Sina Brylle Jaeyo Yook at Shannen Jane Park ay parehas na sikat na model sa magkaibang fashion company. May mabubuo kayang pagibig sa isang palabas na kung saan ay mag-asawa sila? O malaking gulo dahil sa pagiging isip bata ni Frank at pagiging mald...
Bago ko simulan ang Episode 3, may nais akong batiin...
Happy Birthday Yook Sungjae!!! (Dahil nagpapacute siya sa The Beat, nagscreen shot ako ng pic na to. Hihi.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Actually, bukas pa ang birthday niya. Ngayon na ako bumati kasi mamumundok ako bukas ㅋㅋㅋ. Realtalk to haha. Uuwi kasi ako ng probinsya kaya hindi ako makakapag update.
Again, Happy Birthday! Isa lang naman ang wish ko sayo. Aalis na kayo ng WGM right? Magdate kayo in real please. Huehuehue. Magpakasal na din kayo. ㅋㅋㅋ Keep sailing Ppyu Couple. O(≧▽≦)O
Episode 3 No way!
Brylle
"Nakakapagod!!!"
Tumalon ako sa kama ko ng hindi pa nagpapalit ng damit. Hindi ko pa din natatanggal yung backpack ko. Minsan nakakatulog ako ng ganito ang pwesto eh.
Sobrang nakakapagod talaga kahit kakagaling lang namin sa bakasyon. Bukod sa nakita ko ng personal si Shannen at napaaway pa ako ng wala sa oras, nakatikim din ako ng sandamakmak na neck chop mula kay Niel.
Mukhang mapapasarap ang tulog ko...
"Brylle. I need to talk to you."
Idinilat ko ang mga mata kong pagod na. Nakita ko si mommy sa pintuan. Lumapit siya sakin at umupo sa tabi."
"About what mom?"
"Your upcoming marriage next week."
Napabalikwas ako sa kama ko ng dahil sa sinabi ni mommy. Another fcking arranged marriage again?!
"Mom naman?! Ano na namang kalokohan to?"
"Huwag mo akong pagtaasan ng boses Brylle. Nakasettle na ang lahat. Ikakasal ka kay Venice Montero."
I know Venice Montero. Model din siya. Pero mas hamak na panget tong si Venice kay Shannen. And hell, hindi ko siya kilala ng lubusan!
Ipinilit ko na ikalma ang sarili ko. "Mom. Bakit? Siguro kailangan ng business mo na umangat no?"
"Nakipagdeal na ako kay Mrs. Montero. Tataas ang kasikatan ng perfume business ko kapag kinasal ka kay Venice! Come on Brylle, she's nice. Her family likes you too."
"Hindi pa ba sapat na pumasok ako sa pagmomodel mom? At kailangan mo akong ipamigay sa taong hindi ko kilala? Mom sawang sawa na ako! Ilang babae na ba ang nireto mo sakin, at balak ipakasal ng dahil sa business mo?!" This time sumisigaw na ako.
I hate it! Pati pa ba naman ang buhay ko minamanipula nila?!
Ilang beses na akong pinasok ni mommy sa arranged marriege. Ilang beses na din akong sumuway at gumawa ng kalokohan para hindi matuloy ang kasal ko.
Hindi kami mahirap. Simula ng hindi pa ako ipinapanganak, may perfume business na si mommy. At CEO naman si daddy sa isang clothing company. Kaya ako pumasok sa modelling dahil gusto ko. Gusto kong mabili ang mga bagay na galing sa pinaghirapan ko. Gusto kong maging proud sila sakin. Simula bata palang ako nakukuha ko na lahat ng gusto ko.