Episode 8

26 2 0
                                    

Episode 8
My Nurse

Niel

"Good Morning po, Mr. Niel." Sabi nung isang prof na napadaan sa harap ko.

"Good Morning din po." Nagbow ako sa kanya.

"Hello po Mr. Niel!"

"Have a nice day Mr. Niel!"

Bati yan ng mga estudyante kapag nakikita ako.

Ano pa bang ineexpect ko, eh anak lang naman ako ng mayari ng university na ito. Kilala ako ng lahat ng tao dito. Okay lang naman kasi na normal lang ang maging trato nila sakin. Estudyante lang naman din ako na nagaaral dito. Gusto kong maging fair sa lahat.

"Mr. Niel? Ano ang ginagawa niyo dito?"

"Ahhhhh!!!" Napahawak ako sa dibdib ko at napaupo sa sahig.

"Hala Mr. Niel sorry!" Inabot niya yung kamay ko at tinulungang tumayo.

"Ms. Sam naman eh! Alam niyo namang magugulatin ako eh!"

I swear, muntikan na akong mamatay sa gulat.

"Mr. Niel naman! Hindi kita ginulat. Bulong na nga lang yung tanong ko." Napakamot siya sa ulo niya at yumuko.

Si Ms. Sam, head siya ng university registrar. And yep, close kami. She's already 26 years old.

"Ms. Sam, ilang beses ko bang dapat sabihin sayo na kahit Niel nalang ang tawag mo sakin?"

"Stop calling me Miss Sam first." At nag grin siya sa akin.

"Okay Sam noona!"

"Yun! Nice one dongsaeng!" Kahit mas matangkad ako sa kanya, naakbayan niya ako.

Simula high school, kilala ko na si Ms. Sam, I mean Sam noona. Dito din siya nagaaral noon. Aksidente pa nga yung pagkakakilala ko sa kanya. Binubully kasi ako noon, pinrotektahan niya ako. Ang nakakaamaze dun yung siya pa yung bumugbog sa mga nambubully sakin. Malaki ang utang na loob ko kay Sam noona. Bilang pasasalamat ng parents ko, pagkagraduate palang ni Sam noona, ginawa siyang head ng university registrar.

"Ya dongsaeng! Lalim ng iniisip natin ah? Babae ba yan ha?" Nabalik ako sa realidad sa sinabi niya.

"H-ha?"

"Oh my... Wag mong sabihing..." Napabitaw siya sa pagkaakbay sakin at hinawakan ang mukha ko. "Teka, may nambubully ba sayo? Jusko naman Niel bakit hindi mo sinasabi sakin?! Dapat ginawa nalang akong guidance councilor eh para sa detention sila ng isang taon!"

Haaay, nagwawala na naman siya.

Hinawakan ko yung dalawang kamay niya. "Noona, wala pong nambubully sakin. Aba, matakot sila sa mukhang to. Hindi ko sila kayang patulan ng physical pero kaya kong gawing miserable ang buhay nila."

"Aigoo! Ayan, dapat lumaban ka! Mukhang natuto ka na din sa wakas! Pero pwede bang bitawan mo ang kamay ko, mukhang papatayin na ako ng mga fangirls mo." Bulong niya sakin. Napatingin ako sa likod niya, oo nga, mukha na nilang kakainin si Sam noona.

"Let them be noona." Nag grin ako sa kanya at hinila siya papasok sa loob ng registrar.

Lahat ng mga staff sa loob ay binati kami. Yung iba nagbubulungan kung bakit hawak ko ang kamay ni noona. Heh. Bahala silang magisip ng malisya. At kung makarating man ang tsismis na yan kay daddy, tatawanan niya lang yun.

Nakarating din kami agad sa office niya. Umupo ako sa couch dun. Nakapagtataka, nakatayo siya sa harap ko ng nakataas ang isa niyang kilay.

"What?"

Love On-CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon