CHAPTER 5: Pay Back

46 8 0
                                    

"Ayusin mo ngayon ito! Umisip ka ngayon ng paraan kung paano ako makakapasok sa school nang ganito ang itsura ko! Sabi ko na eh, umpisa pa lang wala ka nang magandang maidudulot sa akin kaya dapat talaga di ako naglalalapit sayo! Ni kahit dumikit ay dapat pagbawalan ko ang sarili ko! Mahirap na nga ang mga pinagdadaanan ko, dadagdag ka pa!" Bulalas ko habang nakatago kami sa bakanteng lote na malapit sa school. Ilang minuto na lang at mag uumpisa na ang klase. Hindi ko maintindihan pero parang sasabog ako. Nagsasama sama ang hinanakit ko sa taong ito at  ang hinanakit na di ko alam kung saan nanggagaling pero nasasaktan ako.
"Ang OA mo, ah! Kape lang yan! Kung makapag emote ka parang buong buhay mo, sinaktan kita." Sambit nya na parang wala man lang bakas ng pagiging concerned.
Tama naman sya, simpleng kape nga lang itong tumapon sa akin kung tutuusin pero naiiyak ako. Wala akong ideya kung bakit pero sa mga oras na iyon feeling ko lalaglag nang sunod sunod ang luha ko.
"Marahil kape nga lang, pero paano pag nag-mantsa ito? Palibhasa kasi hindi ka naglalaba ng damit mo! Nagagawa mo yung mga gusto mo na walang iniisip na iba. Tapos ngayon, heto? Paano ito? So, uuwi ulit ako para magpalit? Ganun na lang iyon? Di mo alam kung gaano kaimportante sa akin ang bawat oras! Kasi palibhasa ikaw sarili mo lang ang iniisip mo! Hindi ka napapagod para sa iba! Pwes ako hindi! Hindi mo alam kung ilang bagay pa ang kailangan kong intindihin para mapaintindi ko rin sa sarili ko na okay lang... Na okay lang ako!" Tuluyan ng sumuko ang mga mata ko sa pagpipigil ng luha na kanina pa gustong kumawala. Wala akong ideya kung saan ko kinuha ang mga salitang binitawan ko. Basta ang alam ko lang ay nasasaktan ako.
"Fine! Kasalanan ko na! Gusto lang naman kasi kitang asarin. Mukha kasing napakatapang mo. Gusto ko sanang sukatin kung hanggang saan. Pero hindi rin pala... Iyakin ka rin!" Aniya na di makatingin sa akin ng diretso. Mukhang na-guilty rin ang loko.
Hindi ako sumagot. Mas minabuti kong patahanin ang sarili ko. Ayoko rin namang mahalata ng iba na umiyak ako. Maya-maya pa'y lumapit sya sa akin at hinagod ang likod ko. Sabay sabing, "Sorry na, bati na tayo, ah? Basta huwag mo ako isusumbong. Yari ako sa tita ko pag nalaman nyang pinaiyak kita. Alam ko marami na kong babaeng pinaiyak pero di pa rin ako sanay."
Walang anu-ano'y kinuha ko ang braso nyang humahagod sa likod ko at pinilipit ko.
"Aaaarrrrrrraaaayy!!!" Sigaw nya. Pinipilit nyang kumawala pero hindi sya makakuha ng tamang lakas lalo na sa tuwing lalo ko pang pinupwersa ang pagkakapilipit sa braso nya.
"Ako, sanay akong magpaiyak ng lalaki. Akin na ang wallet mo?"
"B-Bakit? A-anong gagawin mo?"
"Basta! Akin na!"
"Holdaper ka ba? Ayoko!"
"Ah, ganun. Okay, madali akong kausap!" Lalo ko pang hinigpitan ang pagkakapilipit ko sa braso nya at binaon ko na rin ng kaunti ang mga kuko ko."
"Aaaaaarrrrraayy! T-ta-tammmaa naaa! N-nas-nasa bulsa ko! K-kun-in mo na l-laaanngg!" Pagsusumamo nya.
"Ibibigay mo rin pala. Gusto mo pa nahihirapan ka."
"Ilang taon ka pa lang, sadista ka na! At ano namang gagawin mo sa wallet ko?"
"Sa akin na!"
"Ano? Hibang ka ba? Nandyan ang allowance ko for 1 month. Hindi pwede!"
"Nandito allowance mo? Well, maganda! Bayaran mo iyong uniform at libro kong nabasa ng kape mo!"
"Fine! Pero sobra pa iyan! Akin na ang matitira."
"Nope!"
"Bakit? Wala naman na akong kelangang bayaran saiyo bukod dun, ah?"
"Meron pa!"
"Ano?"
"Eh di yung isaw na kinain mo last time, remember?"
"Hindi sayo iyon, sa akin iyon!"
"Kaya nga, sayo na iyon tutal kinain mo naman na. Ang sa akin ay itong wallet mo. Bibili ako ng maraming isaw at sa akin iyon!"
"Napakatakaw mo! Magka-hepa ka sana!"
"Sino bang nagsabing ako ang kakain? Syempre, ikaw! Tutal favorite mo, 'diba? Sabi mo pa, ang akin ay akin at di ko ugaling ipamigay iyon. Kaya laklakin mo lahat ng isaw mamaya!"
"Alam mo, pasalamat ka, di ako pumapatol sa babae."
"Hindi ka pumapatol sa babae? So, bakla ka! Hahahaha! Sabi na! Push mo yan!"
"Sinong bakla?"
"Malamang ikaw! Pwede bang ako?"
"Ano ulit?"
"Paulit-ulit ka, trip mo talaga, ano? Bakla!"
Sa gitna ng aming pagtatalo ay bigla nya na lang akong hinapit nang husto dahilan para ma-out-of-balance ako at mapadikit sa katawan nya. Matangkad sya kaya halos mapahilig ang ulo ko sa kanyang dibdib. Maya-maya pa'y inangat ko ang mukha ko at napansin kong nakatingin sya sa akin. Kaunti na lang ang distansya ng aming mga labi kaya halos ramdam ko na ang init nang paghinga nya. Ilang sandali pa'y bumaba pa nang kaunti ang ulo nya sabay buka ng bibig at nagwikang, "Ngayon, hindi mo pa ba ISAW-soli ang wallet ko?"
Napalunok ako bago tumugon,
"ISAW-ititit, Bakla!" Sabay tapak sa paa nya.
"AAAAAAAAAAHHHHHH!" Kasabay ng pagsigaw nya ay ang pag-ring ng bell ng school. KRRRRRRRRRIIINNGG!
TIME FOR SCHOOL!

"ISAW na nga ang BBQ!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon