⊱༻ 𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 47 ༺⊰

1.8K 38 34
                                    

𝐃𝐖𝐈𝐆𝐇𝐓’𝐒 𝐏𝐎𝐕

   “I can’t still believe na pinatulan ka ni May,” natatawang saad ko kay Argus nung puntahan ako nito sa clinic ko at ipaalam nito na magri-resign na si May na ngayon ang mapapangasawa niya na.

    Natawa lang rin si Argus bago sumagot. “Bakit naman hindi ako papatulan no’n, ’di na s’ya lugi sa’kin.”

    Napailing lang ako at tinapik tapik ang balikat niya saka kami pumasok ng elevator. “But I’m glad you’re ready to settle down pero sigurado ka na ba talaga kay May kasi kung hindi—”

    “Hind ko siya bubuntisin kung hindi pa ako sigurado sa kan’ya. Binuntis ko na para hindi na makawala. Dapat gano’n rin ang ginawa mo sa fiancee mo, para hindi na umalis.” Putol niya sa sinasabi ko saka nang aasar na tumawa. “Mariang de palad ka tuloy for two years.”

    Agad ko siyang siniko. “Gago! Kung ginawa ko yung ginawa mo kay May, parang wala na akong pinagkaiba sa’yo. Magkaiba tayo. Mataas ang respeto ko kay Kiera at sa pamilya n’ya. Naiintindihan ko rin kung bakit kinailangan niyang umalis para sa pangarap n’ya.”

    Nagkibit balikat lang ito bago muling nagsalita. “Pero hindi ba malamig ang gabi mo? Magtatag ulan na, kailangan mo na ng kayakap sa gabi o hindi mo man lang ba hinahanap yung init—”

    Binatukan ko nga siya nang magtigil siya sa pinagsasabi niya saka kami lumabas ng elevator. “Tarantado! Umayos ka Argus, mag aasawa ka na gan’yan ka pa rin.”

    Tinawanan lang ako nito at dumiretso na kami sa canteen para kumain habang nagkukuwentuhan. Nung matapos kami ay tumayo muna siya para itapon ang plastic na pinagbalutan ng ulam niya kaya nagkaroon ako ng pagkakataon mag cellphone.

    Nag message lang ako kay Kiera kung anong nangyari sa araw ko. Matapos no’n ay nag scroll na ako sa social media. Nagbasa lang ako ng mga article tungkol kay Luanne at kung nasaan na nga ba ito ngayon matapos niyang umalis sa pag aartista dalawang buwan na ang nakakalipas. Walang nakakaalam kung nasaan na nga ba siya. Kahit si Evo na best friend niya ay hindi rin alam kung saan siya nagpunta. Mabuti na rin ’yon na lumayo s’ya gayong hindi nakikita ni Evo ang halaga n’ya kay Angeli pa rin nakatuon ang atensiyon nito kahit malinaw sa kanya na si Kevin lang ang mahal ni Angeli. Luanne deserves better.

    Dahil naging mabuting kaibigan sa amin si Luanne at kinain ng kyuryosidad ang pagkatao ko tungkol sa pagkawala niya ay nagpunta ako sa Instagram para tignan kung may update man lang ba ito pero ganoon na lang ang pagtataka ko nung hindi ko makita ang official account niya. Pati na rin ang ibang social media account niya ay wala na rin.

   Huminga ako ng malalim. Did she blocked me?

    Dahil sa pag aakala kong iyon nagmessage ako kay Evo.

    Napatango ako doon at nakahinga ng maluwag sa nalaman kong iyon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

    Napatango ako doon at nakahinga ng maluwag sa nalaman kong iyon. Bahagya kasi akong nag alala baka may nagawa kaming mali kay Luanne na hindi namin nalalaman.   

Destine Lovers Series 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon