"I'm so sorry this has to happen to you hija." Tugon ng mommy ni Heath habang nakaupo kami sa sala ng mansyon nila.
Pinapunta niya kasi kami dito para makausap na ang lawyers nila. I'm not really quite sure kung gusto kong ikaso si Ivan. Natatakot akong harapan siya, lalo na sa korte.
"Medyo gumaling na, malala yan nung nakita ko." Sabi niya habang tinuturo ung marka ng kamay ni Ivan sa wrists ko.
Napatango naman 'yung isa sa mga lawyer niya, "Yes, ipapadevelop na lang namin 'yung picture na binigay niyo tapos kailangan pa namin ulit kuhanan ito ng letrato pandagdag ebidensya."
"Gusto mo ba?" Tanong ni Heath sa akin. I nodded my head.
Ang dami pa nilang pinagusapan kaya umalis muna ako at nagtungo sa kusina para uminom. Ang totoo, gusto ko lang muna lumayo dahil nasasakal ako dahil sa usapan. Sa tuwing pipikit kasi ako, nakikita ko ang mukha ni Ivan habang humahalik siya sa leeg at dibdib ko.
Nadatnan ko si Paulo sa kusina na busy magtext at umiinom ng paborito niyang Coke in can.
"Oh, bakit ang biktima andito?" Pabirong tanong niya. Sinamangutan ko siya bago ako naglabas ng tubig sa ref. "I was just kidding smarty pants. So how are you?"
"O-okay na ako. I just want that bastard to rot in jail." Utal na sagot ko.
"When did this happen again?" He asked as he took another drink of his soda.
"Last Tuesday, bakit?"
"Hmm and where's Heath when it happened?" He inquired. I sighed, ayoko namang isipin niya na kasalanan ni Heath.
"He's working late with some business partners." Sagot ko habang nagbubuhos ng maiinom sa baso.
"Business partners?"
"He mentioned the last name Del Silva nu'ng tinanong ko siya last time."
Napangisi siya at umiling nu'ng narinig niya 'yung sinabi ko. "Do you know what's Ingrid's maiden name Tonie? It's Del Silva."
Napababa ako sa pitcher na hawak ko dahil baka mabagsak ko. Nabiyak ang puso ko nu'ng narinig ko 'yung sinabi niya. Nakikita sila? Kailan pa?
Bakit itinago sa akin ni Heath? Iintindihin ko naman siya. Sinabi kong iintindihin ko lahat-lahat ng siya basta sabihin niya sa akin. Pero bakit kailangan niyang itago sa akin ang tungkol dito?
Maituturing ko ba itong pagtataksil?
Pakiramdam ko nahigop lahat ng lakas ko. Napahawak ako sa dulo ng counter habang naghahabol ng hininga. "Paulo! Stop harrassing my girlfriend!" Inis na tugon ni Heath ng natunton niya kami ni Paulo sa kusina. "Harass your own girlfriend!" Dagdag niya bago niya ako hinatak palayo sa pinsan niya.
"Can't, she's not here." Mapilyong sagot ni Paulo ng palabas na kami ng kusina.
"Siraulo talaga 'yun! Ang hilig na tikisin ako." Ani ni Heath habang hawak ang kamay ko. Hindi ko na nagawang sumagot dahil patuloy na naninikip ang dibdib ko.
Umupo ako ulit kung saan ako nakaupo kanina nang nakabalik kami sa sala. Then my mom suddenly appeared at the doorway. Nawala ang pagaalala ko sa sinabi ni Paulo dahil nailipat sa Mama ko na naka-akap sa akin ngayon.
"Walanghiya ka Louvelle! Bakit hindi mo sinabi agad sa akin!" Galit na aniya pero nangingibabaw ang takot at pagaalala doon.
"Pinasundo na namin siya para sayo, she needs to know." Ani ng mommy ni Heath.
I stilled for a moment. Wait lang, kasama namin si Tito Anton at Tita Carmi tapos andito rin si Mama, pakiramdam ko naging awkward ang atmosphere.
"Salamat Carmina." Sagot ni Mama sabay tango kay Tita Carmi. Magkakilala sila?!
"Antoinette is practically a family now, Luisa. Her problem is also ours." Sagot ng mommy niya sabay ngiti. "Besides, I think our son has no intentions of letting her go." Dagdag pa ng daddy niya.
"W-wait you three know each other?" Tanong ni Heath na naguguluhan na rin, tulad ko.
"I dated your Dad way back in Law School, boy." Sagot ni Mama. Is she even allowed to say that habang kaharap ang asawa ng Daddy ni Heath? "And I must say he's the corniest person ever. "
Napatawa din yung mommy ni Heath, "Tell me about it." Aba pinagtulungan pa nila si Tito Anton.
"M-ma?" I looked at her with questioning eyes.
"Anak, kahit kailan madali ka pa ring maniwala sa sinasabi ko." Napailing si Mama habang nakangisi. "We dated, we parted ways but we remained friends." So hindi talaga siya ang rason kung bakit ako nabuo? Ano ba talaga Ma?!
Saka kwinento ni Mama sa kanila 'yung lunch date na kasama namin si Heath. Plinano pala nilang tatlo 'yun. Pero ayon sa mag-asawa, hindi pa nila alam kung sino ako nu'ng birthday ni Tita Carmi. Naitanong na lang nila si Mama after ng party. Para silang mga bata! At kailangan pa talaga nilang itago sa amin ito!
"M-ma, para ka talaga bata!" Inis na sabi ko. At nag-away pa talaga kami ni Heath nang dahil sa lunch date na 'yun.
"And that goes to you two as well! Seriously? Are you two even adults?" Heath said in exasperation before slouching at the couch.
Isa na lang ang kulang Heath, ang sabihin sa akin ang tungkol kay Ingrid.
BINABASA MO ANG
Tempting Mr. Perfect (PUBLISHED UNDER PRECIOUS PAGES)
RomanceAVAILABLE ON ALL LEADING BOOKSTORES NATIONWIDE RAW AND UNEDITED | COMPLETED | 29 April 2016 - 26 June 2016 | MR. PERFECT SERIES #1 | If you're looking for the perfect girl, Antoinette Louvelle Lastimosa is the one you're looking for. Accomplis...