"May trabaho pa ba akong babalikan love?" Tanong ko kay Heath habang nakahiga ako at nanunood ng T.V. sa kwarto namin. Siya naman busy i-massage ang baby bump ko gamit yung preggy cream na bigay ng Ate niya sa amin. Para daw maiwasan ang stretch marks, tho sa akin okay lang naman magkaroon.
"Ha? Oo naman. Anong posisyon ba gusto mo?" Sagot niya pero hindi niya pa rin iniaalis ang mata niya sa tiyan ko. Aliw na aliw nga siya sa ginagawa niya.
Actually, pinapapasok ko siya sa trabaho ngayon, pero ayaw niya. Unless gusto ko daw sumama sa kanya sa opisina. Sabi ko okay lang pero nagbago ang isip ng lolo niyo, ayaw niya daw pagpiyestahan ako sa baba kapag nakita ako ng mga empleyado na buntis na.
"Gusto ko pa rin yung dati kong trabaho love." Sagot sabay subo ng white chocolate. Yes, wag niyo ng tanungin kung ito ang pinaglilihiaan ko dahil obvious naman.
Napabili nga si Heath ng walong box ng iba't ibang brand ng white chocolate. Kasi ayaw niya daw na mabitin ako. Pero syempre careful pa rin kaming dalawa baka kasi naman tumaas ang sugar ko diba? Nakakatakot para sa baby namin.
"Marketing Manager? Ayaw mo ng mas mataas na posisyon? Pwede kitang gawing Senior Marketing Director sa Diamonds Marketing. Tutal, nagresign naman na ang SMD doon. Diba baby?" Ani niya, as if naman naiintindihan na siya ng baby namin. Umiling ako. "Ayoko, besides kung ililipat mo ako sa DMI malalayo opisina ko sayo kasi lilipat ako ng building." Sagot ko.
Sandali siyang napatigil at napatingin sa akin. "You are right. Okay ililipat na lang natin ang SMD ng H&B sa DMI para ikaw papalit sa kanya."
I rolled my eyes at him. "Heath, I just want my job back. Mahal ko yung trabahong yun." He sighed kasi alam niyang matatalo siya. "Fine, pero you will start working kapag nanganak ka na. Ayokong magtrabaho ka muna ngayon." Napangiti ako sa naging sagot niya. He beamed back at me. "And one more thing, never love your job as much as you love me." Parang tangang sabi niya. Inirapan ko siya kaya napatawa siya.
The next day, inilabas ako ni Heath. Idedate niya daw ako since we never got a chance na magdate talaga dati. Nagpasya siya na mag lunch muna daw kami bago kami magliwaliw dalawa sa loob ng mall.
Pumasok kami sa isang buffet-type, classy restaurant. Mukhang kilala na nga si Heath doon dahil agad kaming hinanapan ng mauupuan ng isa sa nga waitress doon.
"So what do you want to eat love?" Alam niyo naman ang magiging asawa ko akala niya konting lakad ko lang mapapagod na ako. Kaya siya na lang daw bahala kukuha ng pagkain ko.
Sasagot na sana ako kaso may biglang tumawag sa pangalan ng boyfriend ko. "Mr. Ongpauco!" May tuwa sa boses na iyon. Napalingon kaming dalawa kung saan nanggagling iyon.
Isang babaeng morena, medj matangkad, bilugan ang mata at may nakakamatay na ngiti ang papalapit sa amin. Agad naman akong tinititigan ni Heath, may bakas ng kaba sa mga mata niya.
Doon palang kilala ko na kung sino ang babaeng iyon. "Ingrid." Bati ni Heath ng hindi ngumingiti ng nakalapit na sa table namin ang babaeng iyon.
Napansin iyon ni Ingrid pero binalewala niya na lang. "Hi you must be Antoinette. Heath talks about you-"
"It is Mr. Ongpauco, Ingrid." Putol sa kanya ni Heath. Naramdaman kong nagbago na ang aura ni Heath. I held his hand, napatingin siya sa akin kaya napangiti ako.
Wala naman na akong rason para magselos pa o ano. I am not the jealous type unless may matinding rason talaga. Pero sa ngayon? Wala na akong makitang dahilan kung bakit pa ako magagalit sa kanilang dalawa.
"Yes, I'm sorry." Tugon muli ni Ingrid pero hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mukha niya. "Love, kumuha ka muna ng pagkain natin." Utos ko kay Heath. He looked at me as if he is going to protest. "Kung anong kakainin mo yun na rin sa akin." I said sabay ngiti.
"A-are you sure?" Pero alam ko hindi sa pagkain ang tinutukoy niya. Alam kong ayaw niyang maiwan ako magisa kasama ang exgirlfriend na. Tumango ako habang nakahawak sa tiyan ko na kanina pa pala tinititigan ni Ingrid.
Napapikit si Heath at napabuntong hininga. Tsaka niya hinalikan ang tiyan ko at ang pisngi ko bago umalis.
"Please, maupo ka." Sabi ko kay Ingrid na kanina pa pala nakatayo sa harap ko. Agad naman niyang sinunod ang sinabi ko, "Hindi tayo makakapagusap ng matagal Ingrid, kasi magmamadaling bumalik si Heath dito panigurado." Ani ko sa kanya.
Nginitian niya ako muli. She has the sweetest smile ever! "Oo nga e. So kelan nagpropose sayo si Mr. Ongpauco? Mukhang hindi na matutuloy ang plano namin ha." Tugon niya habang nakatingin sa singsing sa daliri ko.
"Mga three days ago ata, four." Maikling sagot ko habang hinihimas ang tiyan ko.
"Gusto ko sanang magsorry sa iyo. Ang totoo niyan nakarating sa akin ang ginawa mong pag-alis nung nalaman mo na nagkikita kami ni Heath." Namula ako ng bahagya. "Wag mong sabihin sa kanya na tinawag ko siya sa first name niya ha. Magsusungit nanaman ang taong iyon. Sikreto lang." Pabirong sabi niya.
I can't helped but smile. Mabait pala itong si Ingrid. Kaya pala gusto siya ni Ate Bella, tulad ng sabi ni Paulo. "Everything was just pure business. Actually nahiya akong manghingi ng tulong sa kanya noon. Pero dahil kasi sa estado ng kompanya namin, kailangan ko talagang lunukin ang pride ko at makiusap sa kanya."
"Heath is a very difficult man to deal business with. Hindi siya basta-bastang sumasang-ayon. At feeling ko nakadagdag pa sa hirap na iyon ang nakaraan namin. You know, yung ginawa kong pagiwan sa kanya. I had to wager with him, at ginawa kong advantage ang pagmamahal niya sayo. I offered him free planning service ng proposal niya sa iyo kaya ko siya napa-oo."
"Hindi kasi ako handa noon nung kami pa. Natakot ako na hindi ko kayang suklian ang pagmamahal niya sa akin. Imagine, he built me a house. He made sure na secure kami. Pero ako, wala pa talaga sa plano ko ang mga iyon. Bata pa kasi kami nun. So I walked away from him. Nagtago din ako. Natunton niya ako five months later sa States. Pero that time kinasal rin lang ako sa isang lalakeng nakilala ko sa bar."
I looked at her habang nagsasalita siya, wala ng kaemo-emosyon ang mga sinasabi niya pero nakakakita pa rin ako ng bakas ng lungkot sa mga iyon.
"It was a bad decision, trust me. I was broken and I met Andrew. It was a whirlwind decision. First thing we were kissing and the next thing I knew we were married. Kaya siguro hindi nagtagal iyon. Nabuntis ako kaso mahina ang kapit ng bata kaya nagkaroon ako ng miscarriage. Doon na nagsimula ang pagkalabuan naming mag-asawa. When he filed for divorce, akala ko matatapos na lahat ng pasakit ng relasyon namin. Pero hindi, he took all the money from our joint account, my personal account, dagdag mo pa ang mismong pera ng kompanya namin. And then that is it, tsaka ulit nagtagpo ang landas namin ni Heath."
"You know, I was glad that I left him. Because he met you. Kasi kapag ako ang makakatuluyan niya, hindi siya magiging masaya sa akin." Nakangiting dugtong niya sa napakahaba niyang paliwanag. Hindi ko nga alam kung bakit siya nagpapaliwanag sa akin e.
Pinatong niya yung kamay niya sa kamay ko na nakapatong sa mesa. "Thank God he met you Antoinette. Heath will be truly happy with you." Tapos bigla siyang tumayo, yun pala paparating na si Heath.
Ang sama-sama pa nga niyang makatingin kay Ingrid. "You can sit with us naman Ingrid." I offered pero umiling siya. "Thank you for the kind offer, pero I am with a friend." Sabi niya sabay turo sa isang lalakeng anim na table ang layo sa amin. Napatango ako, "Nice meeting you again Antoinette, Mr. Ongpauco." Tsaka siya bumalik sa mesa niya.
"Anong pinagusapan niyo?" Heath demanded as soon as he sat beside me.
I looked at him, "Everything that will make me love you more." Sagot ko. Nasilayan ko nanaman ang ngiti niyang nagsasabing masaya siya dahil kasama niya ako.
"Iguess I won't have any problem with that." Sabi niya sabay subo sa akin ng pagkain.
BINABASA MO ANG
Tempting Mr. Perfect (PUBLISHED UNDER PRECIOUS PAGES)
RomanceAVAILABLE ON ALL LEADING BOOKSTORES NATIONWIDE RAW AND UNEDITED | COMPLETED | 29 April 2016 - 26 June 2016 | MR. PERFECT SERIES #1 | If you're looking for the perfect girl, Antoinette Louvelle Lastimosa is the one you're looking for. Accomplis...