Ang tagal kong hinintay si Heath, nag-aabang ng tawag o text niya kaso mas lalo ko lang pinaasa ang sarili ko.
Hapon na nang nadatnan niya ako sa sofa, kumakain ng white chocolate habang nanunuod ng sappy movies.
"Hey love." Tawag niya sa akin. Hindi ko siya nilingon, pinunasan ko 'yung luha ko gamit 'yung likod ng kamay ko bago ko pinatay ang T.V.
"A-are you crying?" Muling tanong niya ng nakalapit na siya sa akin. Umiling lang ako saka ako nagtungo sa kwarto namin.
'Yung lungkot na lumalamon sa akin kanina napalitan na ng poot at galit.
Hindi ko kasi lubos maisip na ngiting-ngiti siya pagkauwi niya lalo na't alam ko na si Ingrid ang kinita niya. Who the hell knows kung ano pa ang ginawa nila?
He followed me. He grabbed my arm and then swung me to face him. "Antoinette, a-anong problema?" May takot akong napuna sa tono ng boses niya pero binalewala ko.
Tinitigan ko siya ng masama bago ko binawi ang kamay ko sa kanya. Saka ko napansin na iba na ang suot niyang long sleeves. Kulay puti ang suot niya kanina, ngayon itim na! Kahit na ba dumaan siya sa EDSA, hindi magiging ganyan ang kulay ng damit niya.
I looked at him in disgust. "WALA." Sagot ko sabay pasok sa banyo. Nilock ko 'yun para hindi niya ako masundan.
Binubugbog niya 'yung pinto habang pilit itong binubuksan. "Antoinette! LUMABAS KA D'YAN!" Pasigaw na utos niya.
"BAHALA KA SA BUHAY MO!" Sigaw ko pabalik sa kanya. Mas lalong lumakas ang kalabog at ingay sa pintuan. "ANO BA?! HINDI BA AKO PWEDENG UMIIHI MUNA?!" Muling sigaw ko.
"ANTOINETTE!" He yelled from the other side, ignoring what I said. Napairap na lang ako sa pinto.
Kumukuha ako ng tissue sa cabinet sa ilalim ng sink ng bigla kong natabig ang box doon. Nagkandalaglag ang mga laman. Then I stared at the contents in shock.
Napkins.
Napasapo ako sa noo ko. Hindi pa ako dinadatnan mag-iisang buwan na. Ilang beses kong binilang ang araw pero ganun at ganun pa rin ang labas. I'm delayed. I might be pregnant.
I went out of the restroom; pale faced. Agad naman akong sinalubong ni Heath na nakabusangot. Pero nagbago ang itsura niya ng nakita niya ako. "A-are you alright?" His eyes are full of concern.
Gusto kong sabihin sa kanya. I want to tell him that there's a possibility of us becoming parents. But the excitement died when his phone rang again. Napapikit na lang ako at napasinghap.
"I don't want to see you anymore Heath." I uttered without looking at him. I can't say these words straight to his face.
Kasi nangako ako, nangako ako sa kanya na hindi ko siya iiwan. Pero hindi ko siya kayang mahalin kung kalahati lang ang makukuha ko samantalang ako buong-buo ang ibinibigay ko.
"That's it? Y-you're b-breaking up with me?" He whispered. It shattered me to see and hear him talk like this. Because I was the one who promised him that I will never, ever break his heart.
"I have done my fair share of loving you Heath. Inintindi ko lahat lahat ng ikaw. Pero hindi kita kayang mahalin hangga't hindi ka nagsasabi ng totoo sa akin."
He tried reaching for me but I was fast to move away from his touch. Ayokong mahawakan niya ako, dahil alam kong bibigay ako sa kanya kapag hinayaan ko siyang gawin 'yun.
"No Heath. Pagod na rin ako kakaintindi sayo." I snakes my arm around my tummy protectively. Kahit hindi pa ako sigurado na may laman ito, proprotektahan ko siya hangga't sa makakaya ko. "Who's Ingrid? Why does she keep on calling you? Why do have a different shirt on?"
His eyes grew wider and wider with every question I throw at him. "A-antoinette..." That's all he could say.
"I cannot love you if you won't let me Heath." I said as the space between us grew wider. "I can't love you if you can't get over her. I can't love you if you keep on running back to your past." I wiped my tears, but it doesn't seem to stop. "I can't love you if you're still inlove with her."
"Antoinette p-paanong-?"
"Alam ko lahat Heath, sinabi na sa akin ni Paulo. Matagal na akong naghihintay na magsabi ka sa akin. Kasi ayokong mabigla ka, ayokong pilitin ka. Pero hindi, hinintay mo pa ring mapagod ako at humantong tayo sa ganito. I'm sorry Heath, it seemed like I can't have your second hand heart."
"No. No. No. No. D-do'nt do this." Ani niya sabay lakad papalapit sa akin. Pinunasan ko muli ang mga luha ko saka ko siya nginitian.
Ngiting puno ng pait at kalungkutan.
"I can't have your second hand heart because it was always hers from the very beginning." I finished before I grabbed my purse and stormed off.
Frustrations swallowed me when Heath didn't ran after me. Looks like I'm doing them both a favor. I was already inside the lift when he arrived. He tried reaching for me as the elevator door closed.
"Bye, Heath." I murmured and then he was gone. Nagsara na ang pinto ng elevator at nagsimula bumaba ng palapag.
Kahit na nangangatog ang tuhod ko, tumakbo ako palabas ng building at nagtawag ng cab. Alam ko kasi agad akong papasundan ni Heath sa bodyguards niya. Iniwan ko na rin ang Altis ko.
"Saan tayo Mam?" Tanong nu'ng driver.
"Hanggang umabot ng isang libo ang metro mo." Sagot ko saka ko hinayaang bumuhos ang luha ko.
I was the seven year rebound.
I was the temporary replacement until she came back.
I was nothing compared to her.
He was right all along, I was nothing to him.
And all the while, I was right about him too, he was really the death of me.
BINABASA MO ANG
Tempting Mr. Perfect (PUBLISHED UNDER PRECIOUS PAGES)
RomanceAVAILABLE ON ALL LEADING BOOKSTORES NATIONWIDE RAW AND UNEDITED | COMPLETED | 29 April 2016 - 26 June 2016 | MR. PERFECT SERIES #1 | If you're looking for the perfect girl, Antoinette Louvelle Lastimosa is the one you're looking for. Accomplis...