Chapter 38

96 4 0
                                    

Spell busog ?ako yun grabe nakain ko na lahat ng chocolate ni Engot pwera sa may sulat na papel nandun sa freezer ipinaplastic ko panga para hindi masira yung papel e.Babaunin ko bukas muwahahaha!
Manipulator rin si engot e biruin mo alam niyang huli Kong kakainin yung chocolate na may sulat kaya naman pala alam niyang hindi pa ubos :D gets niyo readers?
Ah basta si engot na talaga

Kinabukasan


Nakita kong nakapoker face si engot
Lumapit ako sa kanya

"Engot ikaw ah ang sweet mo"

Sabi ko sa kanya tumingin naman siya sakin

?_? Ganto itsura niya

Inilabas ko yung chocolate na may sulat

"Psh.Ang babaw mo"
Sabi niya sakin

"Sungit mo!Ang saya kaya"
Sabi ko

"Teka nga gusto mo ba ko?"
Tanong ni engot

Nabigla ata ako umurong yung dila ko .

Nahagip ng mata ko na napatingin sakin si Ranz

Napalunok ako ng laway bakit parang ang hirap sagutin ng tanong niya

"E-Engot ka talaga !K-kilala mo naman Kung sino ang gusto ko!"
Ako

Ikaw engot ikaw ang gusto ko!

Nakakabwiset ka sa dami ng oras na magkasama tayo napakamanhid mo.
Sinungitan lang ako ng tingin at nagpokerface nanaman.
Nagulat ako ng magsalita siya

"Wag monang subukan mahalin ako Hindi ako nagmamahal ng stupid"
Seryoso lang siya

Napayuko naman ako.

All this time nagmamahal ako ng taong hindi kayang suklian ang pagmamahal ko.

Lagi lang akong umaasa nakakainis.
Masakit yung sinabi niya para nakong nabasted

"Ako nalang ang mahalin mo mishin"
Bigla akong napatingin Kay Ranz dahil sa sinabi niya.

Biglang kumabog ang dibdib ko

"Ranz"Mahinang tawag ko sa pangalan niya.

Maski ata siya nagulat sa sinabi niya.

Ano ba ang pinagsasabi nito?

"Hoy stupid bilhan moko ng shake"
Biglang Sabat ni engot

"Joke lang hindi ka mabiro"
Bawi ni Ranz.

Napangiti ako ng mapait
Ganyan naman ang lalaki mahilig magpaasa.
Nabwiset ako bigla ngayong araw na ito

"Engot ka ang aga aga shake"
Inis na sabi ko sa kanya

Hindi naman sumagot si engot .

Mga bwiset sila sa buhay ko puro mga paasa
Nang break time na sa may gym ako kumain ayokong makita si engot

Bwiset talaga.

Pagkakagat ko sa chocolate ang tigas.Binuksan ko na yung chocolate ni engot.
Dahil sa matigas mas nilakasan ko ng husto yung pagkagat feeling ko matatanggal na ata yung ngipin ko ng tumama sa isang bagay.
Tinignan ko yung chocolate may kung anong bagay ang meron sa loob nito.

Kinain ko pa yung ibang parts ng chocolate para makuha ko yung bagay sa loob walangjo prineezer ko pa kasi.
Isang pink ballpen na gawa sa parang bakal ang nakuha ko may design siya na parang line sa hawakan tapos may nakaukit na...
stupid sa gitna .
In this time napangiti ako ni Engot nawala lahat ng inis ko :)pero kadiri ah pano nalang kung hindi ko nalaman na may ballpen sa chocolate?Edi mukha akong tanga dito.Sa dami ng paglalagyan sa chocolate pa talaga

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon