⊱༻ 𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 45 ༺⊰

2.5K 38 11
                                    

𝐊𝐈𝐄𝐑𝐀'𝐒 𝐏𝐎𝐕

"Mommy, ang sarap po ng sandwich na ginawa ni Daddy," saad ni Noah nung makalapit siya sa akin.

"Patikim ako beh," agad ko siyang pinaupo sa hita ko at agad niya akong sinubuan. "Ang sarap nga!" may katotohanang saad ko.

"Mas masarap ako d'yan, try mo." Nilingon ko si Dwight na naglalakad papunta sa amin ni Noah dala ang pinggan na may lamang sandwich na snack namin ngayon gabi.

Nandito ako sa penthouse niya at day off namin pareho kaya nagkaroon uli kami ng oras para alagaan si Noah. Tuwing day off namin ni Dwight si Noah ang inasikaso namin. Laging ako at si Noah ang inuuna niya, tuwing papasok ako, hatid sundo niya ako, we do dating, we do camping, picnic with Noah when we have time, he makes time, we do road trip with his friends sometimes. He really gave his all-like what he promised to me. Ang sarap n'yang magmahal at hinihiling ko na h'wag sana s'yang magbago katulad ng iba.

Kukuha na sana ako ng sandwich na gawa ni Dwight mula sa pinggan na dala niya nung inguso niya ang labi niya at bahagyang ilayo ang hawak niyang pinggan. Agad akong nainis sa pantatakam niya sa akin kaya pinandilatan ko siya ng mata na ikinatawa niya.

"Kiss daw po muna, Mommy," napatingin ako sa inosenteng si Noah na tumatawa habang kumakain ng sandwich niya saka muling tumingin kay Dwight na naka ngisi na ngayon.

"Piskot ka, Dwight! Kung ano anong tinuturo mo kay Noah," mahinang saway ko sa kaniya saka niya inilapag ang pinggan sa center table.

"Kainin mo na 'ko," ngingisi ngising saad nito.

"Nabuang ka man gyud," iritable pa ring saad ko saka kumuha ng isang pirasong sandwich doon.

"Oo, buang ako sa'yo," napailing na lang ako sa sinabi niya. Ewan ko ba kapag mga kaklase kong lalake nung highschool ay bumanat sa amin ng ganiyan naiinis ako pero kapag siya ang bumirada ng ganiyan kinikilig ako.

Bumalik na lang ako sa realidad nung umupo si Dwight sa tabi ko at lumipat si Noah sa kaniya saka naglambing. "Daddy, gusto ko po maglaro po."

Nagkatingin kami ni Dwight dahil doon.

"Anong laro, anak?"

"Doctor doctoran po. Yung sa tablet po."

Napatango lang si Dwight saka muling tumingin sa akin at nagtanong. "Ngayon rin ang labas ng exam mo 'di ba?"

Tumango ako at bahagyang nagulat dahil doon. Katulad noon, hindi ko rin sinabi sa kaniya na ngayon ang labas ng resulta ng exam. Natatakot kasi ako baka hindi na naman ako pumasa.

Alam kong nakita niya ang pag aalala sa mukha ko kaya agad niyang hinawakan ang kamay ko. "Whatever the result is, I'm here to stay."

Tipid akong ngumiti at hinayaan na namin siya ni Noah na tumayo at pumunta sa kuwarto niya. Ilang minuto lang ang lumipas dala niya na ang ipad niya at laptop niya. Masayang tinanggap ni Noah ang ipad at naglaro na roon habang si Dwight naman ay muling tumabi sa akin saka kinalikot ang laptop niya.

"Anong oras ang labas ng exam mo?"

"Mga alas otso.." mahinang saad ko.

Bahagya siyang tumingin sa wall clock niya. "Malapit na pala."

Hindi ako nagsalita at agad niyang napansin ang pangamba sa mukha ko kaya pinahilig niya ang ulo ko sa balikat niya. Tila isang kisapmata na nawala ang lahat ng pangamba ko dahil doon.

"You don't have to worry. CPA ka na mamaya. I believe in you," pagpapalakas loob niya sa akin saka niya ipinagsiklop ang mga kamay namin at dinala sa bibig niya para banayad na halikan.

Destine Lovers Series 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon