⊱༻ 𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 14 ༺⊰

4K 79 9
                                    

‎𝐊𝐈𝐄𝐑𝐀’𝐒 𝐏𝐎𝐕

    Ala sais na ng gabi nung makarating ako ng ospital kaya nagmano na ako kay Mama at Papa saka ko inayos ang kaunting pagkain na pinamili ko gamit ang kaunting suweldo ko.

    Pagkatapos dumiretso ako ng CR para mag-half bath at nagpalit ng damit. Matapos no’n inasikaso ko na rin ang kakainin namin.

    “Ma, pupunta po ba dito sila Kent?” Tanong ko habang inaayos ang pagkain namin para makakain na kami.

    “Hindi. Bukas pa daw,” sagot nito. “Sakto iyon, aalis kayo ni Dwight bukas hindi ba?"

    Napalingon ako kay Mama nung sabihin niya iyon. “Paano niyo po nalaman?”

    Nagkibit balikat lang ito. “Ipinagpaalam ka ni Dwight sa amin ng Papa mo nung makabalik siya dito galing sa paghatid sa’yo.”

    Hindi ko alam pero napangiti ako at parang may kung anong kilig akong naramdaman nung malaman ko iyon. Ang bait niya talaga!

    “Ano pong sagot niyo?” muling tanong ko. “Okay lang po ba sa inyo? Pasensya na po nawala na kasi sa isip ko kaya hindi ko nasabi sa inyo, Ma.”

    Natawa lang ito. “Ayos lang ’yon anak. Pumapayag naman kami kasi alam kong hindi ka naman papabayaan ni Dwight.”

    Muli akong napangiti saka ipinagpatuloy na ang paghahain. Matapos no’n, si Mama na sana ang magpapakain kay Papa, pero ako na ang gumawa no’n para makakain siya ng maayos sa foldable table na naroon.

    “A—alamin niyo ang limitasyon niyo, ah, nanliligaw pa lang iyon sa’yo.” Bilin sa akin ni Papa nung makain niya ang pagkain na sinubo ko sa kanya.

    Naguluhan naman ako sa sinabi niya na nanliligaw sa akin si Dwight. “Ano po?”

    “’Di ba nanliligaw siya sa’yo? ’Yon ang sabi niya sa amin ng Mama mo k—kanina nung sunduin ka niya dito.”

    Napatango ako. So, ito yung sinasabi niya na siya na ang bahala sa mga magulang ko?

    “Ah, opo!” ngumiti lang ako saka muli siyang sinubuan.

    “H—hindi ko kayo maalala kaya ito lang muna ang sasabihin ko sa’yo, ito lang muna yung maipapayo ko sa’yo.”

    “Okay lang po ’yon, Papa.” Sabi ko saka ko siya pinainom ng tubig gamit ang straw.

    “Si Dwight, m—mabait ba ’yon?”

    Bahagya akong natawa ganoon din si Mama, siya na rin ang sumagot ng tanong ni Papa. “Sobra! Nung unang araw na ikinonfine ka dito. Pauwi na dapat siya kasi tapos na ang duty niya, pero bumalik siya para sa’yo, tapos nagpahanda pa siya ng pagkain para sa atin nung gabing ’yon.”

    Napangiti ako nung maalala ko iyon. Habang buhay na utang na loob ko sa kanya ang buhay ng pamilya namin.

    “I—ibig sabihin gusto mo si Dwight para sa anak natin?” tanong ni Papa kay Mama. Nakatawa lang naman si Mama bago nagsalita.

    “Bakit naman hindi, mabuting tao naman ’yon.” Natatawang napalingon ako kay Mama. May basbas na ni Mama.

Destine Lovers Series 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon