aww! Salamat!” masayang sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya.
Sinabi ko naman na umupo na muna siya sa table kung saan nakaupo ang ilan naming kaklase at ilagay yung regalo niya sa akin sa gift table.
Hindi ko naman sinasadyang mapatingin sa bahay nina Kenneth na katapat lang ng bahay namin.
Nakita ko naman si Tita Jenny na lumabas sa kanilang bahay.
Nakita niya ako kaya ngumiti siya sa akin. Napatingin naman ako sa likuran niya kung nandoon si Kenneth pero wala siya.
Nang makalapit si Tita sa akin ay sinalubong ako ng isang halik sa pisngi.
“Happy birthday, anak!” ngiting sabi niya.
“Thank you tita!”
“O bakit malungkot ka?”
“Huh, tita? Malungkot? Ako!? Hindi po ah!” sabi ko naman.
Bakit naman nasabi ni Tita na malungkot ako? Masayang-masaya nga ako e!
“O sya, sge. Pasok na ako sa loob ha?”
“Opo!” ngiting sabi ko naman.
Ilang minuto na rin ang nakalipas at narinig kong nagsalita si Mama sa mic.
BINABASA MO ANG
Panyo Ko, Panyo Mo (Completed)
Short Story"Ang panyo ko, panyo mo. At ang panyo mo, panyo ko." Short story by CrystaBri