Tawagin nyo na lang akong TANYA. Bukod sa tan naman talaga ang kulay ko, napakahaba pa ng buong pangalan ko. My real name is TARISHA LIYANNA SILVESTRE. Kapangalan ko ang mommy ko na sa kasamaang palad, iniwan na kami. Bata pa lang ako, ulila na ko sa ina. I was in 2nd year high school that time nang mabalitaan kong nagpakamatay siya. Wala akong ideya noon kung bakit nagpakamatay si Mommy. Ang alam ko, masaya naman kami. Sama-samang namamasyal, laging nagsisimba, kumakain nang sabay-sabay. May mga times pa nga na lumalabas kami ng bansa. Si Daddy noong mga panahon na yun ay minsan lang namin makasama dahil kung saan saan sya nade-destino. Demanding ang trabaho nya pero kahit ganun, di naging hadlang yun para maging masaya kaming pamilya. Kahit nga nag-iisang anak lang ako, hindi ko naramdaman na mag-isa pagkat binubusog ako ng pagmamahal ng mga magulang ko at nakikita ko rin na mahal nila ang isa't-isa.
Hanggang isang araw...
Gumagawa ako ng assignment sa kwarto ko habang nakabukas ang pinto nang bigla na lang nagsisigaw si mommy sa sala. Lalabas sana ako para tingnan kung anong nangyayari pero naisara at nai-lock na agad ni Mommy ang pinto ng kwarto kung nasaan ako. "Stay there for the mean time, Tanya. Mag-uusap lang kami ng dad mo." Medyo kumalma si Mommy ng kausapin ako. Di ko man makita yung mukha nya dahil may pagitan na pinto, ramdam ko na may problema. Mas lalo pa kong kinabahan nang marinig ko ang boses ni Dad na medyo mataas at galit, "You can't blame me! This is not easy for me to admit it because I protect our family! Mahal kita, Tanya! At natatakot ako na dumating tayo sa ganito once na malaman mo." Naramdaman ko na medyo may konting hikbi yung boses ni Dad pero nandun yung pagpipigil. "You love me? So, you did this mess? Is that how you protect us? For how many years, Jaime! For how many long years mong tinago ito tapos sasabihin mong mahal mo ang pamilya mo? You're a coward! Gagawa gawa ka ng baho, hindi mo kayang amuyin! Nakakahiya ka! And I hate myself for trusting you all my life!"
"Patawarin mo ko, Tanya. Yes, this is all my fault. Pero hindi kita niloko. Totoong minahal kita! From the very start, ikaw ang mahal ko at hindi si Maureen! Nagkaroon lang ng kaunting problema, but I'll fix this as soon as possible. Just give me one more chance to make things up to you." Ramdam ko yung intensity nang pagsusumamo ni daddy sa mga oras na yun, pero pinalagay ko ang loob ko at pinilit ko magconcentrate na lang sa assignment ko nang biglang...
"Umalis ka na! Just leave us alone and I don't want to see you anymore!"
"Pero, Tanya----"
"Bumalik ka na sa totoong asawa mo! May anak kayo! Kahit para na lang sa anak mo!"
"Pero asawa rin kita at may anak din tayo!"
"Hindi puwedeng dalawa kami, Jaime! And I don't want you to choose between us! Tutal mas nauna syang naging asawa mo kaya mas may karapatan sya sayo! Masakit lang kasi naaawa ko sa anak natin kapag nalaman nyang anak sya ng isang kabet. So, habang maaga pa, ayusin natin ito. I am not your real wife as what I have known from the start. Nakasama mo na kami kahit paano, hayaan mo namang makasama ka ng anak mo sa totoong asawa mo! Umalis ka na! Umalis ka na!"
Namalayan ko na lang na nabasa na ng luha ang notebook ko at napunit na rin ang ibang pahina nito sa tindi ng pagkakabaon ng ballpen ko. Hindi ko na narinig pa si Daddy, pero ang bigat na dinadala ni Mommy ay ramdam sa bawat sulok ng bahay kasabay ng kanyang hagulgol na pag-iyak.

BINABASA MO ANG
"ISAW na nga ang BBQ!"
RomanceGaano man kakumplikado ang buhay, umiikot pa rin ito sa mga simpleng bagay. Tunghayan kung paanong pinagtagpo ang dalawang tao dahil lamang sa simpleng pagkain sa kanto. Ating ISAW-isahin ang bawat nakakapanabik na detalye sa kwentong magtuturo sa a...