Marcus Fei Wang (Jackson) in Multimedia. :)
Episode 4
OfferThunder
Vacant period. Nandito kaming apat sa isang coffee shop dito sa university. Dahil maganda ang mood ng Lolo Niel namin, libre lahat ng kakainin namin ngayon. Sino bang hindi tatanggi sa libre no!
"Hoy Brylle. Kanina pa tayo nandito wala kang ginawa kundi matulog! Gising hoy!"
Ayan na naman ang machine gun na bunganga ni Niel.
Hindi sumagot si Brylle. Nakatungo parin siya sa table.
"Naginuman kami kagabi, at may hangover pa yang si Brylle."
Alam kong isang malupit na neck chop ang ibibigay sakin ni Niel, kaya nakailag ako kaagad.
"Hindi naman kami iinom kung kailan namin gusto. May pinagdadaanan na naman to eh." Pinatong ko sa kamay ko sa likod ni Brylle.
"Ano naman yun?" Sabi ni Marcus na kumakain ng donut.
"Arrange marriage."
Napatawa nalang si Marcus. "Ayan na naman. Ayaw mo pa kasing maghanap ng girlfriend eh. Yan tuloy."
"Palibhasa kasi malandi ka. Lahat ng babae nilalandi mo." Sagot naman ni Niel sabay irap.
Hindi nalang pinansin ni Marcus yung sinabi ni Niel at nagpatuloy nalang sa pagkain ng donut. Baka kasi bawiin pa ni Niel yung libre eh.
"May point si Marcus. Bakit hindi ka nalang maghanap ng girlfriend para tigilan ka na ni Tita Ailee." Pagsang ayon ko kay Marcus.
"Sila ang maghanap sakin. Ayokong maghanap ng girlfriend. Masyadong hassle yun." Sabi ni Brylle pero nakatungo parin yung ulo niya sa table.
"Gago." Napaface palm nalang si Marcus. "Bakla ka ba? At ikaw pa ang hahanapin? Nako naman Brylle. Anong klaseng paliwanag yun?"
Again, may point na naman si Marcus.
"First time akong sasangaayon kay Marcus, Brylle." Sabi naman ni Niel. "Maghanap ka na ng girlfriend para wala ng problema. Malaki ka na hoy."
Walang reaksyon si Brylle at hanggang ngayon ay nakatungo parin siya.
"Ano naman ang plano mo ngayon? Anong gagawin mo para matigil ang kasal?" Seryosong tanong ni Marcus.
Wow. Salamat sa donut at nagseryoso tong si Marcus. It's a miracle!
Sa wakas, inangat na niya yung ulo niya. Kitang kita sa mukha niya na stress siya.
"Waaaa. Hindi ko alam!" Napasabunot nalang siya sa ulo niya. Nagwawala na siya sa kinauupuan niya at hindi alam ang gagawin.
Napatigil siya sa ginagawa niya ng biglang tumunog ang cellphone niya.
"Eh?"
"Sinong nagtext Brylle?" Tanong ni Niel.
"Si Mrs. Yoo."
"Anong sabi?" Tanong ko naman sa kanya.
"Pinapapunta niya ako sa Milky's mamayang 5pm. May paguusapan kami."
"Teka. Siya yung CEO ng Melodies diba?" Tanong ulit ni Niel.
"Hala ka Brylle. Baka nalaman niya na inaway mo si Shannen kahapon! Lagoooot!" Sabi ni Marcus na nananakot na kay Brylle.
"Tss! Yung babaeng yun! Pag di talaga ako makapagtimpi talagang tatamaan siya sakin!" Halos lumabas na yung baga ni Brylle sa sobrang galit.
"Kalma dude. Baka hindi naman yun yung paguusapan niyo." Sabi ko kay Brylle para kumalma siya. "Marami naman kasing ibang dahilan diba? Ang babaw naman nun kung yun lang."
BINABASA MO ANG
Love On-Cam
FanficSina Brylle Jaeyo Yook at Shannen Jane Park ay parehas na sikat na model sa magkaibang fashion company. May mabubuo kayang pagibig sa isang palabas na kung saan ay mag-asawa sila? O malaking gulo dahil sa pagiging isip bata ni Frank at pagiging mald...