Thirty Nine

103K 1.5K 25
                                    

"Alam na ba nila Mommy mo na buntis ako Heath?" Tanong ko sa kanya habang pinapanood siyang magmaneho.

"Yes, I called them agad when you agreed to be my wife. Kaya nga excited silang makita ka." He still has that same happy expression he has nung nagkabalikan kami.

Inalalayan niya akong bumaba sa sasakyan, "Be careful." He growled ng kamuntikan akong matapilok habang pababa ng sasakyan. Pinandilatan ko siya, "I didn't m-mean it that way pero magingat ka please love. Si baby ko." Suway niya sa akin habang papasok kami ng mansion nila.

Tumambad sa akin ang buong pamilya ni Heath. Like the whole family, "Antoinette hija!!!" His mommy exclaimed ng nakita niya ako. Agad naman silang nag-crowd sa paligid ko kaya naitulak si Heath sa tabi.

"Hey! Hey! Dahan dahan lang!" Sigaw ni Heath ng nakita na pinagkakaguluhan na ako. Naabot niya ang kamay ko tsaka niya ako hinatak palayo sa pamilya niya. "Sabing dahan-dahan! Buntis ang asawa ako!" Galit na sabi niya.

They all exchanged glances. Natahimik silang lahat hanggang sa si Ate Bella na ang bumasag doon. "Ang sungit sungit mo naman. Para lang kamustahin si Antoinette." Mapagtampong ani ng ate niya tsaka umupo sa sofa ng receiving area nila. Hindi siya pinansin ni Heath.

Sinundan naman nila kami hanggang sa umabot kami sa sala nila. "Wait here, I am going to get you something to drink. Ang init sa labas." Ani ni Heath sabay alis.

"Andito na nga si Antoinette, bugnutin parin ang taong iyon." Pabirong sabi ni Paulo habang umiinom ng paborito niyang soda. "Hay nako, pero at least bumaba ang lebel ng pagkabugnutin niya." Iritableng dagdag ng Ate ni Heath.

"I CAN HEAR EVEYTHING YOU GUYS ARE SAYING."Heath said as he hand me a glass of water. Inirapan lang siya ng Ate niya. "Ilang buwan na ang tiyan mo hija?" Tanong ng mommy niya completely dismissing ang pagsasagutan ng mga anak niya.

"Magfufour na po.."

Bago pa makapagsalita ang mommy niya naunahan na siya, "Ahhhh! Limang buwan na lang magiging Auntie Bella na ako!" Excited na ani ni Ate Bella sabay akap sa akin. Wow, talk about instant closeness. Samantalang nung una ayaw na ayaw niya sa akin. "Akala ko kasi tatandang binata na si Heath sa sobrang sungit."

"Tell me about it Isabella." Pagsasang-ayon naman ni Lucia. Nag-high five pa nga sila ni Ate Bella habang nakaakap sa akin ito.

"Ate, let her drink her water. Baka dehydrated na si Antoinette sa sobrang init!" Suway ni Heath sa kanya tsaka tanggal ng mga braso ng ate niya na nakapulupot sa akin.

At sa pangalawang pagkakataon inirapan nanaman siya ng Ate niya. "So when is the wedding my dear children?" Muling tanong ng mommy niya sa amin.

"Nako, baka bukas na yan Tita Carmi. Si Heath pa ba?" Tugon ni Herald. Nakatitig ako sa kanya habang may kargang siyang bata na nasa pitong taon na. Parang wala naman silang anak nung una ko silang nakilala ng asawa niyang si Aliyah.

"Hindi ko na dapat dinala si Antoinette dito eh! Magpapakasal na lang kami ng patago, para mailayo ko siya sa inyo!" Galit na ani ni Heath. Napatawa na lang sila sa reaksyon niya. Sanay na sanay na sila sa tantrums ng boyfriend ko.

Maya-maya nagsalita muli si Heath, this time mahinahon na ang boses niya. "Gusto kong pakasalan si Antoinette kapag nanganak na siya. Ayokong mastress siya sa mga preparations ng kasal, kaya tsaka na lang." I looked at him, his smile almost split the room into two. God, I love this man!

Lumapit ang mommy niya sa akin kasunod ng daddy niya, "Pwede ko bang mahawakan ang apo ko anak?" Kumabog ang dibdib ko ng tawagin akong 'anak' ng daddy niya. Napatango ako, "Opo naman po."

Para silang bata na ngayon lang nakakita ng buntis. "Ilang buwan na ang apo ko? Apat? Ang laki mo naman magbuntis." Ani ng mommy niya. "Yun nga din po ang sabi nila." Nakangiting sagot ko.

Marami pa kaming pinagusapan, sumunod pa nga ang girlfriend ni Paulo, si Tara, na kakagaling lang sa trabaho. First time ko siyang nakilala. Sabi kasi ni Heath, on and off daw sila kaya hindi nila alam kung anong estado ng relasyon nila.

Bumalik na kami sa penthouse. Namiss ko ang amoy ng bahay namin. "Baby, we are home.." Bulong ko habang hinihimas ang tiyan ko. Napangiti ng napakalaki si Heath habang nakatingin sa akin.

"Ang ganda ganda mo po, Mrs. Ongpauco." Bulong niya. Pinunasan niya ang luha niya, napakunot ako ng noo tsaka lumapit sa kanya. "Bakit ka umiiyak love?"

Inalalayan niya akong umupo sa sofa, "Kasi hindi ko akalain na babalik ka pa sa akin. Tho I was determined well anough that I will bring you home to me. Hindi ko pa rin lubos maisip na babalik ka, dito. Dito sa piling ko, tapos bibigyan mo pa ako ng anak. Sobra-sobra ka sa hiniling ko Antoinette. Worth it ang pitong taong paghihintay ko. Paghihintay ko sa iyo."

My heart fell to my knees. Can this man get any sweeter? "Awww, baby wag mo naming kaming paiyakin ng anak natin..." I said as I cupped his cheeks. Ngumiti siya habang mangiyak ngiyak. "I love you so much Antoinette."

"I love you too Heath Laurent." Our face was breath width apart, until he decided to close in the space for a kiss. Tama siya, worth it din ang paghihintay ko sa kanya. Lahat ng sakit na pinagdaanan ko, lahat-lahat. Besides, this is not love when we are not hurting.

Tempting Mr. Perfect (PUBLISHED UNDER PRECIOUS PAGES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon