Episode 1
One Fine DayShannen
"Hello Philippines!"
Sa wakas. Nakauwi na din ng Pilipinas. Sa South Korea kasi ako nagbakasyon at nagcelebrate ng Christmas and New Year with my family. Then, may pictorial din ako kasama ang mga kaibigan kong model din.
"Namiss ko din ang ganitong temperature!" Sabi ni Nikaela sabay hinubad niya ang jacket niya.
Nikaela Irish Bae. 20 years old. Siya ang pinakamatanda saming lima. Well, isang taon lang naman ang tanda niya samin. Kakaiba ang ganda ni Nika. Minsan nga natitibo ako eh (promise).
"Isang buwan lang naman tayo doon. Actually bitin pa nga! Parang ayokong bumalik ng school." Sabi naman ni Kyoko na nakabusangot ang mukha.
Kyoko Wency Son. 19 years old. Katulad siya ni Nika na kakaiba din ang ganda (Well, lahat kami magkakaiba talaga.) Pero malaki ang pinagkaiba ni Kyoko kay Nika. May pagkamadaldal kasi ito.
"Hey Kyoko. Stop it. Nakakawala ng ganda yang ginagawa mo." Sabay tumawa si Chandria at hinampas ng mahina si Kyoko. "Kahit papaano na-enjoy ko ang bakasyon natin."
Chandria Shin Kang. 19 years old din siya. Magkakaedad kaming tatlo ni Kyoko. Asset niya ang kanyang mga mata. Maski bato mabubuhay kapag tumingin ito sa mata ni Chandria. (Posible kaya yun?)
"Ate Nika. Nagugutom na ako. Asan na ba yung kotse natin? Nagwawala na yung mga bulate ko sa tiyan. Huhu." Sabi naman ni Annie na kanina pa nagwawala dahil gutom na.
"Bakit kasi hindi ka kumain kanina? Masasarap pa naman yung pagkain." Sabi ko.
"Ayoko ng pagkain nila dun. Tsaka hindi naman yun nakakabusog. Huhu." Pagmamaktol niya ulit.
"Wow. First time mong tumanggi sa pagkain ah? Himala!" Ginulo ko yung buhok ni Annie at inakbayan ko siya.
"Ate Shannen naman?! Bat ko ginulo ang buhok ko?"
Napatawa nalang kaming lahat sa pagmamaktol niya na parang bata.
Annie Yna Kim. 16 years old. Yes, she's only 16 at siya ang youngest sa aming lima. Yeah, dyosa din siya like us pero ibang tao siya pag kaharap ang pagkain. In one word, matakaw. Correction, sobrang takaw.
"Girls." Napatingin kaming lahat kay Nika na nakangiti, napatingin kami sa tinitignan niya. "Ayusin niyo na ang mga sarili niyo. Naghihintay sila satin."
Maraming fans lang naman at mga photographer ang naghihintay samin. It's showtime!
Habang naglalakad kami, busy kaming lima sa pagtanggap ng mga regalo mula sa fans namin. At sandamakmak na lente ng camera ang nakatutok samin. Buti nalang at nakapagretouch ako ng make-up. Foundation at red lipstick lang naman ang make up ko. Mas gusto ko yung simple lang sa harap ng fans ko.
Napatawa ako ng mahina ng makita ko si Annie na nilalantakan ang cookies na bigay sa kanya ng isa niyang fan.
"Thank you po sa cookies! Ang sarap niyong magluto!" Sabi niya at nagbow siya.
"You're welcome Miss Annie! Sa susunod gagawan kita ulit."
"Thank you po ulit!"
Aigooo. Simula palang to ng araw namin. Kaya ko to!
Brylle
"Haaaaay. Back to school na naman!" Sabi ko sabay nagstretching ako. Hindi naman sa ayaw kong pumasok, ayaw makisama ng katawan ko. Pakiramdam ko pagod na pagod ako.
BINABASA MO ANG
Love On-Cam
FanficSina Brylle Jaeyo Yook at Shannen Jane Park ay parehas na sikat na model sa magkaibang fashion company. May mabubuo kayang pagibig sa isang palabas na kung saan ay mag-asawa sila? O malaking gulo dahil sa pagiging isip bata ni Frank at pagiging mald...