Chapter 48

96 6 0
                                    

Mishin POV
Nanaginip bako ?
Sinasabi sakin ngayon ni Engot na mahal niya din ako !
Ano bang dapat ko isagot?
Seryoso lang ito sa tabi ko matapos niyang sabihin yon Hindi na siya nagsalita.
Nabwiset ata dahil hindi ako sumagot na .
Kasalanan koba?
Ang inaasahan ko ngayon e iiyak nanaman ako mamayang gabi at masasaktan pero parang baliktad mukhang magdidiwang ako mamaya.Nabibigla ako sa mga nangyari wala nakong maintindihan sa sinasabi ng prof namin.
Ilang beses ko na atang kinukurot ang sarili ko baka kasi nanaginip lang ako.
Kaya bako kinokongrats ni Ranz kanina?Pero bakit mukhang pilit lang ang ngiti niya.
Wala akong lakas na loob kausapin siya ni hindi nga ako makakain kaninang lunch.
"Ms.Soriano"
Sana hindi to panaginip sana totoong mahal niya din ako
"Ms.Soriano!"
Pag inulit niya mamaya yun o bukas anong isasagot ko Mahal din kita?I love you too?
Pero -
"MS.SORIANO!!"
napapitlag ako ng may tumawag sa apilido ko.
"A-ah?ha?"
Tanong ko
"Kanina kapa nakatulala dyan at Hindi nakikinig sakin"
Sabi ng prof ko
E kasi naman gulong gulo ako ngayon
"Iniisip niya po kasi ako"
Sabat ni Engot
Nagtawanan naman sila
"Alam niyo po ba sir umiyak payan kanina ng sabihin ni Prince Dylan na mahal siya nito"
Sabat ng ibang kaklase namin
Ano bang pinagsasabi nila napatingin naman ako sa prof namin
"Hmmm..Bilang parusa ikaw magisa ang maglinis ng Classroom pagkatapos mo sa klasrum yung gym naman ang linisin mo.Class Dismiss"
Sabi ng prof namin at umalis na
Whaat???!
Ang saklap naman pati gym
Ako nalang magisa ang natira ni wala manlang tumulong sakin maski si engot wala nagmamadaling umalis at take note ni hindi nagpaalam
Pero ok lang masaya ako ngayon e umamin si engot na mahal niya din ako sinong hindi matutuwa diba?
"Mahal ako ni engot
Mahal ako ni engot"
Pauulit ulit na sabi ko
Unexpected to
Sabi niya na miss niya ko bakit hindi ako tumatawag ayieeee..
Parang kailan lang ang tamlay ko ngayon ang sigla ko na.
Nawala lahat ng sakit yung sakit binura lahat nang dahil sa simpleng
"Hindi kita gusto...kasi...mahal kita hihi"

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon