14. The Sick Bunny

262 17 5
                                    

14. The Sick Bunny

Seoul, 2016

Naramdaman ni Jungkook na may umupo sa kama niya kaya ibinuka niya ang mga mata.


"Mian, nagising ata kita," nag-aalalang bungad sa kanya ni Seokjin. "Matulog ka ulit Jungkook-ah. Chinecheck ko lang kung medyo okay ka na." Itinaas ng hyung niya ang kumot nito hanggang leeg.


"O-Okay lang po ako hyung," namamalat ang boses na sabi nito. Nakabukas lamang ang isang mata nito. "M-Medyo masakit lang ang ulo. Mianhamnida, dahil sa sakit ko ay hindi tayo maka-perform ng kumpleto."


"Shh. 'Wag mo ngang sabihin 'yan," kinuha na ni Seokjin ang niluto nitong soup sa side table. "Magagalit lang ang mga ARMYs, tsaka mas gusto nilang nagpapahinga ka kaysa may sakit kang nagpe-perform. Hmm?"


"Opo hyung."


"Ano pang masakit sa 'yo? Gusto mo bang magpamasahe?" Itinuro ng daliri nito ang bandang dibdib niya.


"Ito hyung," turo-turo nito ang bandang puso. "Ito ang masakit."


"Seryoso? Hindi ka ba makahinga?" Nagpapanic na tanong ni Seokjin. "Kailangan ko na bang ulit tumawag ng doctor?"


"Chill hyung," natatawang sabi ni Jungkook. "Ayos lang ako, sinabi ko lang po kung saan banda ang masakit."


Dalawa talaga kasi ang masakit sa puso ko. 'Yong literal na puso at 'yung hindi.


"Pinakakaba mo 'ko, maknae." Naka-hinga ng maluwag ang hyung niya. "Baka naman heartbroken ka at hindi sakit sa puso ang meron mo?"



"Seokjin hyung, 'wag ganyan. Baby pa si Kookie. Baby pa! Huhuhuhu." Biglang pasok ni Taehyung sa kwarto. Mukhang hindi pa ito nakaka-bihis ng pambahay.


"Oh dahil baby pa si Jungkook-ah para sa 'yo," binigay ni Seokjin ang hawak na soup kay Taehyung. "Ikaw ang mag-subo sa baby mo ng soup niya, ppali."


"Ah hehehehe," napahawak ng batok si Taehyung. "Si Jin hyung naman, ganyan."


"Ano?" Pinanlakihan lang siya ng mata ni Seokjin.


"Wala. Hehehehe. Sabi ko nga, lalabas muna ako ng kwarto, pupunta sa room namin nina Hobi hyung, magbibihis, babalik dito, at pakakainin si Kookie," itinapat nito ang kanang kamay sa ilalim ng sariling kilay. "Kim Seokjin-nim. I salute." Sumaludo ito at parang militar na lumakad na paalis sa kwarto.

"Napano 'yun?" Gulat na tanong ni Seokjin pag harap nito kay Kook. Ngumiti lang ang maknae sa kanya.


"'Yaan mo siya hyung. Infected narin siguro ng Descendants of the Sun fever. Haha!"

"Kayo talagang mga maknae, puro kalokohan."




Maya-maya ay pumasok na ulit si Taehyung at pinalitan si Seokjin sa pag-aalaga kay Kook.


Nang may maalala si Jungkook. Meron pa pala siyang sulat na hindi pa nababasa. Mukhang ito ang perfect time para sa kanya upang basahin ang sulat.



"Say ah~" ibinuka naman ni Jungkook ang bibig para isubo ang hawak na kutsarang may laman na mushroom soup ni Taehyung. "Jungkook-ah, ubusin mo 'to para gumaling kana ha?" Excited na sabi ni Tae sa kanya. Naka-ngiting tumango naman siya.



What He Cannot Do (BTS Jungkook FF) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon