Thirty Four

94.1K 1.4K 24
                                    

"Ano nga bang gagawin mo apo?" Muling tanong ni Nanang habang naghahanda ng hapag.

"Bibili po ako ng cellphone Nang tsaka maglilibot libot na rin." Sagot ko habang pinapanood si Tatang na maglagay ng kanin sa plato ko. "Kailangan ko na rin kasing tawagan si Mama, baka nagaalala na siya sa akin."

"Ah o sige. Isusulat ko na lang mamaya sa papel ang number ng Mama mo para matawagan mo agad pagkabili mo." Napatango ako sa sinabi ni Tatang.

Nakalabas ako bandang 11 na. Tirik na tirk ang araw. Actually hindi lang naman kasi iyun ang balak kong gawin. Magpapakonsulta din kasi ako sa OB. Kailangan ko ng masigurado kung may laman ang tiyan ko.

"Ito po ung bago naming model Ma'am." Sabi nung babae sa akin habang nagtitingin ako ng cellphone.

"Sige yan na lang." Mahinang ani ko.

Feeling ko ang lungkot lungkot ng buhay ko. Kahit ako hindi na kilala ang sarili ko. Feeling ko kasi naibigay ko lahat kay Heath ang saya na kayang kong ibigay, hindi ko napansin na wala na palang natira sa akin.

Masakit. Sobra. Pero hindi siya yung sakit na pangkaraniwan. Sakit siya na halos wala na akong maramdaman. Sakit na okay lang kahit makita ako ng kung sino na malungkot. Sakit na wala ng pakealam kung anong mangyayari bukas.

Nakaupo ako habang naghihintay sa order ko, inilibas ko yung papel na binigay ni Tatang sa akin at sinubukang tawagan si Mama. Sana lang sumagot siya, hindi niya kasi ugaling sumagot sa mga tawag ko.

"Hello?!" Pasungit na sagot niya.

"M-ma..." Tawag ko. I heard her inhaled deeply. "Louvelle anak?!!" She shouted.

And then I heard a familiar voice on the background, "Antoinette??" Bakit sila magkasama ni Heath?

"M-ma wag mong sabihing ako ito. Please lang, magpapaliwanag ako pero tsaka na. Tawagan mo na lang ako ulit kapag hindi na kayo magkasama." I was almost out of breath when I finished my sentence.

"Hindi Heath, hindi siya. Akala ko lang, kliyente pala." Sagot ni Mama kay Heath. And then she again spoke to me, "Sige po Miss Vergara. I'll call again later."

I dropped the call. Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit sila magkasama ni Heath? Ayokong isipin na naguusap sila ni Mama dahil gusto ni Heath na makita ako muli. Ayokong umasa.

Tama na yung minsan. Dapat kasi nung una palang lininaw ko na sa kanya, sinabi ko na na alam ko ang lahat ng tungkol kay Ingrid. Para hindi na humantong dito.

Sumugal ako. Isinugal ko ang natitira sa puso ko pagkatapos ni Mike, kaya heto. Wala ng natira sa akin.

"We have to run some test with your blood sample muna Miss Lastimosa." Ani ng OB sa akin habang nakatingin sa strips ng transvaginal procedure ko kanina. "Pero from the looks of your TransV, mukhang negative Miss."

Napasimangot ako sabay akap sa tiyan ko. So wala? Yun na lang ang tanging alaala na pwedeng iwan sa akin ni Heath naging abo pa. "Why? Are you expecting ba?" Muling tanong ni Doctora Perez.

Napansin niya siguro ang naging reaksyon ko. Napailing ako, "Hindi naman doc. So bukas ko po ba makukuha yung resulta ng blood tests ko?"

Napatango siya, "Yes, baka naman kasi masyado kalang stress kaya hindi ka dinatnan. Pero we'll know what to do kapag dumating na results mo." Sabi niya sabay ngiti.

Paglabas ko ng clinic, napatingin ako sa langit. Nagbabadya ng umulan. Pati langit nakikiayon na sa nararamdaman ko.

Tempting Mr. Perfect (PUBLISHED UNDER PRECIOUS PAGES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon