11. Missing you

235 18 2
                                    

11. Missing you

Busan, 2011

Nakatulala lang si Madred sa loob ng classroom nila. One week na siyang ganito. Mukhang tinamad nadin siyang mag-aral na sobrang ikinabago ng sistema niya.

Hindi narin niya ikakaila na si Jungkook ang dahilan kung bakit ganoon ang pakiramdam niya. Feeling nito ay nawala ang isang rason kung bakit pa siya nag-aaral. Weird man kung iisipin pero 'yon naman talaga ang nararamdaman niya eh.

Wala siyang pakialam kung may iba ng nangunguna sa kanya sa klase.

"Top 1. Kang Heemin."

Okay! Ang galing mo, I salute you!

"Top 2. Cortez, Madred Irene."  Congrats to myself. Napahalumbaba siya sa sariling table ng seat niya. She's still grateful since nakuha niya parin ang second spot. Pero bakit ganoon? Ni hindi man siya masaya.

Kung sanang nandito lang si Jungkook.

"Pst."

Hindi talaga mawawala ang mga kaklase niyang walang magawa kundi ang mantrip. Meron na naman sigurong pinagtitripan ang isa nilang kaklase. So siya, deadma lang.

"Pst!"  Deadma ulit.

"Pst, pst!"  Pero hindi ata siya nakatiis sa isang 'to dahil mukhang siya ata ang pinagtitripan sa pagkakataong ito.

Ano na naman kaya ang problema ng mga unggoy na 'to?!

"Pst!"

Pasimpleng kumuha siya ng scratch paper sa bag niya at nilukot-lukot iyon para gawing bola. Para mamaya sa pag-pst! ulit ng taong 'yon ay babatuhin na niya ito.

Sayang din ang three-point shooting sa bibig 'no? Bwahahaha! I know, i'm so evil right now.

"Pst."  Go! Ngayon na! She was about to throw the paper nang may kamay na humawak sa wrist niya. Pag angat ng mukha nito sa taong iyon ay nagimbal siya ng tunay.

"At ano ang pinaplano mong gawin sa hawak mong papel?"  Naka-ngisi nitong tanong habang hawak parin siya nito.  "Plano mo bang i-three points 'yan sa mukha ko?"

Oh. My. Gulay. Bunny po pala hindi pala unggoy. Thank God.

"P-Paanong nandito ka?"  'Di makapaniwalang tanong ni Madred.

"Akala ko bang gusto mo 'kong makita?"  Nanlaki naman ang mata ni Madred sa sinabi ni Jungkook. Kailan naman niya nalaman na gusto ko nga siyang makita?! Hinawakan ng maayos ni Jungkook ang kamay nito.  "Oh! Gusto mo nga akong makita?"

"H-Hindi 'no!"

"Haha. Eh bakit ganyan ang mukha mo? Parang guilty."

"Hindi nga. Ang kulit naman ng lahi mo,"  Binawi agad ni Madred ang kamay niyang hawak ni Jungkook. Kasi malamang ay pamumulahan na siya kapag hindi niya pa binawi ang kamay niya.  "B-Bakit ka nga nandito?"  Tumingin sa ibang bagay si Madred para itago ang pagba-blush niya.

"May so-sorpresahin kasi ako,"  lumawak ang ngiti ni Jungkook. Napatingin naman agad si Madred sa kanya. M-May nililigawan na kaya si Jeon sa mga classmates namin?  "Birthday niya kasi ngayon. Tsaka sabi niya kasi ay namimiss na niya ako kaya ganun. Hehe."

Wala sa isip na nasabi bigla ni Madred.  "Namimiss naman kita ah?"  Halos pabulong na sabi niya.

"May sinasabi ka, Red?"  Naka-ngising sabi ni Jungkook.

What He Cannot Do (BTS Jungkook FF) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon