18. Prohibited Bunny

291 15 5
                                    

18. Prohibited Bunny



Seoul, 2016



Nakayuko lang si Jungkook. Sampung minuto na siyang nakatayo't nakayuko sa harap ng Producer nila na si Bang Shihyuk. Iba sa nakasanayang mabait na PD ang nakaharap kay Jungkook ngayon.



Naka-krus ang mga braso nito hanggang dibdib. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Jeon Jungkook? Naririnig mo ba ang sarili mo?!"



Lalong napayuko ang maknae sa narinig mula sa PD niya. Bumuntong hininga naman ang PD nang wala itong makuhang sagot mula kay Jungkook. "Kung desidido ka talaga Jungkook."



"P-Po?"



"Hindi ako pumapayag na umalis ka basta-basta pero..."



Nabuhayan si Jungkook sa narinig. "P-Pero ano po?"


"Naaalala mo ba ang Japanese Music Video niyong For You?" Tumango naman si Kook. "Anong ginawa ng hero do'n?"



Hindi niya ma-gets ang ipinupunto ni Bang PD pero sinagot niya parin ang tanong nito. "Pinag-ipunan niya po ang pagpunta sa Japan para makasama 'yung babaeng mahal niya."



"Exactly," umupo ng maayos si Bang PD sa swivel chair nito. "Hindi kita tutulungan sa plano mong pag-alis. Puputulin ko ang lahat ng credit cards mo. Hindi karin pupwedeng humingi ng tulong sa benefits ng ibang miyembro ng Bangtan."


Napabuka tuloy ng bibig si Jungkook. S-Seryoso?! "P-Po?"


"Dahil nasa pahinga kayo ngayon at naghahanda para sa susunod niyong album... Ibibigay ko sa 'yo ang oras na 'to para makagawa ng paraan kung paano siya mahahanap," bumuntong-hininga si Bang PD. "Kahit labag pa sa kalooban ko ang gawin ito sa 'yo."


Kahit siya ay napabuntong-hininga rin. Alam naman niya na ginagawa lang 'yon ng PD niya para lang matuto ito. He really feel sorry right now.



Pero mas nangingibabaw parin sa kanya ang makita at makausap si Madred. Hindi parin makakapayag si Jungkook na basta lang itong makasal na hindi naririnig ang side nito.


Hindi parin malinaw sa 'kin kung ano siya sa buhay ko. Pero ang alam ko... Ayoko siyang mapunta sa iba.






Kanya-kanya ang tutok ng Bangtan sa bawat phones ng mga ito. "Ang konti naman ng 5000 won. Paano siya makakakuha ng flight ticket no'n, sige nga?!"


"Basta ako, 15,000 won ang ibibigay ko." Pagmamalaki naman ni Taehyung. Kumunot ang noo ni Jungkook sa narinig. Anong ginagawa ng mga 'to?



Mukhang abalang-abala ang mga ito kaya tumikhim ng pagkalakas-lakas si Jungkook. Nakuha naman agad nito ang atensyon nila.


"O-Oh Jungkookie, nandyan kana pala." Nagulat na sabi ni Hoseok. Halatang gulat din ang mga ibang members at nagsihiwalay silang lahat sabay tago ng phone. Napabuntong-hininga si Jungkook.


Ah, alam ko na.


"Hyungs, kung para 'to sa flight ticket ko papuntang Philippines ay 'wag na kayong mag-abalang magbigay," yumuko si Jungkook. "Hindi ko rin naman tatanggapin."


Hindi makakalimutan ni Jungkook ang napag-usapan nila kanina ng Producer nila. Usapang lalaki sa lalaki 'yon. At kapag napagkasunduan na, hindi na dapat bawiin pa 'yon.


What He Cannot Do (BTS Jungkook FF) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon