𝐃𝐖𝐈𝐆𝐇𝐓'𝐒 𝐏𝐎𝐕
"Welcome home, Papa!" masayang bungad nila Tita samin nung dumating kami sa bahay nila Kiera at habang tulak ko ang wheelchair ni Tito.
"Nandito ka na Papa!" si Tita Klaire iyon na masayang niyakap si Tito dahilan para mapangiti ako. They're so sweet.
Pagkatapos niyon ay masaya ring niyakap ni Kent at Klarisse ang ama nila. Nakita ko rin si Tito na naluluha kaya agad itong inalo ng asawa niya.
Siguro naramdaman niyang namiss niya ang lugar na ito. Ang tahanan kung saan sila bumubuo ng memorya kasama ang pamila niya.
"Salamat anak," baling ni Tita Klaire sa akin matapos nyang mayakap si Tito habang nasa mukha nito ang lubos na pasasalamat. "Sa pag aasikaso sa Tito Gener mo magmula nung makarating at makalabas s'ya ng ospital."
Katulad ng palagi kong ginagawa, ngumiti ako. "Wala pong ano man. "
Bahagya ring tinapik ni Tito ang kamay ko para magpasalamat kaya bumaling ako kay Kiera na nasa tabi ko at karga si Noah. Hindi naman kabigatan si Noah kaya nakarga niya ito.
Katulad ng pasasalamat ng pamilya niya umusal rin siya salitang salamat sa akin at kahit walang boses iyon. Agad kong naintindihan iyon.
Nginitian ko lang siya saka namin pinagtutulungan ni Kent ang kinausap si Noah.
"Baby, baba ka na baka nabibigatan na sa'yo si Mommy Ke mo." Huli na nung ma-realized ko ang sinabi ko kaya napatingin ako sa pamilya ni Kiera.
Nakita kong kinikilig si Klarisse, si Kent namin ay pinipigilan matawa, si Tita ay nakangiti lang habang si Tito ay sumama ang tingin sa akin.
Napahawak lang ako sa batok ko dahil sa hiya. Agad rin namang sinunod ni Noah ang sinabi ko saka ito lumapit kay Tita Klaire para nagmano.
Nagkatinginan pa kami ni Kiera saka sabay na ngumiti. Dahil nga mga madre ang nagpalaki kay Noah, tiruan nila ito at ang ibang bata na gumalang sa mga nakakatanda sa kanila.
"Kabait ng batang ito. Mana sa tatay." Saad ni Tita Klaire saka bahagyang ginulo ang buhok ni Noah.
"Hi, Noah ang cute mo." Halata ang pang gigigil ni Klarisse kay Noah.
"Thank you po." Sagot lang ni Noah.
"Ikaw lang ang hindi." Pang aasar ni Kent kay Klarisse.
Agad na inangilan ni Klarisse si Kent at nag asaran kaya agad itong sinaway ni Kiera habang tinatakpan ang magkabilang tainga ni Noah.
"Tama na kayo, sa harap pa talaga kayo ni Noah nag asaran." Sabi nito. "Kent, asikasuhin mo si Papa kailangan ng katulong ni Kuya Dwight mo."
"Mabuti pa nga nang makapagpahinga na ang Papa niyo." Sang ayon ni Tita sa sinabi ni Kiera. "Hindi pa man din ako tapos magluto. Kulang pa 'yang nasa mesa kasi pupunta pa ang mga Ninong n'yo dito para bisitahin si Papa niyo."
Inalis na ni Kiera ang kamay niya sa tainga ni Noah saka ako hinaharap.
"Pasensiya ka na sa dalawa."
Umiling lang ako.
"Wala 'yon." Muli akong bumaling kay Tita. "Saan ko po ipapasok si Tito?"
"Kent, samahan mo ang Kuya Dwight mo sa kwarto n'yo. Doon muna tayo pansamantala para si Ate at Kuya Dwight mo saka si Noah muna ang matutulog sa kwarto namin ng Papa n'yo mamaya." Nagulat naman ako sa narinig ko habang si Kiera naman ay kalmado lang.
"A-anong si Dwight at Kiera ang matutulog sa kwarto natin?" si Tito Gener iyon. "Pagtatabihin mong matulog yung dalawa?
"Oo nga po Tita," sang ayon ko kasi hindi ko alam na mag-a-adjust sila para sa pagdating namin ni Noah.
BINABASA MO ANG
Destine Lovers Series 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIEND
HumorCOMPLETED [UNDER REVISION] Hindi alam ni Kiera na dahil sa isang listahan ng utang makikilala nya ang isang lalake. Si Dwight, ang lalaking hindi niya akalaing kapatid ng matalik niyang kaibigan na si Aulhexa. Inalok siya nito na magpanggap bilang g...