Sorry sa late update. Busy eh. Haha
Episode 5
New CoupleThird Person
"10 minutes nalang at magstart na tayo! Be ready guys!"
Sigaw ng director sa mga staff na abala na nagaayos ng mga gamit. Habang si Shannen naman ay nasa isang table kasama sina Nikaela, Kyoko, Chandria at Annie.
"Omg I'm excited!"
"Teka Kyoko, hindi ikaw ang bida dito. Extra tayo hahaha." Sabi ni Chandria at tinapik ang balikat ni Kyoko.
"Sino kaya ang maswerteng lalaki na magiging asawa ni Shannen Jane Park?" Nakangiting tanong ni Nikaela, gaya ni Kyoko ay excited din siya.
"Wala ba silang pagkain diyan? Nagugutom na ako. Hehe." Pagsingit ni Annie na kanina pa lumilingon na tila naghahanap ng pagkain.
"Hindi ito cooking show Annie. Mamaya pagkatapos nito kakain tayo."
"Yehey! Salamat Nika unnie!" At niyakap ni Annie si Nikaela.
Hindi nila namalayan na nasa harap na nila si Mrs. Yoo.
"Hello girls!"
"Hello po Mrs. Yoo!"
"Just act natural okay? Nabasa niyo naman ang nasa script right?"
"Yes Mrs. Yoo."
"Okay.. Get ready guys! Magstart na tayo!" Sigaw ni Mrs. Yoo sa mga staff na nakaready na.
"Shannen unnie, diba nagte take din ng scene yung virtual husband mo?" Tanong ni Annie.
"Oo. Kinakabahan talaga ako Annie."
"Okay lang yan Shannen unnie! Nararamdaman kong maganda ang kalalabasan ng relationship niyo. Ayieee!"
"Hangga't hindi ko pa siya nakikita, hindi ako mapapalagay ng ganito."
"GET READY! MAGSTART NA TAYO!" Umalingawngaw na naman ang malakas na sigaw ng direktor. Lahat ay naghanda na.
*click!*
"Annyeonghaseyo! I'm Shannen Jane Park!"
"Annyeonghaseyo!" Sabay sabay nag greet sina Nikaela, Chandria, Kyoko at Annie.
"Ya Shannen, today is the day na mamimeet mo ang husband mo!" Excited na sabi ni Kyoko.
"Congratulations!" Nagpalakpakan silang lahat.
"I'm still nervous though." Sabi ni Shannen.
"Wag ka magaalala Shannen unnie. Pag sinaktan ka niya lagot siya sakin!" Taas noong sabi ni Annie.
"That's our Annie!" At ginulo ni Chandria ang buhok ni Annie.
Napatingin silang lahat sa isang pink box na iniiabot sa kanila ng isa sa mga staff. Kinuha ito ni Nikaela at binigay kay Shannen.
"Woah ang cute ng box!" Sabi ni Kyoko na pumapalakpak pa.
"Buksan mo na Shannen!"
"Drumroll!" Sigaw ulit ni Kyoko.
Nagsimula silang gawing tambol ang mesa samantalang unti unting binubuksan ni Shannen ang box.
"It's a letter guys! Oh, my cellphone din!"
"Wow!~"
Shannen Jane Park
Your virtual marriage will be started tomorrow. Before you meet your virtual husband, through Love Air's couple application, you can get to know more each other.

BINABASA MO ANG
Love On-Cam
FanfictionSina Brylle Jaeyo Yook at Shannen Jane Park ay parehas na sikat na model sa magkaibang fashion company. May mabubuo kayang pagibig sa isang palabas na kung saan ay mag-asawa sila? O malaking gulo dahil sa pagiging isip bata ni Frank at pagiging mald...