Prologue

44 4 0
                                    

Brylle's Interview

"Hello! I'm Brylle Jaeyo Yook. 19 years old. 3rd year student sa Highstring University. Mass Communication ang course. Isa sa mga model ng Starlight. Sabi nila na gwapo daw ako. So tumingin ako sa salamin. And yeah, I'm handsome."

'Aigoo...'

'Well, totoo naman ang sinabi niya.'

'Pero hindi ko expected na sasabihin niya yun. Hahaha'

"Sa totoo lang... Gusto ko ng ikasal ng maaga at magkaroon ng anak..."

'Sa bagay, model siya. Maraming nagkakandarapa sa kanya.'

'Yeah. Agree ako sayo.'

'Imposibleng walang magkagusto sa isang Brylle Jaeyo Yook.'

"Gusto kong magkaroon ng magandang asawa at ng anak. Pwede na yung tatlo!"

Napatawa ang mga tao sa panel. At pati din si Brylle na namumula na sa hiya.

Shannen's Interview

"Annyeonghaseyo! I'm Shannen Joy Park. 3rd year student. 18 years old. BS Biology ang course na kinuha ko. 1st year high school palang ako, model na ako sa Melodies. Uhm... Sabi ng mga tao na sexy ako. But honestly, ayokong sinasabihan ako ng ganun. Mas cute kaya ako."

'Hindi na ako magtataka kung magkakatuluyan sila.'

'Parehas sila ng ugali ni Brylle.'

Pinagbawalan ako ng manager ko na makipagdate. Kaya hanggang ngayon, NBSB ang peg ko."

'Sayang. Ang ganda talaga ng batang yan.'

'Sabagay, pinapangalagaan lang ng manager ni Shannen ang reputasyon niya bilang model.'

"Pinakahate ko talaga ang Valentines Day. Pag nakakakita ako ng sweet couple sa araw na yun, naiinis ako!"

Napatawa ulit ang panel sa sinabi ni Shannen.

"I hope na sana, magkaroon ako ng magandang asawa na aalagaan ko. Yung ibibigay ko ang lahat sa kanya. Pati ang puso ko ibibigay ko na din."

Napangiti si Brylle. Kitang kita sa mukha niya na excited siya sa 'virtual marriage' niya.

"Sa magiging husband ko. Be nice to me okay? Bugnutin ako minsan. Tapos makulit. Sana matiis mo yun. Ngayon palang binabalaan na kita."

Natawa nalang si Shannen at napayuko. Katulad din ni Brylle, kita din ang excitement niya sa mukha.

Love On-CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon