⊱༻ 𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 51 ༺⊰

1.8K 44 46
                                    

𝐃𝐖𝐈𝐆𝐇𝐓’𝐒 𝐏𝐎𝐕

    “Hindi ka pa ba sasabay sa amin?” tanong ni Mamá sa akin habang nakahawak sa balikat ko.

    Tumango lang ako habang pinagmamasdan ko ang lupa kung saan inilibing si Noah.

    “Kuya, mauuna na kami,” saad ni Aulhexa pagkatapos ay niyakap niya na ako. “Magiging maayos rin ang lahat Kuya..”

    Huminga ako ng malalim at saka tumango. Umaasang totoo ang sinabi niya. Ilang minuto lang iniwan na nila ako at nauna nang umalis alam rin kasi nilang kailangan ko ng katahimikan.

    “Dwight,” nilingon ko si Tita Klaire na kanina pa umiiyak. Ngayon lang siya naglakas loob na lumapit sa akin matapos umalis ng mga taong nakiramay.

    “P—pasensya ka na kung ako lang ang nandito.. p—pwede ba kitang yakapin?” muling tumulo ang luha ko saka siya tinanguan. “Ikinalulungkot namin ang p—pagkamatay ni Noah.. napakabait niyang bata.”

    Muli kong hindi napigilan ang emosyon ko. Hinayaan ko ang sarili ko na umiyak ng umiyak dahil totoo ang mga sinabi ni Tita. Halo halong emosyon rin ang naramdaman ko nung yakapin ako ni Tita. Katulad ko malungkot na malungkot rin ito sa nangyari.

    “Magpakatatag ka Dwight, magsabi ka lang sa akin kapag mabigat ang pakiramdam mo. Ito na lang ang magagawa ko sa kabutihan mo sa amin.. ako na rin ang humihingi ng pasensya sa naging desisyon ni Kiera..” hindi ko alam pero mas lalong bumigat ang nararamdaman ko na hindi si Kiera ang kasama ko ngayon.

    Walang naging tugon si Kiera sa message ko, walang Kiera na dumating sa libing ng anak ko, walang Kiera na nagsabi sa akin na magiging maayos rin ang lahat. Walang Kiera na naghatid ng pakikiramay man lang at walang Kiera na nagpagaan nang nararamdaman ko.

    Siguro totoo ang sinabi n’ya na hindi n’ya minahal si Noah at nagpanggap lang s’ya.

    Sa isipin kong iyon lalong bumigat ang nararamdaman ko mabuti na lang at naiintindihan ako ni Tita. Hinayaan niya lang na maubos ang luha ko at nung umayos ang pakiramdam ko. Naghiwalay na kami.

    “Ang totoo anak, hindi ako pinapunta dito ni Kiera..” may pag-aalinlangan na saad ni Tita nung makaupo kami sa monoblock chair na naroon. “Pinagbawalan n’ya kami. Ayaw n’yang magdagdagan pa namin ang sakit na nararamdaman mo ngayon at nahihiya rin s’ya sa nangyari sa inyong dalawa.. pero hindi ko magawa iyon. N—nagpumilit ako. Hindi nila alam na pumunta ako dito dahil sa maikling panahon na nakasama ko si Noah tinuring ko na s’yang tunay na apo.. dumagdag s’ya sa kasiyahan ng pamilya namin.. nakakalungkot lang dahil nangyari sa kan’ya ang bagay na iyon..”

    “Salamat po at nagpunta kayo dito.. sapat na po iyon sa akin.. sana lang po nandito si Kiera na magsasabi sa akin na magiging maayos rin ang l—lahat kaso..” pagak akong natawa nung maisip kong inuna ni Kiera ang hiya niya sa akin kaysa kung gaano ko siya kailangan sa panahon na ito.

    Huminga na lang ako ng malalim bago nagsalita uli. “Napag usapan po namin ni Noah si Kiera bago siya mawala. Sinabi po ni Noah na sana huwag na kaming mag away ng mommy n’ya..” nilaro ko ang mga daliri ko habang pinagmasdan ako ni Tita at pinipilit kong ngumiti. “Sayang at hindi n’ya na makikita kung paano kami magkakaayos ni Kiera..”

    “Pasensya ka na talaga Dwight sa ginawa ng anak ko sa’yo.. sa inyo ni Noah..” muling hingi niya ng despensa.

    Inalo ko si Tita. “Wala po kayong kasalanan..”

    Ilang minuto pa kami nag usap bago kami tuluyang naghiwalay dahil baka hinahanap na daw siya sa kanila kaya naman ako na lang ang naiwan sa puntod ni Noah.

Destine Lovers Series 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon