E P I L O G U E

133 6 0
                                    

Final Chapter: Epilogue

Six years later. . .

Manila, 2023

NASAPO ni Madred ang dibdib nang biglang mag-ring ang phone nito. Agad-agad nitong sinagot ang caller ng hindi man tinignan kung sino ang tumatawag sa kanya.

Inikot nito ang swivel chair paharap sa glass window at humugot ng hangin bago nagsalita. "Good morning, this is Madred Irene Cortez from Comictea Manga Company, speaking."

"I know." Kumunot tuloy ang noo ni Madred. "And I want to invite you for lunch, if it is alright with you?" Straightforward guy eh?

Napakamot tuloy ng kilay si Madred. "I'm sorry? If you know me well, baka aware kang marami akong trabaho since I am the--"

Tumawa ang lalaki sa kabilang linya. "Alam ko, alam ko. You're the CEO. Many amazing things happened after six years."

"May you tell me who you are? Parang kilalang-kilala mo kasi ako."

"Oo naman kilala kita. Hayy. Medyo mahirap palang mag-move on for six years ha?" Nanlaki tuloy ang mata ni Madred sa gulat.

"N-NICO?!" pagkarinig ng binata sa kabilang linya ay tumawa ito ng malakas. "Bakit ngayon ka lang nagparamdam sa'kin? Alam mo bang palagi akong nagtetext at nagcha-chat sayo sa fb?!"

Tumatawa parin si Nico sa kabilang linya. "Woah chill, I'm busy, you know."

"Busy saan? Sa kompanya mo?"

"Nope. Busy sa pagmomove on."

"Baliw ka talaga. Pero seryoso, nasaan ka ngayon? I'm a bit stressed right now." Umikot-ikot siya sa pamamagitan ng swivel chair nito. Stressed talaga ito dahil malapit na ang opening ng manga shop nito overseas. And everyone in the company is in the same state.

May kumatok at pumasok sa office ni Madred. Lumapit ito at nilapag ang isang folder. "Excuse me, Ms. Cortez. Need lang po ng approval niyo--" sumenyas si Madred na maghintay ito saglit.

"You really seem busy, I think my timing is off."

"Nah. Okay lang. Hanggang twelve pm lang naman 'to. We have lunch break. So where are you?"

"You better sign the approval sheet first, lady." She heaved a sigh.

"Akin na, okay na ito 'diba?"

"Yes ma'am." She scan the paper and sign it.

Tumingin si Madred sa relong pambisig nito, quarter to twelve na. "Okay, take your break na." Tumango naman at yumuko ang staff at umalis na.

"So Nico, where art thou?"

"Nasa labas na ng building niyo."

"Seryoso? Sige, hintayin mo'ko. Bababa na'ko." Kinuha nito ang coat at bag niya at lumabas ng office.


"HMM! Sarap talaga... kapag libre. Hahahaha!"

Natawa nalang din si Madred sa kaharap nitong binata. Ilang taon rin ang lumipas pero hindi parin nagbabago ang lalaking ito. Naghati si Madred ng small portion ng steak at isinubo ito at ngumuya. "So, sa L.A. ka nag-stay for six years?"

"Almost. Kasi palipat-lipat ako para mag tour around the world. Sayang ang yaman ko kung hindi gagastusin."

"At hindi ka man nag-aya ano?"

What He Cannot Do (BTS Jungkook FF) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon