CHAPTER 3: ISAW and Felt The Pain

56 10 0
                                    

Biglang naudlot ang dapat sanang nakaka-enjoy na pagkagat ko sa isaw. Dali-daling hinanap ng mga mata ko kung sino ang may-ari ng mayabang na boses na iyon. Agad ko naman syang nakita dahil matangkad sya at lalong ramdam ko ang presensiya nya dahil amoy pawis sya. May bola na nakaipit sa gilid ng kanang braso nya at nakapula syang jersey kaya kitang kita ko ang kaputlaan nya este kaputian pala. Maganda ang tindig nya. Pero dahil second year high school student lang ako ay wala akong pake sa kung ano pa ang meron sa katawan nya. Sapat ng napansin ko iyon. Ang big deal sa akin ngayon ay ang kung halos sigawan nya ko! At hindi ko palalampasin iyon!
"Excuse me? Are you referring to me?"
"Oo batang maliit. Sino pa bang may hawak ng isaw dito? Are you that slow?"
Aba, teka, ang talas ng dila nito... kalalaking tao. Alam kong maliit ako pero di na ko bata. Siguro, 14 pa lang ako pero mature na ko mag-isip. Mas mature pa nga ko mag-isip sa mokong na 'to na parang isaw lang galit na galit. Yung totoo? Para kang 'isaw' na kapag nai-jumble ang letters, 'SAWI' ang resulta. Kaasar!
"Hindi ako slow. At alam na alam ko na ako ang may hawak ng isaw. That means, pwede ko itong kainin kasi hawak ko ito." Pagtataray ko.
"Akin ang mga isaw na iyan! Don't dare to eat them or else---"
"Or else what? Sasaktan mo ko? Walang pangalan mo ang mga isaw na to kaya hindi mo ito pagmamay- ari!" Medyo tumaas nang kaunti ang boses ko. Nagulat ako kasi medyo malumanay na ang naging tugon nya.
"How are you so sure na walang name ko yan? Kilala mo na ba ko?" Anito sabay ngisi. Pang-asar lang! Siya na lang kaya ihawin ko't gawin kong isaw.
"Malamang! As if 'isaw' name mo? Sabagay, di nalalayo."
"So you mean mukha akong bituka ng manok?"
("Lugi pa yung bituka kamo.") Sagot ng isip ko.
"Ikaw nagsabi nyan." Ako naman ang ngumisi nang pang-asar ngayon.
"Ang liit-liit mo, ang tapang tapang mo!"
"Di ako maliit, matangkad ka lang!"
"You know what? Humahaba tayo. Wala rin naman akong pakialam sayo, so please pakibaba na yung isaw ko. Kumuha ka na lang ng iba, wag yung paborito ko."
That 'walang pakialam' words. Medyo ouch iyon ah. Feeling naman nito feel ko sya.
"Ehem!" Singit ni Aling Precy. Oo nga pala, nasa eksena nga rin pala sya.
"Ahm, Gian, sya pala si Tanya. Kapitbahay natin. Tanya, si Gian, pamangkin ko. Dito na muna sya pansamantala mamamalagi. Pwede kayong maging magkaibigan. Magtulungan kayo pag may mga assignments ang isa't isa tutal dito na rin naman magta-transfer si Gian." Pagpapaliwanag ng matanda. Well, syempre pareho kaming walang reaksyon hanggang sa nagsimula na naman sya.
"Okay! Just give me those 'isaw' and everything will go smooth between us."
"Gian, wag na. Ibigay mo na kay Tanya yung isaw at igagawa na lang kita."
"Ayoko, tita! Mapapagod ka pa. Hoy, ikaw, are you willing to give that to me o pupwersahin pa kita para makuha iyan?" Bakas sa mata nya ang pagkaseryoso. Agad naman syang pinakiusapan ni Aling Precy.
"Gian, tama na! Simpleng isaw lang yan. Wag mong----"
"Simple na kung simple, tita. Pero ang akin ay akin! Di ko ugaling ipamigay iyon!" ma-otoridad nyang sagot na medyo natigilan ako. Di ko na halos namalayan na lumapit na pala sya sa akin, kinuha ang mga isaw at tumalima na. Napansin ko na lang na medyo hapon na kaya nagmadali na rin akong umuwi. Naalala ko rin na hindi pa pala kumakain si Mommy. Sa mga oras na yun, hindi na mainit ang Pocherong dala ko. Pero mas may malamig dun, iyon ang pinagdadaanan ng lalaking si 'ISAW' na konting jumble pa ng letters ay --- wag na natin ituloy. Ayoko rin namang isipin na 'SAWI' nga ang mokong.

"ISAW na nga ang BBQ!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon