Nakadilat ako habang nakatingin sa ceiling ng kwarto ko. Hindi mga alaala ni Mike ang nagpapagising sakin ngayong gabi kundi 'yung ngiti, boses, at muka ni Mr. Ongpauco.
Come to think of it, hindi ko alam ang first name niya. At saka bakit ba siya ang nag-interview sa akin? Hindi ba dapat HR? At parang ang bilis niya nagbihis mula jogging outfit to suit. I rolled to my side sabay tingin sa oras. Alas-dos na hindi pa ako tulog. Hindi ako pwedeng malate mamaya. Pinilit kong pumikit hangga't sa nagtagumpay ako.
Nag-alarm ang orasan ko, alas-nuebe kasi ang papasok ngayon. Nagmadali akong naligo at nagbihis. Not gonna be late for my first day at work. When I got to my car, my cellphone rang.
Unknown number.
"Hello?" I said when I answered on the third ring. "Miss Lastimosa." Iyon lang ang sinabi ng tao sa kabilang linya. "Yes, speaking. May I know who this is please?" I asked so politely. "You wound me. Una hindi mo ako namumukhaan, pangalawa hindi mo ako nabobosesan." Tapos tumawa siya. Si Mr. Ongpauco.
"S-sorry Sir." Iyon lang ang nasabi ko sabay face palm. "It's okay Miss Lastimosa, so I will be expecting you in my office by 9am sharp?" He asked.
"Y-yes Sir." Then he dropped the call. Ganoon ba karami ang ipapagawa niya sa akin sa unang araw ko ng trabaho na kailangan niya pa ipaalala sa'kin ang pasok ko? Teka, ano nga ba ang ibinigay niyang trabaho sakin?
Pagkarating ko doon, sinalubong ako agad ng isa sa mga reception girls. "Miss Lastimosa, pinapatawag ka ni Mr. Ongpauco sa office niya." Then she gave me a tight smile. Teka kahapon ang bait niya lang sa'kin, ngayong parang ang sungit na niya. I shook that thought off of my head. Kumatok ako sa pinto ng opisina ni Mr. Ongpauco saka ako pumasok.
Nakatalikod siya habang nakatanaw sa malaking glass window ng opisina niya na sakop ang buong siyudad. Then he turned around to face me, "Scotch?" Sabay aya ng basong hawak niya. Ang aga aga umiinom. Srsly? "N-no Sir. I don't drink." Sagot ko sabay iling.
"That does account to your no sense of familiarity?" He asked. Napakunot ako ng noo. Anong gusto niya sabihin? Pero bago pa ako nakasagot, nagsalita siya ulit. "So Miss Lastimosa-"
"Tonie na lang Sir." I cut him short. Naiirita na kasi ako sa kaka-Miss Lastimosa niya. Feeling ko nagtatawag siya ng graded recitation.
He again grinned. Ayan nanaman ang nakakamatay niya ngiting. Ang ngiti niyang tumatatak sa utak ko. "Antoinette." He addressed me. "These are the files under review for the upcoming opening of the Blossom Condominium. Alam mo naman ang account na ito diba? I'm sure you are very familiar with this." Ani niya.
I looked at the folders, lost. Akala ko sa Diamonds Marketing nag-sign ang Blossom nung natalo kami sa bid? "A penny for your thoughts?" Muling ani ni Mr. Ongpauco. "H&B and Diamonds Marketing are sister companies, both are under the same owner." He continued, answering all my lingering questions.
"Alam ko rin na you lost the bid on your ex-company. That is why I am giving you this account. Any other question Antoinette?" He asked after drinking empty his glass of scotch. I shook my head. Kinuha ko lahat ng mga folders, kahit hindi ko alam kung saan ang opisina ko. "Sheryl will lead you to your new office. She is waiting for you outside." Again he answered everything that is on my mind! Mind reader ba siya?
Nagmamadali akong umalis ng opisina niya dahil hindi ko na kaya pang magtagal doon. Natutunaw na kasi ako sa bawat titig at ngiti niya. Dagdag mo pa ang bawat tawa niya na nakakatunaw ng panty.
Pero bago pa ako nakaalis, "And one more thing Antoinette." Napalingon ako ulit sa kanya. He grinned. "Call me Heath." Napatango ako sabay lakad-takbo para lang makalayo sa kanya.
BINABASA MO ANG
Tempting Mr. Perfect (PUBLISHED UNDER PRECIOUS PAGES)
RomanceAVAILABLE ON ALL LEADING BOOKSTORES NATIONWIDE RAW AND UNEDITED | COMPLETED | 29 April 2016 - 26 June 2016 | MR. PERFECT SERIES #1 | If you're looking for the perfect girl, Antoinette Louvelle Lastimosa is the one you're looking for. Accomplis...