Chapter 10

1.9K 38 8
                                    

continuation...

"Ano pang hinihintay natin? Tara naaa!~" ngiti ngiti kong sabi at nagsimulang maglakad pero bumalik rin ako kasi nga hawak niya ang kamay ko. =___=

"Panyo nga muna." sabi nito sabay lahad ng kaliwa nitong palad.

"AISHH! NAKAKAINIS TALAGA!" reklamo ko sabay kuha ng panyo ko mula sa bulsa gamit ang kanang kamay ko. Hawak kasi niya ang kaliwang kamay ko at ang nakahawak sa kaliwang kamay ko ay ang kaniyang kanang kamay. (Gets?)

"Punasan mo ang pawis ko!" sabi nito na may nakakalokong ngiti.

"Arggh! Kung hindi lang para sa ice cream, hindi ko 'to gagawin." naiinis kong sambit sabay punas ng pawis niya gamit ang PANYO KO!

HUHUHU. R.I.P. sa'yo. Kawawa ka naman!

Pagkatapos kong gamitin ang panyo ko sa kaniya, kinuha niya ito at ibinulsa. Tsk! Mabuti naman at alam niya. Anong akala niya? Ibubulsa ko pa rin 'yon?

No. No. No. A big NO!

Muntik na akong matumba ng bigla niya akong hilahin!

MYGASH! BASTUSAN? -__-

"Pwede bang magpaalam muna sa akin kung kakaladkarin na ako?" pokerface kong sabi. Tumigil siya at napaharap sa akin.

"Anong gusto mong sabihin ko? Heto..."

"..Venice, Pwede na ba kitang kaladkarin?" sabi niya na may bading accent!

Napatameme ako sa sinabi niya. Oo nga 'no? -___-

"Tse!" Yun nalang nasabi ko at napairap. Nakita ko naman siyang nagsmirk. tsk!

At ano pa nga ba ang susunod na gagawin niya? Edi ayun, kinakalakad ako hanggang sa makapasok kami sa Sweets Cafe. Well...gusto ko naman. Haha!

"Osige, hanap ka na ng table at ako na mag-oorder." sabi niya habang nakatingin sa menu sa taas.

Luh! Bakit siya lang ang mag-oorder? Kainis ah. Dapat ako rin!

"Uy, humanap ka na ng table natin." ulit nito. Napairap nalang ako.

"WHATDA---" Naputol ang sasabihin ko nang...

"Good Afternoon Mam & Sir!" ngiting bati ng cashier sa akin.

"Good Afternoon din." bating pabalik ni Kenneth sabay kindat.

Ako? Nakatingin sa kaniya ng masama. Oo nga at binitawan na niya ang kamay ko pero NAKAAKBAY NAMAN SIYA NGAYON!

Kasi ganito 'yon...

Aalis na sana ako para maghanap ng table at dahil maganda ako...nakalimutan kong hawak niya pala ang kamay ko. Kaya hinila niya ako pabalik sa kaniya sabay akbay sa akin.

Panyo Ko, Panyo Mo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon