𝐊𝐈𝐄𝐑𝐀’𝐒 𝐏𝐎𝐕
Huminga ako ng malalim nung makarating kami ng ospital para daanan si Dwight para makasabay siya sa pagpunta namin sa Tagaytay.
Nagkaayaan kaming magkakaibigan na mag sleep over sa mansyon nila Aulhexa. Matagal na rin kasi nung huli kaming makapag-bonding.
“Ayos ka lang, Ke?” tanong sa akin ni Aulhexa nung mapansin niya akong tahimik.
Tipid na ngumiti lang ako saka tumango kahit pa nga kinakabahan ako. Isang linggo na kasi magmula nung huling magkita kami ni Dwight. Isang linggo ko na rin pinipigilan ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi! Araw araw.
Gusto kong makalimutan na siya katulad nang hindi niya pagpansin sa akin dahil nahihiya na ako sa sarili ko kapag naaalala kong may fiancee na siya at nagpapapansin pa ako. Kailangan kong gawin iyon para sa amin. Oo pinaghahandaan ko pa rin ang sakit dahil alam kong hindi ganoon kadali na kalimutan siya.
Pasimple kong pinisil ang dibdib ko kung nasaan ang puso ko nung makaramdam ako ng kirot. Mahal na mahal ko si Dwight. Sobra. Pero kailangan ko na siyang kalimutan kasi iyon ang dapat.
Nakabalik ako sa realidad nung bumusina si Kuya Edwin at bumaba ng sasakyan saka sinalubong si Dwight para kunin ang gamit nito. Pagkatapos ay sumilip si Dwight sa loob ng sasakyan. Nagtaka siguro siya kung sino ang kasama ng kapatid niya. Agad naman akong nag iwas ng tingin dahil hindi ko na kayang tignan siya sa mata dahil nahihiya nga ako.
“Doon ka sa passenger seat, Kuya!” reklamo ni Aulhexa. “Kaya nga dito ako naupo kasi tabi kami ni Kiera.”
“Silly. As if diyan ako uupo.” Rinig kong sambit nito nung maramdaman kong buksan nito ang pintuan ng sasakyan. “Tayo dyan! Sa back seat ako uupo. Pagod ako, ulikba. Huwag kang makulit. Magpapahinga ako.”
Narinig ko ang pag rireklamo ni Aulhexa pero sumunod ito sa Kuya niya. Naramdaman kong gumalaw ang sasakyan. Hudyat na sumakay na si Dwight naamoy ko pa ang pabango nito.Matapos niyang makasakay ay pumasok na rin si Aulhexa at muling tumabi sa akin. Six seater ang sasakyan na ginamit ni Kuya Edwin dahil sinundo lang talaga nila ako. Nakakahiya nga dahil ginawa pa nila iyon.
Matapos sumakay ni Kuya Edwin ay nagmaneho na siya. Tahimik lang kami sa byahe nung marinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Dwight. Pagod na pagod siguro siya sa trabaho niya.
“Ke, punta naman tayo ng High and Chill bar next time ha.” Basag ni Aulhexa sa katahimikan.
“Okay,” simpleng sagot ko kahit hindi pa ako nakakapunta doon. Naririnig ko lang iyon kila Dwight kapag nagkakaayaan silang uminom ng mga kaibigan niya na ngayon ay kaibigan ko na rin.
“Naks! Payag agad, ah. Dati laging ang sagot mo ‘ipaalam mo ako’ ngayon, okay na agad.” Masayang saad ni Aulhexa. “Pinapayagan ka nang uminom?”
Nakangiting bumaling ako rito. “Oo naman. Basta ikaw o taong malalapit sa akin ang kasama ko.”
“Yikes! Excited na ako!” Pumalakpak pa ito sa tuwa.
“Anong excited? Nagpaalam ka ba kila Mamá?” sali ni Dwight sa usapan.
Ngumuso si Aulhexa. “Papayag ’yon. Ikaw lang naman ang hindi.”
BINABASA MO ANG
Destine Lovers Series 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIEND
HumorCOMPLETED [UNDER REVISION] Hindi alam ni Kiera na dahil sa isang listahan ng utang makikilala nya ang isang lalake. Si Dwight, ang lalaking hindi niya akalaing kapatid ng matalik niyang kaibigan na si Aulhexa. Inalok siya nito na magpanggap bilang g...