2. Let's run!

372 15 0
                                    

2. Let's run!

Manila, 2016

Lumaki ang mata ni Madred habang papalapit ng papalapit si Jungkook sa finish line.

Boom! Lalo siyang natuwa nang tuluyan ng maputol ang tali sa race dahil kay Jungkook.

"YES! Congratulations, Jungkook." umabot hanggang mata ang ngiti niya nang zinoom-in sa screen ang naka-ngiting mukha ni Jungkook. Kasalukuyang nanonood kasi si Madred ng ISAC 2015. Pinapanood nalang niya ulit 'yon dahil nageenjoy talaga siya. This is not an overstatement but 100 times na paulit-ulit na ata nitong pinapanood ang race na 'yon.

Mayroon kasi siyang naaalala sa pagtakbo ni Jungkook.


Busan, 2009

"Cortez and Jeon, go to the line." kapwa silang nagse-stretching habang papunta sa line. "Kapag narinig niyo ang whistle, start na ng pagtakbo, arachi?"

"NE!" kapwa nilang sambit sa Physical Education teacher nila. Pero bago 'yon ay nagkatinginan na naman sila. Naka-ngisi lang si Jungkook sa kanya kaya inikot naman nito ang mata niya pataas.

Nag-whistle naman bigla ang teacher nila kaya nataranta siya at wala sa sariling tumakbo ng mabilis. Hindi pupwedeng matalo siya kay Jungkook. Hindi talaga.

Nanguguna si Jungkook sa kanya dahil nawalan siya sa focus.

Ah bahala na!

Tumakbo si Madred ng mabilis kahit may naramdaman na siyang sakit sa paa niya.

Napansin niyang may iniwasan si Jungkook na bagay habang tumatakbo ito pero..

Oh shoot!

Hindi niya naiwasan ang malaking bato na natatabingan ng mga damo kaya hindi mo ito mapapansin kung hindi mo titignan ng maayos.

Gumulong-gulong si Madred na animo'y gulong, habang umiikot siya ay parang maduduwal na siya at anytime ay pipikit na ang mata niya sa sakit ng nadarama niya.

"REEEDDD!" 'yon ang huling narinig niya bago siya mawalan ng malay.


Hindi tinapos ni Jungkook ang finish line at dali-daling bumalik sa puwesto kung saan nag-stop ang paggulong ni Madred. "RED! Red gising, gumising ka please?!" tinapik-tapik nito ang pisngi ni Madred para gumising. "T-Tulong! Si Madred. Teacher! Classmates tulong!!"

Hindi alam ni Madred kung panaginip lang ang naririnig niya ngayon. Si Jeon Jungkook? Babalikan siya at bubuhatin na parang prinsesa dahil ingat na ingat ito na parang fragile thing siya?




Pinilit niyang umupo kahit na masakit pa ang ulo at katawan niya. Napansin niyang may nakatingin sa kanya. Nang lingunin niya ito ay pinag-krus nito ang dalawang braso hanggang sa bisig niya. At itinaas ang kanang kilay niya. "Kanina ka pa dito?"

Tinaasan din siya nito ng kanang kilay. "Hindi, ngayon-ngayon lang." bakit parang feeling niya ay nagsisinungaling lang ito? "Nurse, gising napo siya!" Biglang sigaw ni Jungkook. Agad namang dumating ang nurse para i-check siya.

"Very good, okay kana. Pero, may gagawin pa ako," kinuha ng nurse ang records nito na ipinatong nito kanina sa kama niya. "Sandali lang ha?" tumango siya bilang sagot.

Nang makaalis ang nurse. "Tsk tsk tsk!" tumingin siya kay Jungkook na naka-krus narin ang mga braso hanggang bisig.

Tumalim ang mata niya sa binata. "Bakit?!"

What He Cannot Do (BTS Jungkook FF) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon