13. Alone?

266 20 0
                                    

13. Alone?

Busan, 2013

Natigilang mag-ayos ng gamit si Madred nang may magbukas ng pinto ng kwarto niya.

"Aalis ka na ba talaga ha, hija?"  Naka-ngiting humarap siya sa matandang babae.

"Opo ahjumma,"  nilapitan niya ang matanda at hinawakan nito ang dalawang kamay ng ahjumma.  "Nga ho pala, nandito po ang susi. Kayo napo sana ang bahala sa bahay na 'to."  Iginala niya ang paningin. Afterall, naging mahaba rin ang oras ng panunuluyan niya sa bahay na ito.  "Maraming salamat po sa pag-aasikaso saakin kahit hindi niyo naman ho ako kaano-ano."


Parang maiiyak ang matanda na sinagot naman siya nito.  "Walang anuman pero pupuwede bang ampunin na lang kita? Hindi ko maintindihan sa 'yong bata ka na kahit magkapit-bahay lang tayo ay pinipili mong mag-isa rito sa bahay na 'to."


"Ahjumma naman, pinaiiyak niyo naman ho ako sa sinasabi niyo,"  sabay yakap nito sa matanda.  "Kailangan ko nadin hong balikan ang lola ko sa Pilipinas, nag-iisa lang din po siya doon."

"Ay o sige na, baka magkaiyakan na tayong dalawa rito. Ako ng bahala sa bahay na 'to."

"Maraming salamat ho talaga, kapag may pagkakataon ay babalik po ako para bisitahin kayo."  Naka-ngiting humiwalay si Madred sa yakap.


"Ay siguraduhin mo ha?"


"Opo, opo."  Parang batang tumango-tango siya sa matanda.  "Promise po! Matunaw man ang yelo kay na Pororo!"


"Ikaw talaga! Puro kalokohan, dinamay-damay mo pa si Pororo na walang malay."  Kahit na sa simpleng biruan lang niya sa ahjumma na 'to ay naisip niyang naging makabuluhan naman pala ang pagse-stay niya sa Korea ng mahabang panahon.

Kaya hindi ako naniniwala sa sinabi ni Jeon, na wala daw akong kwenta.

Muling sumikip ang puso niya sa naisip. Isang taon na ang lumipas pero sariwa parin sa kanya ang mala-sugat na iniwang salita sa kanya ni Jungkook.

Pero bakit ganoon? Ni hindi ko man magawang magalit at magtanim ng hinanakit sa kanya. Ang unfair talaga ng mundo!




Manila, 2013

Kung sa Korea ay nasisindak ang lahat sa kanya ay iba naman ang sa Pilipinas.

"Ano?!"  Sinipa siya ng number one maldita ng bagong school na pinapasukan niya. At namalipit lang naman si Madred sa sakit dahil may suot na heels pa ang malditang ito.  "Aba't tinitignan mo pa 'ko ng masama ah?"

Huh?! Gustong matawa ni Madred. Grabe naman kasi kung makahusga ang babaeng ito. Eh mukha na ngang nagmamakaawa si Madred tapos ay sasabihan pa siya nitong tinitignan siya ng masama?

Aba matindi!

"Chloe, tigilan na muna natin 'to, mukhang may darating na prof oh!" 

As if on cue na biglang dumating ang isang lalaki.  "What are you doing there ladies?"  Naka-hinga ng malalim si Madred ng may dumating na tao pero ng tignan niya kung sino ay nalaglag ang panga niya.

It is none other than the campus hearthrob daw na bali-balitang playboy slash casanova slash lahat ng may masamang reputation about sa kanya. Pero ang hindi maintindihan ni Madred ay kung bakit hindi siya nasasamaan sa presensiya nito.


What He Cannot Do (BTS Jungkook FF) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon