10. Frame

233 17 1
                                    

10. Frame

Seoul, 2016

Pagod na pagod na ibinaba ni Hoseok ang dalang paper bags na may lamang frames.

"O ayan na Jungkookie,"  humahangos parin na sabi ng hyung niya.  "May iba ka pa bang kailangan?"

Nahihiyang ngumiti ang nakababata.  "Wala napo hyung, pasensya na at ikaw pa ang naabala, kung hindi lang ako tinawag for urgent variety show ay ako naman po ang kukuha."

Tumingkayad si Hoseok sa harap ng nakaupo na si Kookie, marahang ginulo nito ang buhok ng bunso.  "Aanhin mo ba ang mga frames? 'Wag mong sabihin na ife-frame mo lahat ng sulat ng mga ARMYs sa atin?!"

Tumawa lang si Jungkook.  "OA mo hoseokie hyung, kung ife-frame ko lahat ng sulat ng ARMYs, malamang na marami pang frames ang kakailanganin natin."  Tumawa lang din ang hyung niya.

"Oo na, tama ka na. Oh sige na, babalik na 'ko sa kwarto namin, iidlip muna ako."

"Sige hyung, gomawo." 

Nang makalabas na si Hoseok ay tumayo siya at pumaroon sa walk-in closet nila ni Namjoon. Kakauwi lang kasi nito mula sa nabanggit na urgent show kaya humingi siya ng tulong kay Hoseok dahil kailangan ng kunin ang frame na binili niya sa kalapit na shop mula sa dorm nila.

Inihubad niya ang socks, pants, coat at pinalitan ng simpleng white tee at black shorts ang sarili niya. Nakaramdam siya ng ginhawa ng mapalitan na ang kanyang suot.

May kung anong kinuha siya mula sa maliit na cabinet sa ilalim ng mga damit niya. Mga nakatuping papel. Napa-ngiti siya ng makita ulit ang mga ito. Isang buwan na ang lumipas mula ng makatanggap siya ng mga sulat na may drawing sa likod.

Hindi parin maalis ang ngiti at tingin niya sa sulat habang papalabas sa walk-in closet.   "Makakatanggap kaya ulit ako?"  Tanong nito sa sarili. He just shrugged.  "Sana."  Lumawak ang ngiti niya ng sabihin iyon.


Umupo ulit ito sa floor at sinimulang tanggalin ang plastic covers ng nabiling frames. Ang size ng bawat frame ay tulad lang ng size ng oslo paper or sketchpad. Tamang size lang para sa mga sulat na kanyang kinuha.

"Ang bias ko naman. Hindi ka naman ARMY, hindi ka naman fan, pero ang sayong sulat lang ang tanging ife-frame ko at tanging gustong makita ng mga mata ko araw-araw."  Pagmo-monologue nitong mag-isa.

Nakarinig siya ng creak sound mula sa pinto nila pero hinayaan niya lang. Busy siya eh.

"Yo Kookie,"  bati ni Namjoon sa kanya.  "What makes you busy in this early time?" 

"Hyung, kung ako sayo, mag-hangul ka nalang."  sabi ni Jungkook kahit hindi nito nilingunan ang hyung niya.

Napakamot naman ng ulo ang hyung niya.  "Ito naman, sinasanay nga kita eh."  Natawa lang si Jungkook.  "Pero seryoso, it's 5:30 am for pete's sake and you're doing something instead of sleeping?"

"Hyung, hangul please."

"Wow. Kung maka-please, parang hindi english 'yon. Ha-ha!"  Sarcastic pero pabirong sabi ni Namjoon.

Natatawang humarap ito sa hyung niya.  "Oo na hyung,"  nagpakita ito ng dalawang frames galing sa paper bag.   "Ife-frame ko lang kasi 'tong mga sulat sa 'kin ni.."  natigil si Jungkook sa pagbanggit sa pangalan ng taong nagbibigay sa kanya ng mga sulat.

What He Cannot Do (BTS Jungkook FF) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon