12. Lies

245 17 2
                                    

12. Lies


Busan, 2012


"Ano bang sinasabi mong titigil ka na sa pag-aaral? Mawawala lang ako tapos titigil kana?"  Gaya ng dating ginagawa ni Jungkook sa kanya ay ipinatong ni Jungkook ang kamay nito sa ulo ni Madred at dahan-dahang ginulo.  "'Wag mo namang ipahalata masyado na mamimiss mo nga ako." 


Nahampas tuloy ng mahina ni Madred ang kamay niya sa braso ni Jungkook.  "Assuming ka! Sino bang may sabi sa 'yo ng mga bagay na 'yan?!"


Ngumuso si Jungkook sa ilan nilang kaklase na nasa room pa nila. Sinadya lamang ni Jungkook na puntahan siya dahil kakauwi lang din naman nito galing Seoul, sa agency nila at dorm.


"Malulungkot ako kapag 'di na kita makita sa susunod na babalik ako dito,"  sumeryoso ang boses ni Jungkook.  "'Wag kang titigil please, hmm?"


Lumambot naman talaga ang puso nito sa sinabi ni Jungkook. Balak na talaga niyang tumigil mag-aral at bumalik sa Pilipinas. Dahil feeling niya ay wala na siyang posisyon sa lugar na 'to. Pero... magbabago ata ang desisyon niya dahil kay Jungkook.


Bumuntong hininga siya at iwinasiwas ang dalawang kamay sa ere.  "Oo na, oo na Jeon. Magse-stay parin ako."


Lumawak ang ngiti ni Kook.  "Yes! Ganyan ang Red ko."  Napantig ata ang tainga niya sa narinig. Ganyan ang 'Red Ko'. Hihimatayin ata siya sa naririnig.





Paulit-ulit na bumabalik kay Madred ang nangyaring iyon limang buwan na ang nakakalipas. Hanggang ngayon ay hindi pa umuuwi at worst... hindi na nagpaparamdam si Jungkook.


Pinunasan nito ang luhang kanina pang umaagos sa mga mata niya.  "Malulungot ako kapag 'di na kita makita sa susunod na babalik ako,"  pagagaya pa nito sa boses ni Jungkook.  "Sus. Sinabi mo nalang sana na 'di kana babalik!"


Para siyang pinaasa ng nililigawan niya oh ng matagal niyang hinihintay. Oo na, aaminin na niya na tuluyan na siyang nahulog kay Jungkook.


Kasalukuyan siyang naglalakad sa long bridge pauwi sa kanila. Hindi niya alam kung bakit dito siya dinala ng mga paa niya. Dito rin kasi siya dala-dala noon ni Jungkook ng naaksidente siya sa P.E. class nila.


May sinat na nga siya at pawala na ang boses niya pero naglakad parin siya at hindi man lang nag-short cut.


Anong magagawa ko? Eh miss na miss ko na siya.



"HOY! MAGPAPAKAMATAY KABA HA?!"  Nagulat siyang lumingon sa kotseng kanina pa pala siyang binubusinahan. Wala kasi siya sa sarili at akala niyang wala ng dadaan pa sa long bridge na 'yon dahil pagabi narin naman.


Nag-bow naman siya ng paulit-ulit sa driver habang pinupunasan ang luhang tumutulo na naman sa mata niya. This time ay dahil sa gulat at takot.

Ano bang nangyayari sa 'kin? My life now is hopeless.


"ANO PANG GINAGAWA MO?! TUMABI KANA KUNG AYAW MONG MASAGASAAN! TABI!" 



"Kung makasigaw naman ho kayo. Tatabi naman ho siya,"  may biglang humawak sa braso niya at hinigit siya sa gilid ng bridge.  "Kita niyo naman pong natatakot na ho siya sainyo."


Mukhang nahimasmasan ang driver dahil sa sinabi ng binata sa kanya. Nahilot pa ng driver ang sariling sentido.  "Tsk! Sige na, dami pang satsat. Aalis na 'ko."


Hinawakan ng binata ang ulo niya at pinag-bow niya ito. Sumabay naman din itong mag-bow sa kanya. Bumusina lang ulit ang driver at umalis na.



Sobra ang nginig ng tuhod niya dahil sa nangyari. Napakapit naman siya sa lalaking nagligtas sa kanya. Nang mapansin ng binata ay inakay naman siya nito.



"Madred-ssi."

"Jungkook-ah."


Sabay nilang tawag sa isa't-isa. Bahagya namang natawa si Jungkook dahil sa sabay silang nagsalita.  "Ikaw muna, babae ka."



Huminga muna ng malalim si Madred. Mukhang gumaan na ang pakiramdam niya dahil nasa tabi na niya ulit ang lalaking mahal niya. Parang nawala lahat ng galit na meron siya kanina sa binata.  "B-Bakit ngayon ka lang? Ang tagal mong nawala,"  tumigil siyang maglakad at ganun din si Jungkook. Tumitig siya kay Jungkook.  "Alam kong selfish pakinggan, tsaka sino ba naman ako? Hindi mo naman ako kaano-ano diba? Tsk! Nakakainis,"  tinitigan lang din siya ni Jungkook na parang gusto lang pakinggan ang sinasabi niya.  "Pinanghawakan ko ang sinabi mo pero sorry kasi nainip ako. Alam ko sa sarili ko na wala nakong posisyon sa lugar na 'to. Lalo ko lang naramdaman na wala akong kakampi. Lalo lang naparamdam saakin na wala na ang mga magulang ko. Jeon Jungkook, sabihin mo nga sa 'kin? Meron bang oras sa buhay mo na naging importante ako? Bakit feeling ko, oo? Assuming na kung assuming pero ito lang kasi ang nararamdaman ko."  Napakagat si Madred ng ibabang labi to refrain more tears.


"Red..."


"Sorry Jungkook, sorry."  Iwinasiwas nito ang kamay niya.  "'Wag mo ng isipin 'yung sinabi ko, nababaliw na 'ko."


Hinawakan ni Jungkook ang magkabilang balikat ni Madred.  "Hindi mo na kailangang panghawakan pa ang sinabi ko,"  Nagpakawala ng buntong hininga si Kook.  "Gawin mo na ang gusto mong gawin."



"A-Anong ibig mong sabihin?"


"Gusto mo ba talagang sagutin ko ang tanong mo kanina?"



Nararamdaman ni Madred na hindi maganda ang sasabihin ni Jungkook pero sa kabila parin no'n ay gusto parin niyang marinig 'yon mula sa bibig ng binata.



Dahan-dahang tumango si Madred. Bumuntong-hininga ulit si Kook.  "Kahit kailan ay hindi ka naging mahalaga saakin, kalaban lang ang turing ko sa 'yo. Nag-eenjoy ako kapag natatalo kita. Nahihiya lang akong sabihin sa 'yo no'n pero naiinis at nagagalit talaga ako sa 'yo,"  ayaw niya sanang paniwalaan ang sinasabi ni Jungkook pero naging blanko ang tingin ng binata sa kanya.  "Para sa 'kin ay wala kang kwenta. Babae ka lang at wala kang kaya sa mga lalaki. Dapat sa 'yo ay iniiwanan. Kaya walang lumalapit sa 'yo sa mga kaklase natin kasi ganyan ang ugali mo,"  tumawa pa si Jungkook na lalong ikinasikip ng puso niya.  "Naawa lang talaga ako sa 'yo kaya pinipilit kong kumain ng lunch sa loob ng classroom. Ang bait ko 'no? Dapat nga magpasalamat ka--"

*pak



Nagulat siya sa ginawa niya kay Jungkook. Nasampal niya ito. Pero tumawa lang ng pagak ang binata.



"'Yan ba ang paraan mo ng pagsabi ng salamat? Okay lang,"  hinawakan ni Jungkook ang sariling pisngi.  "'Yon lang din ang gusto kong sabihin. Ingat ka sa pag-uwi. Mauna na 'ko."  Tumalikod na si Jungkook at nagsimula ng maglakad.


And Madred is left at the bridge, deeply wounded.




Seoul, 2016



"Jeon Jungkook, napano ang mata mo?!"  Agad na lapit ng hyung niya na si Jimin sa kanya.


'Di niya napigilan ang suminghot.  "Ito po kasing mga sibuyas, hyung."  Tinignan ni Jimin ang sibuyas na hinahati niya.


"Aish, akala ko kung napano kana. Akala ko umiiyak ka!"  Pero ang 'di alam ng hyung niya ay may rason talaga kung bakit umiiyak siya. Oo, totoong may iniiyakan nga siya.



Because I deeply regretted all the lies I've said to her that time.


~~~~

Thank you sa greetings and sa love. Love you all too! ♡ Pero mahirap talaga ang may sakit at walang boses na nagdadrama. Kailangan ko kasi padramahin kahit minsan lang si Kook. Huehue.

What He Cannot Do (BTS Jungkook FF) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon