Episode 7

11 2 0
                                    

Episode 7
Shannen Jane Yook

Shannen

It's already 5am in the morning. Nakaupo parin ako sa aking malambot na kama. Yung kaluluwa ko tulog pa. Nakakatamad pumasok ngayon.

"Alam mo baby Shan, bakit pa natin kailangang magpanggap kung pwede namang totohanin nalang diba? What do you think huh?"

Napabalikwas ako sa kama ng bumalik sa isip ko yung sinabi ni Brylle. What the... Lord please gusto ko pa pong mabuhay.

Bakit ba ako pinagtitripan ng lalaking yun?! Pag ako talaga napuno ng tuluyan masasapak ko yun eh!

"Shannen. Gising na. May naghihintay sayo sa baba. Magayos ka na okay?" Nakangiting sabi ni Mommy.

"Sino po yung bisita?" Sana wag si Brylle. Jusmiyo, sana hindi malaman ni Brylle kung saan ako nakatira.

"Tignan mo nalang pagbaba mo anak. Maghahanda na ako ng almusal mo." Sinarado ni Mommy yung pinto. Nagsimula na din akong magayos ng sarili ko.

30 minutes ang nakalipas, tapos na akong magayos. Sino kaya yung bwisita sa baba? Ang aga eh.

Nakatalikod yung lalaki mula sa view ko. Mukhang magkausap sila ni Mommy.

"Hey yo Shannen!"

Ngumiti siya sakin at nagwave. Si Marcus. Isa sa mga kaibigan ni Brylle.

Teka, anong ginagawa niya dito?!

"You're Marcus right? Napadaan ka ata? Pero bakit alam mo na dito ako nakatira?"

"Dahil sa asawa mo. Sabi niya sabay tayong pumasok. Yung mokong na yun, ayaw niyang may mangyari sayo."

Sa pangalawang pagkakataon nangabala na naman siya. But I find it sweet.

"Ah... Hehe." Ewan ko ba, parang tanga lang ako sa sinabi ko. "Bakit ba hindi nalang siya yung pumunta dito? At inabala ka pa?"

"Okay lang sakin yun Shans, nasa kabilang village lang ako nakatira. Tsaka gusto ko ding may kasabay pumasok."

Wow. He called me Shans. Kahapon si Brylle, baby Shan ang tawag sakin. Magkakaibigan nga sila. Ang weird! Except lang kay Thunder na matino, well, hindi ko pa nakakausap si Niel. Pero sana normal din siya tulad ni Thunder.

"So... Tara na?"

"Sure!" Lumapit muna ako kay Mommy at hinalikan ko siya sa cheeks. "Mom, alis na po kami!"

"Mag-ingat kayo sa daan. Marcus, ingatan mo ang anak ko ha?"

"Opo tita! No problem!" Nagsalute siya kay Mommy. "Tara let's go!"

So ayun nga. Naglakad lang kami ni Marcus papuntang school. Actually malapit lang naman yung school sa bahay namin. Masarap pang maglakad ngayon kasi mahangin.

May mga kwento akong narinig about kay Marcus. Clingy daw siya sa mga girls, mahilig mambae, ni isang babae daw wala siyang sineryoso. Yeah sabihin na nating ganun siya, pero he's nice to me naman. Hindi siguro sa lahat ng pagkakataon, ganun siya.

Napapangiwi nalang ako sa kanya. Minsan kasi puro kababuyan na yung sinasabi niya, then nagsosorry naman siya agad. Medyo nahihiya ako, pero gora lang.

Mas mabait pa tong si Marcus kay Brylle. Kailan kaya niya ako sasabayan at sasamahan ng walang halong kalokohan no?

Pagpasok palang namin sa gate ng Highstring University, ang daming estudyante na nagkakagulo. Ang aga pa para sa ganito, ano kayang meron?

Love On-CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon