17. Late Kook?

334 18 5
                                    

17. Late Kook?



Seoul, 2016



Walang ibang ginawa si Jungkook kundi ang tumunganga sa isang sulok ng dorm nila. Gustong lumapit ng ibang members sa kanya pero natatakot silang lapitan ito. Lalo na si Kim Taehyung.



"Hyung, anong gagawin ko?"  Naiiyak na tanong ni Taehyung sa mga hyung nito. 



"Hayaan niyo lang siya,"  bumulsa si Yoongi.  "'Yon lang ang magagawa niyo."


Pero hindi parin sila mapakali. Hindi naman sila sanay na ganoon ang ikinikilos ng jolly golden maknae nila.



"Hyung..."  -Taehyung. Harap nito kay leader.




"Kim Taehyung,"  hinawakan ni Namjoon ang balikat nito.  "Kung tutuusin ay wala ka naman talagang kasalanan. Kaya 'wag mo ng sisihin ang sarili mo."



Totoo naman ang sinabi ni Namjoon. Simula't sapul ay hindi naman nito kasalanan na naiwala ni Jungkook ang huling sulat ni Madred at lalong hindi kasalanan ni Taehyung na huli na nitong mahanap at mabasa ang laman ng huling sulat na pala nito.



"P-Pero hyung..."



"It's not your fault if that girl will going to be married soon or better to say... baka nakasal na nga siya."



"Kim Namjoon!"  Suway ni Seokjin.



"Waeyo? May mali ba sa sinabi ko? I'm just stating a fact."




Lahat sila ay napabuntong-hininga dahil lahat ng sinabi ni Namjoon ay tama. Kaso masakit lang talaga para sa sitwasyon ng bunso nila.



"Oo tama ang sinabi mo pero hindi mo na dapat inulit pa. Marinig pa kayo ni Jungkookie niyan." -Seokjin.




Maya-maya ay tumayo at naglakad si Jungkook papunta sa direksyon nila-- ay mali, nakapamulsa itong nilagpasan sila para tumungo sa kusina. Binuksan nito ang ref at kumuha ng limang soju at may karton pa itong kinuha.



Nanlaki naman ang mga mata ng mga hyungs niya. Agad silang lumapit kay Jungkook para pigilan ang nakababata.  "Jeon Jungkook, alam naming puwede kana diyan pero hindi parin kami papayag na tumungga ka ng limang soju!"  Pero nanatiling blanko ang mukha nito at nilagpasan lang ang mga kuya niya.  "Namjoon! Ikaw ang leader, pigilan mo!"



"Eh ikaw ngang pinaka-matanda sa'min ay 'di niya pinakinggan, kami pa kaya?"  Tumango-tango ang ilang members.




"Sino bang may sabi na si Jungkook ang iinom ng soju? Diba Jungkook-ah?"  Nagulat sila nang makita si Yoongi na katabi na pala ni Jungkook sa sofa habang nanonood ng NBA championship game. At hindi si Jungkook ang umiinom ng soju kundi si Yoongi. Karton naman ng gatas ang tinutungga ni Kook. Tumango lang ang maknae.



Sabay-sabay namang napa-hayy sa mga isip nila ang ibang members. Mukhang nag-mature na talaga ng husto ang maknae nila. Kahit may sakit itong dinadamdam ay hindi parin nito idadaan sa alak sa halip ay gatas nalang.



"Jeon Jungkookie~"  naka-taas pa ang dalawang kamay ni Taehyung na tumakbo papunta kay Jungkook at niyakap ito.  "Bati na tayo. Huhuhuhu."



"Hindi naman tayo nag-aaway. Tsk! Panggulo pa kayo sa pinapanood namin ni Yoongi hyung,"    sa wakas na sabi ni Jungkook. Mangiyak-ngiyak namang pumalupot si Taehyung kay Jungkook.  "Hyung, ano ba? Nanonood ako!"



What He Cannot Do (BTS Jungkook FF) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon