Two

160K 2.7K 135
                                    

Napakamot ako sa ulo habang hinihintay ang stop light na magberde. Nakakainis, malilate ako nito sa interview ko! Ilang linggo na rin ang nakalipas at sa wakas nakahanap na ako ng trabaho! Minabuti ko na lang na mag-make up muna. Hindi na kasi ako nakaayos dahil late na ako nagising. Umiyak iyak muna kasi ako hanggang alas-tres ng umaga bago ako nakatulog.

Nagli-lipstick ako ng bigla akong pitadahan ng kotse sa likod ko. Pagkatingin ko green light na pala. I rolled my eyes. HINDI BA PWEDENG MAGPAGANDA ANG BABAENG INIWAN NG JOWA?! I hit the gas pero bago pa tuluyan makalagpas sa cross road ang kotse ko may biglang tumawid na lalakeng nagjo-jogging.

Napapindot ako sa busina ng sasakyan ko habang mabilis na nakaapak sa break, in return pinalo ng lalake iyon ang hood ng kotse ko. Ay walangya 'yon ha! Hindi ba siya marunong tumingin ng stop light?! Can this day get any worse?! Tinignan ko ang watch ko, it's 9:03. Alas nuebe ang interview ko. Late na ako tapos patuloy pa sa kakapitada ang kotse sa likod ko. NATATAE BA SIYA? Nakakainis!

Nakarating ako building ng Harper & Bryan Marketing Inc. ng bandang 9:45. Kapag hindi talaga ako nakuha sa interview na ito gawa ng lalakeng nagjo-jogging na yon, nako nako talaga! Hahanapin ko siya at ipapapatay sa Yakuza!

Pagkatunton ko sa 16th floor, kinausap ako agad ng receptionist. "Yes ma'am do you have any appointment today?" Ani niya. Sandali akong napatitig sa kanya. She was wearing a dress that perfectly shaped her perfect body, her hair bun into perfection, tapos yung make up niya parang pupunta sa MET Gala. Napatingin ako sa sarili ko. Ang pangit ko Lord.

"Uh. Yes." Maikling sagot ko. "Can I have a valid ID please ma'am?" Magalang na sagot niya. Inabot ko ang driver's license ko. Nakasimangot siya ng nakita niya, "Ma'am, late na po kayo for the interview." Alam ko, ugh! "Usually Mr. Ongpauco doesn't entertain late interviewees. But you can wait by the sofa, tatanungin ko lang siya." She smiled. May mga mabubuting pangyayari pala ngayon umagang ito kahit puro kabullshit-an ang sumalubong sa akin.

Umupo ako sa sofa, after 15 mins lumabas iyung receptionist. "Ma'am, Mr. Ongpauco will see you after he is done with his meeting." Ani nito. Yes! Thank you Lord.

I looked around, everything is glass and marbles and white and black. Kahit yung damit ng mga reception girls itim rin. Ang boring naman ng buhay ng taong 'to. Matagal akong nakaupo doon, masakit na nga ang pwet ko dahil 10:30 na hindi pa rin ako natatawag, ano bang ginagawa ng "Mr. Ongpauco" na 'yon? Baka nakalimutan na niya ako. 

Bandang quarter to 11 may mga lumabas na naka-suit sa parang conference hall. The reception girls greeted them one by one. Nabuhayan ako ng dugo, akala ko matatawag na ako pero 15 mins after hindi pa rin ako tinawag ng "Mr. Ongpauco" na iyon. I started to slouch by the sofa, inabot ko ang bag ko at nagsimulang kumain ng Nerds. Magkakaulcer na ata ako nito. 

Maya-maya may lalakeng lumabas sa conference hall na naka-suit din. Pero siya iba ang dating. Nagkatinigan din ang mga reception girls at humagikgik na para bang kinikilig. Teka, parang kilala ko siya.

Saan ko nga ba siya nakita?

Buffering........

3....

2....

1...

SIYA YUNG LALAKENG NAGJOJOGGING KANINA!!!! 

Lord, please lang po sana hindi siya yung mag-i-interview sa'kin. Pero di bale na lang! Hahanap na lang ako ng ibang trabaho. Pasimple akong tumayo, ngunit bago pa ako makalapit sa pinto biglang, "Mr. Ongpauco, this is Miss Lastimosa, the one who had you book for the 9 o' clock interview?" Ani ng isang receptionist. Napalingon ako sabay ngiti, tulad ng ngiti ng batang nahuli habang kumukuha ng candy.

 Napalingon ako sabay ngiti, tulad ng ngiti ng batang nahuli habang kumukuha ng candy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Ngumiti din sa akin ang lalakeng iyon. Ang in-i-imagine kong Mr. Ongpauco ay matanda, nasa mid 50's na siguro. Pero 'tong lalakeng nasa harap ko ay parang hinubog na maging kaperpekto ni Lord. "Miss Lastimosa, have we met before?" Tugon niya. Kinabahan ako, baka nakita niya ang pagmumukha ko ng muntikan ko siyang mabangga kanina.

"Ah not that I know sir." Magalang na sagot ko. Ngumiti siya ng nakakaloko. "Please follow me at my office." He said while gesturing me towards his office.

Nang nasa loob na kami, tinititigan niya lang ako while he has that stupid grin plastered on his face. Anong problema niya? Saka niya in-open ang folder sa harap niya, I think that's my resume. "So Miss Lastimosa, bakit ka umalis sa dati mong trabaho?"

I gulped. "I am looking for a greener pasture Sir." He was running his fingers on his chin while he examine every part of my resume. Nararamdaman ko ang bawat kabog ng dibdib ko. Then he looked at me, "You're hired. You can start tommorow." Sabay sarado ng folder na iyon.

I looked at him bewildered. Yun na yun?! "Ah-eh. Thank you Sir." 'Yun lang ang nasabi ko. I got my bag at tumayo. I extend my hand, "Thank you Sir. I promise I won't disappoint." Kinuha naman niya yung kamay ko, he shook it and grinned.

Hindi ko siya maintindihan kanina pa siya ngiti ng ngiti. Madumi ba mukha ko? Pangit ba outfit ko? I withdraw my hand from his and started walking to exit his office. Then he again spoke, "Next time na kamuntikan mo akong mabangga Miss Lastimosa, siguraduhin mong tinted ang sasakyan mo para hindi ko maalala ang mukha mo." Namula ako ng bahagya, when I looked at him nakapalumbaba na siya at nakangisi ng malaki.

Ano ba tong napasok ko?!

Tempting Mr. Perfect (PUBLISHED UNDER PRECIOUS PAGES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon