Thirty Five

92.5K 1.5K 23
                                    

"Louvelle anak anong nangyari?" Tatlong araw bago ako natawagan ni Mama. Ayoko kasing ako ang tumawag sa kanya dahil baka magkasama nananamn sila ni Heat at magkabistuhan kami. "Alam mo bang hindi ako tinitigilan ni Heath, ilang araw na niya ako sinusundan. Ano bang nangyari?"

Hindi ko na napigilan. Umiyak na ako habang nakaakap sa unan ko sa kwarto. "M-ma... T-tama ka M-ma....P-paiyakin niya lang ako." Iniiyak ko lahat ang pwede kong iiyak.

"Louvelle anak, sorry hindi ka maakap ni Mama ngayon." Naririnig ko rin na umiiyak na si Mama sa kabilang linya. "Sorry anak."

Nakatulog na ako habang kausap si Mama, nakatulog ako dahil sa kaiiyak. Ilang araw na akong ganito, pagiyak ang naging lullaby ko. Nagising ako sa isang tawag kinabukasan, "Miss Lastimosa? This is Doctora Perez."

Napabangon ako at napahawak sa ulo ko. Ang sakit, tapos biglang umikot ang paningin ko. Nabitiwan ko ang cellphone ko at napatakbo ako sa banyo.

Inabutan ako ni Nanang na dumuduwal sa inidoro. "Tonie apo!" Sigaw niya sabay luhod sa tabi ko. Hinawakan niya ang buhok ko at habang hinahagod ang likuran ko. "O-okay lang ako Nang..." Bulong ko habang naghahabol ng hininga.

And then I felt another urge to vomit. This time, narinig na ni Tatang ang pagsigaw ni Nanang sa banyo kaya napapunta na rin siya. "Tonie? Isusugod ka na namin sa ospital!" Sigaw ni Tatang.

"T-ang o-okay lang ako. B-baka nasira lang tiyan ko sa kinain ko kagabi.." I again whispered habang pilit na pinupuno ng hangin ang baga ko sa tabi ng inidoro.

"Hindi, pupunta tayo ng ospital!" Matigas na sabi ni Tatang. Inalalayan nila ako hanggang sa makasakay sa kotse ni Tatang.

"Kinuha ko pala ang cellphone mo apo. Kanina pa ito tumutunog." Sabi ni Nanang ng sumakay siya at umupo sa tabi ko sa back seat. Tinignan ko, puro si Doctora.

"D-doc? Sorry kanina bigla kasing sumakit ulo ko at naduwal ako. Bakit po ba?" Sabi ko habang nakaupo ako sa isang kama sa OR. Naghihintay ng attending doctor.

Pinauna ko pa kasi yung bata sa tabi ko na nilalagnat, naawa kasi ako. Paano kapag anak ko yun diba? Napasimangot ako, hindi nga pala ako buntis.

"Miss Lastimosa, nagkapalit kasi ang TransV result niyo nung isang pasyente bago ka." Kumabog ang dibdib ko. "Buntis ka, dalawang buwan na. Nasa akin ang resulta din ng blood test mo at mataas din ang bHCG mo. Pupuntahan kita ngayon, pwede ko bang malaman ang tirahan mo?"

Nahilo ako dahil sa tuwa, buntis ako! Sana maging kamukha ni Heath ang anak ko. Napaakap ako sa tiyan ko, baby excited na si Mommy sayo.

"N-nasa ospital po ako doc. Nahilo kasi ako kanina tulad ng sabi ko."

"O sige pupuntahan kita diyan."

Madaling naman akong napuntahan ni doctora, kasi iisa lang naman ang Tertiary Hospital dito sa probinsya. Saktong nagduduty din siya dito, nirequest ko na siya na lang ang requesting doctor ko.

"Kailangan mo bang magpaconfine?" Tanong sa akin ni doctora. Napailing ako. "Hindi naman doc, okay lang naman po ako."

"Tulad nga ng sabi ko, normal lang naman na mahilo at maduwal. First time niyo po ba?" Napatango ako.

Ang dami pang ibinilin sa akin ni doctora bago niya akong payagan umalis ng ospital. Tahimik lang sila Nanang at Tatang hanggang sa nakauwi kami.

"Apo, sino ang tatay ng dinadala mo?" Hindi na napigilan ni Tatang magtanong. Napakuha pa siya ng tobacco niya sa ilalim ng mesa sa sala dahil ninenerbyos na siya.

"Yan ba ang dahilan ng bigla mong paguwi dito?" Dagdag ni Nanang. Napatingin ako sa kanila. Napaupo ako at binaon ko ang mukha ko sa mga palad ko.

"S-sorry po Nang, Tang." Bulong ko habang iniipit ang bawat hikbi na nakakatakas mula sa bibig ko.

Naramdaman kong inakap nila ako parehas. "Ssshhh, ayos lang apo. Lumaki ka naman ng maayos kahit wala kang kinilalang ama. At hindi namin hahayaang magkulang sa pagmamahal ang nasa sinapupunan mo."

Tempting Mr. Perfect (PUBLISHED UNDER PRECIOUS PAGES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon