𝐃𝐖𝐈𝐆𝐇𝐓'𝐒 𝐏𝐎𝐕
"Daddy Doc laro po tayo," aya sa akin ni Noah nung hilahin niya ang short ko habang nakaupo ako sa bar stool ng bar counter sa penthouse ko.
Isang linggo na ang nakakalipas simula nung kumprontahin ko si Rala at kasuhan ng defamation with anti-photo and video voyeurism act due to her inappropriate actions.
Grabe ang pakikiusap niya sa akin na huwag kong gawin ang bagay na iyon sa kanya dahil nagawa niya lang daw iyon dahil matagal niya na daw akong mahal at ako lang daw ang tanging lalake na nagparamdam sa kanya na hindi siya parausan lang katulad ng ginagawa ni Drake sa kanya. Sadista kasi si Drake kapag usapang sex, walang pag iingat ang lalakeng iyon kahit makasakit na siya ang mahalaga sa kanya ay makaraos siya sa init ng katawan niya.
Hindi ko akalain na hayok rin si Rala sa sex sa mukha niyang iyon. Ipinagtapat rin niya na sila rin ang may pakana ng paghihiwalay namin ni Yvonne noon. Tinakot daw siya ni Drake na ipapakalat niya ang sex video naming tatlo kung hindi niya gagawin ang inuutos ni Drake sa kanya na lituhin si Yvonne. Dahil hindi kilala ni Yvonne si Rala madali lang niyang nagawa ang plano nila ni Drake na paghiwalayin kami dahil siya ang nag-text kay Yvonne na pumunta sa condo ni Drake nung gabing iyon.
Magmula nang maghiwalay kami ni Yvonne, sinubaybayan niya na daw ako. Hindi ko alam kung paano niya ginawa iyon, natigil na lang daw iyon nung malaman ng kambal niya ang ginagawa niyang pang i-stalk sa akin at sinabihan siyang isusumbong siya nito sa daddy nila kung hindi siya titigil.Sinubukan niya daw patayin ang nararamdaman niya para sa akin pero hindi niya nagawa lalo pa nung makita niya kaming magkasama ni Kiera nung minsang magbonding kami sa bahay nila Kiera. Mahal na mahal niya daw ako kaya nagawa niyang paghiwalayin kami ni Kiera. Kung gano'n siya magmahal, nakakatakot siya. Baliw!
Even she deleted the videos and apologized to me, I continue to file a case against her. She had to pay for what she did. She needs to learn her lesson. She ruined my relationship with the girl I love! She ruined my life!
"Ikaw na lang muna, 'nak. Masakit ang ulo ni Daddy." Pagtanggi ko sa anak ko saka napahilamos sa mukha ko. Naiinis pa rin ako ngayong bumalik na naman iyon sa alaala ko.
"Kasi po nainom po kayo n'yan e. Bad po 'yan 'di ba?" tinuro niya ang alak na hawak ko.
"It's not bad."
Ngumuso siya. "Pahingi po ako kung hindi bad 'yan."
Pinagmasdan ko lang siya saka ako natawa. Pagkatapos ay muli kong naalala ang sinabi ni Kiera sa akin tungkol sa kanya na hindi niya mahal si Noah at nagpapangap lang siya. "Hindi nga p'wede anak.."
Nagpumilit siya. "Please po Daddy, gusto ko po ng time with you busy ka po kasi sa work lagi e.."
"Ayoko nga anak, play with your ate Isay instead!" Natigilan ako nung masabi ko iyon sa kanya. Agaran siyang bumitaw sa short ko saka yumuko.
"S—sorry po.." iyon lang at tumalikod na siya akin at marahang tumakbo pumunta sa pool area ng penthouse ko kung nasaan sila Nanang Lolit at Isay na nagkukuwentuhan habang nakalublub ang paa sa swimming pool.
Bahagya akong nasaktan nung makita kong aluhin nila Isay si Noah sa pag iyak nito dahil hindi ko ito pinagbigyan sa gusto niya. Wala rin kasi ako sa hulog nakipaglaro. Gusto ko lang uminom ng uminom.
Hindi ko na lang pinansin iyon at muli akong lumagok ng alak saka muling inalala ang masasayang araw namin ni Kiera nung kami pa pero agad na naputol iyon nung mapalingon ako sa pintuan ko kung nasaan ang isang bodyguard ni Noah kasama si Von para ihatid kung nasaan ako.
BINABASA MO ANG
Destine Lovers Series 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIEND
HumorCOMPLETED [UNDER REVISION] Hindi alam ni Kiera na dahil sa isang listahan ng utang makikilala nya ang isang lalake. Si Dwight, ang lalaking hindi niya akalaing kapatid ng matalik niyang kaibigan na si Aulhexa. Inalok siya nito na magpanggap bilang g...