"Stupid bakit ka umiiyak?"
Napapitlag ako ng marinig ko ang Boses ni engot pano niya ko nasundan?
Tumingin ako sa kanya
"NAKAKABWISET KA ENGOT!"
sigaw ko sa kanya
Lumapit naman siya sakin at tumawa.
"Stupid ang babaw mo Pakidala nga yung mga gifts sakin nung mga fans ko sa kotse at ihatid narin kita pag di moko sinunod sasabihin ko Kay Ranz na gusto mo siya"
Saka siya ngumiti
Nagawa pa talaga niyang ngumiti
Tumayo ako sa harap niya
at pinaghahampas siya
"SIGE!SIGE SABIHIN MO NG MAGMUKHA KANG TANGA!NAKAKAINIS ARGGGH !!ALL THIS TIME UMASA NA NAMAN AKO!UMASA NA MAMAHALIN MOKO MANHID
KABA?BAKIT HINDI MO MARAMDAMAN NA MAHAL NA MAHAL KITA HA?!NAKAKAINIS AT SLAVE AT STUPID LANG ANG TINGIN MO SAKIN GANON BA TALAGA HA?!HOY DYLAN EZEKIEL MAHAL KITA MAHAL NA MAHAL BAKIT ba hindi mo maramdaman?"
Saka ako humagulgol
Niyakap niya ko at pero kumalas ako at tumakbo .
Nakalabas nako ng campus medyo madapa dapa narin ako dahil sa madilim na.
*boogghs*
Napatalsik ako ng tumama ako sa isang malaking katawan.
Pagtingin ko puro mga tambay at mukhang nakainom
"Hoy miss!Tumingin ka naman sa dinadaanan mo ha! Nakita mo natapon mo yung alak namin!"
Sabi nung nabangga ko
Pinahid ko naman ang luha ko
"Kasalan ko at natapon yang alak niyo? Para sabihin ko sa iyo hawak hawak mo yan at hindi ko na kasalanan kung nabitawan mo dahil nakaharang ka sa daan"
Sagot ko sa kanya
"Aba mayabang tong isang to ah akala mo hindi ka namin papatulan dahil sa babae ka "
Tinawag niya yung dalawa niyang kasama.
Ang lalaki ng katawan mabuti na lang at magaling ako sa taekwando pero hindi ko alam kung hanggang saan ako sa sitwasyon ko.
Sinenyasan ng nabunggo ko yung mga kasamahan niya.
Sumugod yung isa sinipa ko ito pagkatapos sinuntok ko yung isang kasama nito.
Sumugod ang pinakamataba sinuntok niya ko pero nakailag ako tinapakan ko siya sa paa saka ko tinuhod sa mukha.
Medyo napaatras ako ng makita Kong may mga hawak na baseball bat yung dalawa at kutsilyo naman sa isa.
Sinugod ako ng may kutsilyo nadaplisan ako sa may mukha ng ihabas niya yung kutsilyo.
Hinawakan ko yung kamay niya saka ako tumambling papunta sa likod niya
Napa aray siya sa sakit .
Inilagan ko ang mga baseball bat na tira sinipa ko silang dalawa at sinuntok pagkatapos ay siniko ko.
Napailag ako muntik nako mahagip ng isa na may hawak na kutsilyo pero nagulat ako ng isang baseball bat ang patama sakin this time hindi nako nakailag tinamaan ako sa gilid argghhh!
Ang sakit
"Mayabang ka ah"
Akmang sasaksakin ako ng kutsilyo ng isang halloblock ang tumama sa ulo nito .
Bumagsak ito at nakita ko si engot.
Sinugod siya ng mga may baseball bat.
Ilang minuto din ang lumipas bago niya napatumba ang mga ito.
Dahan dahan akong tumayo
"Bakit kaba nandito?!"
Angil ko sa kanya
"Para iligtas ka tumawag nako ng mga pulis"
Sagot nito
Tumulo nanaman ang mga luha ko
"I dont need you kaya ko to magisa"
Sabi ko sa kanya
Nanlaki naman ang mga mata nito.
"Stttupiiddd!"
Sigaw niya saka siya mabilis na tumakbo at niyakap ako at itinalikod
*bang* *bang*
Tunog ng bala galing sa baril ng may kutsilyo kanina.
Bigla namang nagsidatingan ang mga pulis at hinampas ito sa batok ng baril.
"Hindi mo kaya"
Bulong sakin ni engot
Kinapa ko ang likod niya at tinignan ang kamay ko
Puro dugo
"Haaah ahhh !engot!"
Sigaw ko Mas lalo akong napaiyak ng maramdaman ko ang pagtulo ng dugo niya habang yakap yakap ko siya.
"Engggot!"
Tawag ko sa kanya .
Biglang nanlambot ang mga paa ko at napaupo sa lupa habang sapo sapo ko si engot na wala nang Malay.
BINABASA MO ANG
Someday
Romance"I didn't expect that you'll stole my heart and my attention.That look you give steals my heart beats.I found love in him but I found my happiness in you"-Mishin Soriano