HABANG nasa labas ng operating room hindi maiwasan ni Alice na mag alala para sa kaniyang asawa. Palakad lakad siya sa waiting area sa labas ng operating room dahil hindi siya mapalagay.
‘Don’t worry, Ninang, Ninong, will be in good hands. Calm yourself, pray and I will also do the same thing.’
Ibaalala niya ang sinabi ng inaanak niya. Huminga siya ng malalim at sa wakas naisipan na niyang maupo sa upuan na naroon at sinimulang manalangin.
‘Dear God, we lift up my husband, Agusto Pineda, as he goes through a brain aneurysm procedure. Please guide the minds and hands of the medical team before, during, and after the procedure. Blessed them with wisdom and knowledge to perform the procedure with excellence and in a way that supports the best outcome. Amen.’
Kahit puno ng kaba ang dibdib niya, ginawa niya pa rin ang magtiwala sa diyos at sa mga taong nasa loob ng operating room.
Sa kabilang banda, huminga ng malalim ang pangatlo sa pinakamagaling at pinakabatang neurosurgeon sa bansa na si Dr. Hernandez at umusal ng panalangin bago nagsimula.
“Scalpel,” saad nito sa first assist na si Dr. Madrigal. Agad naman itong tumalima.
Mayamaya pa, nagsimulang gumalaw ang mga kamay niya. Habang ginagawa niya ang operasyon, inalala niya ang mga mabuting nagawa ng Ninong Agusto niya para sa kanya anim na taon na ang nakakalipas.
“Dwight!”
Nag angat siya ng tingin mula sa pag-aayos ng trunk ng sasakyan niya nang makilala niya ang nagmamay ari ng boses na iyon.
“Ninong!” Iniwan niya ang inaayos na sasakyan para salubungin ang kaniyang Ninong saka siya nagmano.
“What are you doing?” Agad na tanong nito sa kaniya nung mapansin nito ang ginagawa niya.
“Inaayos ko lang po yung trunk ng sasakyan ko, Nong.”
“Dapat dinala mo na lang ’yan sa talyer ko.” May ari kasi ito ng isang automotive shop.
“Hindi na ho, Nong, baka palitan n’yo pa, nakakahiya.” Biro niya na siyang tinawanan naman ng huli.
“Bakit nahihiya pa, dapat nga bigyan na talaga kita!”
Napakamot siya ng ulo niya. “Huwag na ho, Nong, baka pumayag ako magkaro’n pa ako ng sports car ng wala sa oras.”
Biro niyang muli. Those are halfmeant.
“You’re in your sixth year of your residency, right?” Tanong nito.
“Yes, 'Nong.” Sagot niya naman.
“Akalain mo ’yon, dati paslit ka lang kala-kalaro ka lang ni Austin ngayon doktor ka na,” nginitian niya lang naman iyon. “By the way, where’s your dad? He called me. Sabi niya dumito ako, siya naman ang wala.” Pagkuwan ay tanong nito saka nagpalinga-linga.
“Pauwi na po siguro ’yon, may kukuhain lang daw po siyang papeles sa school.” Sagot nito. Ang pamilya nila ang nagmamay ari ng Clifford Academy, one of the most expensive international school here in the Philippines.
“Kahit kailan talaga ’yon,” ngumuso ang Ninong niya na ikinangiti niya lang.
“Maupo muna kayo, Nong,” inalalayan niya ang Ninong niya at nagtungo sila sa lanai ng mansyon nila at agad na tinawag ang kasambahay.
BINABASA MO ANG
Destine Lovers Series 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIEND
HumorCOMPLETED [UNDER REVISION] Hindi alam ni Kiera na dahil sa isang listahan ng utang makikilala nya ang isang lalake. Si Dwight, ang lalaking hindi niya akalaing kapatid ng matalik niyang kaibigan na si Aulhexa. Inalok siya nito na magpanggap bilang g...